you really don't look okay

8 0 0
                                    

nakahanda na ako para sa susunod naming pupuntahan, ang Agutayan White Island Beach. tatawirin lang ang resort na kinaroroonan namin ngayon tanaw iyon mula dito. sabi ng mga taga rito ay may pagka mahiwaga daw ang island na ito dahil bukod sa bigla na lang itong lumitaw doon ay tila ayaw daw nito na masyadong maingay na magpahiwatig ng pagkamangha sa lagandahan ng lugar. meron nga daw isang grupo ng mga kabataan na sobra daw kung maka-appreciate at ang ingay ingay pa habang naglalayag ang kanilang bangka papunta doon ay bigla na labg daw lumaki ang alon at tumaob ang kanilang bangka at natagpuan daw ang grupo sa dalampasigan sa isla matapos ang dalawang araw na para daw bang kung saan galing na gubat eh puro naman dagat ang paligid.

sinalubong agad ako ni Winston ng yakap.

'kumusta naman ang tulog ng mahal ko sa piling ng mabait kong kaibigan?' tanong niya habang niyayakap ako.

'ok naman. hindi naman kasi siya malikot...matulog.'sabay kalas ko sa yakap niya.

nagtatawanan kami ni Winston sa usapan namin nang dumating ang gwapo kong pinsan na si Mackee.

'pwede sali? parang ang saya niyo naman?'tanong agad niya na nagtataka sa amin ni Winston.

'wag na hindi ka naman makakarelate eh.' sabi ko sabay akbay sa kanya.

'tayo na nga doon at magsisimula na ang orientation at nang makapunta na tayo do'n' nguso niya sa island.

sumangayon na kami bi Winston at sabay na kaming naglakad patungo sa isang cottage kung saan nagsasalita na ang isang lalaki na mukhanga nasa early 50's na.

'ipapaalala ko lang sa ating lahat na bawal tayong kumuha ng mga shells o coral na nasa paligid ng isla at kung kukuha tayo ng isda o lamang dagat ipang kainin siguraduhin lang natin na wala tayong ititira o sasayangin at ang napaka-importante sa lahat ay iuwi natin ang ating mga nasura kasam ng mga masasaya at magagandang karanasan mula sa isla.' ay natapos rin si manong sa kanyang mga paalala.

'Z?' tawag ni Winston na tama lang upang marinig ko.

'mhhmmm?'

'sasabay pa ba ako sa iyo?'

'oo naman?! ano bang klaseng tanong yan Wins?'

'akala ko kasi si Kid na ang sasabay sa iyo eh.' kamot niya sa ulo niya na halatang nadismaya kasi alam ko gusto niyang sumabay sa bitch na si Raquesa. patawad po di ko lang po talaga siya take and feel.

'Winston!? sige ganito na pala tayo ngayon? okay, you can go with that bitch i won't give a damn.' sabay alis ko sa tabi niya.

ano bang nangyayari sa bestfriend ko, hindi naman kasi ganoon yun kalandi eh.

'Z.Y! ano ba naman 'to oh. nagtatanong lang  naman ako ah. kasi di ba, kayo mag kasama magdamag may drama pa. natural magtatanong ako.' habol ng ugok sa akin. hindi ko na siya pinansin. inis na inis ako sa kanya ngayon, promise.

ready na ang lahat na sumakay sa kanikanilang mga bangka. i got on the same boat with kuya lester. si Mackee, Michael at Kid naman ay nasa isang bangka na rin.

'anong nangyari sa inyo ni Winston?' tanong ni kuya na napapansin ang hindi namin pag-iimikan ni Winston kahit na magkatabi kami.

'huh? may nangyari ba kuya?' sagot ko sabay taas ng isang kilay.

'oi z.y, 'wag ka nga dyan. alam ko may nangyari bukod doon syempre kagabi.'

alam rin pala ni kuya ang nangyari kagabi. hindi na lang ako sumagot sa kanya dahil alam ko naman na kukulitin lang niya ako kaya hinayaan ko na lang siya at dumiretso na ako sa bangka namin.

a rare loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon