ACT 24: Nalilitong mga Damdamin ✔

315 6 0
                                    

ACT 24: Nalilitong mga Damdamin

Nagsisimula na ang araw sa Fablecrest Academy. Ang mga estudyante ay abala sa kani-kanilang gawain, maliban sa anim na kabataan na nagmamadaling pumunta sa kanilang unang klase. Malakas ang kalampag ng sapatos sa hallway habang humihingal si Ella sa pagtakbo.

"Bilisan n'yo! Baka hindi pa tayo mapansin!" ani Ella, hawak ang laylayan ng palda niya habang nagmamadali.

Hindi pa man sila nakakapasok sa pinto, isang matalim na boses ang umalingawngaw. "YOU'RE LATE AGAIN!"

Tumigil sa paghinga ang anim. Si Mrs. Chips, ang Science teacher nila, ay nakatayo sa harap ng klase, nakapameywang at tila handang lumamon ng estudyante. Sa edad na nasa kwarenta, may taglay siyang aura ng terror na nagagawa niyang mapanindigan.

"You, Ms. Everwoods," sabi ni Mrs. Chips habang nagtatama ang tingin nilang dalawa."Ever since you became a student here, you've always been late! What's your excuse this time?"

"Ma'am, it's because... because..." Nag-isip si Ella ng mabilis. "It's because of my project-"

"Your project? Maybe it was still sleeping and didn't wake you up, huh?"sabat ni Mrs. Chips, tumataas ang kilay. Napalunok si Ella.

Sunod na bumaling ang tingin niya kay Blanca. "And you, Ms. Nieve. The smartest student of Fablecrest Academy, late for the first time? And why are you still wearing your old uniform?"

Halos hindi mapigilan ni Blanca ang ngiti.

"I-it looks good on me, doesn't it, ma'am?"

"It does suit you!" Napataas ang boses ni Mrs. Chips. "But you're still late!"

Hindi nakaligtas sa kanyang matalim na mata ang apat na lalaking nasa likod-ang Wonder Boys. Kinikilalang mga pop idols ng eskwelahan, sila ang pinakabida sa tuwing may event. Ngunit ngayon, tila mga basang sisiw na nakayuko.

"And you four! Just because you're pop idols doesn't mean you have the right to be late!"s inghal niya. Namula ang mga mukha ng mga lalaki.

"Sorry, ma'am!" sabay-sabay nilang sagot, tila chorus sa isang kanta.

Huminga nang malalim si Mrs. Chips bago itinaas ang isang kamay. ""Because of you six being late, you deserve community service! Grab the cleaning supplies and clean the entire hallway. Right now!"

"Buong hallway?" sabay na bulalas ni Ella at Blanca, ngunit hindi na sila sinagot ni Mrs. Chips. Tumalikod ito at nagsimulang magturo sa klase.

Habang naglalakad ang anim papunta sa storage room, tahimik silang lahat. Si Ella, na laging may witty na banat, ay mukhang nauubusan na ng ideya. Si Blanca, hawak ang kanyang skirt, ay halatang nanliliit.

"Sa susunod, magpapractice na tayo ng pagsabay sa alarm clock," sabi ni Theo ang pinakamatangkad sa Wonder Boys, habang bitbit ang mop.

"Tama! Tama 'yan! Sasabay na ako sa alarm clock! " Tumatangong tugon ni Ella na inilagay ang kamay sa balikat ni Theo na halosi hindi niya maabot dahil sa katangkaran nito.

"Oy, dalian natin nang makahabol tayo sa klase natin, " sabi ni Blanca, na pilit pinipigilan ang pagtawa. "Gawin na lang natin ang trabaho, baka lalo pa tayong pagalitan."

---

Habang patuloy na naglilinis, nagsimula nang maging komportable ang anim sa kanilang trabaho. Sa kabila ng parusa, tila naging bonding moment na rin ito para sa kanila.

"Hoy, Jayden! Mas magaling pa akong mag-mop kaysa sa'yo," biro ni Kevin habang nagpapahid ng mop sa sahig, na parang naglalaro ng sayaw.

"Excuse me, bro!" sagot ni Jayden , kunwaring naiinis. "Mas maayos ang linis ko. Tingnan mo 'to—parang salamin na ang sahig!" Sinubukan niyang magpahid nang mas mabilis ngunit nadulas siya at muntik nang mabuwal.

WARRIOR PRINCESS CINDERELLA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon