Chapter VI - B
Wulf: 'Tol gising! Langya, para kang mantika kung matulog. Hinihintay ka na ng pinsan ko.
Nagmulat ng mata si Allan, mabilis siyang bumangon.
Allan: Si Toni nga pala! Aray!!
Nagmamadali siyang nilapitan ng Mama niya at inalalayan.
Mama: Anak, dahan-dahan ang kilos! Sariwa pa ang mga sugat mo.
Naguguluhan si Allan, sumasakit ang ulo niya kaiisip.
Allan: Ma, bakit po tayo nandito?
Mama: Anak, wala ka bang naaalala?
Pumikit si Allan at nag-isip ng mabuti. Unti-unting pumasok sa isip niya ang nangyari. Si Wulf! Natatandaan niya na naka-green ang traffic light kaya humarurot sila ng takbo. Nang may nag-beating the red light na motor na galing sa kaliwa at bumangga sila. At wala na siyang matandaan pa sa sumunod na naganap.
Allan: Si Wulf po Ma nasaan siya? Nandito din ba siya sa ospital?
Mama: Anak, huwag kang mabibigla... Wala na ang kaibigan mo. Dead on the spot siya.
Allan: Hindi totoo 'yan Ma! Siya pa ang gumising sa akin ngayon lang.
Mama: Anak, Limang araw ka ng walang malay. Tumilapon kayong magkaibigan. Nabagok ang ulo ni Wulf sa gutter at ikaw sa roll-up door ng isang tindahan.
Umiiling si Allan, kinokontra ng isip niya na wala na ang kaibigan.
Allan: Ma, si Toni? Kailangan niya ako ngayon.
Mama: Anak, hindi ka pa magaling. Kailangan mo pang magpahinga para tuluyang gumaling ang mga sugat mo. May brace ka pa nga sa leeg o!
Allan: Ma, please...
Tumulo ang luha ni Allan, hanggang sa humagulhol na siya ng iyak. Agad naman siyang niyakap ng ina.
Allan: Ibinilin sa akin ni Toni si Wulf Ma... May kasalanan ako kay Toni.
Mama: Aksidente ang nangyari anak, wala kang kasalanan. Sige anak, uuwi na tayo ngayon.
Inayos ng kanyang ina ang lahat ng dapat ayusin para makalabas na sila ng ospital. Pinapirma sila ng waiver ng staff ng ospital para ano man ang mangyari kay Allan ay wala ng pananagutan ang ospital.
Gabi na ng nakauwi sila sa bahay. Umupo muna si Allan. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto. Binuksan ito ng kanyang Mama.
Mama: Anak, nandito si Del.
Allan: Papasukin 'nyo po Ma.
Pumasok si Del.
Del: Kamusta ka 'tsong? Nakita ko na sakay kayo ng taxi kaya nagmadali akong pumunta dito.
Allan: Eto, lahat masakit. Katawan, ulo, leeg. Pero ito ang pinakamasakit. (tumuro sa puso)
Del: Wala naman may gusto sa nangyari tsong.
Allan: Pupunta ako sa lamay tsong.
Nagkatinginan ang Mama ni Allan at Del na wari ay nagkaintindihan na.
Del: Ako na lang ang sasama sa'yo tsong. Ako na lang po ang sasama tita.
Tumango na lang ang Mama ni Allan.
Mama: Maghapunan muna kayo anak. Del, dito ka na kumain! Madami naman 'tong nabili kong ulam.
Nagtungo sina Allan at Del sa lamay. Dahil sa nakakabit pang "neck support" at hirap pang kumilos, nagtricycle na sila. Huling gabi na ng lamay kaya madaming tao.

BINABASA MO ANG
My first love's funeral (COMPLETED)
RomanceBata pa lang si Allan ay may lihim na siyang pagtingin sa kanyang kaibigan na si Toni. Hanggang isang gabi ay maglalakas loob na sana siyang umamin sa kaibigan, pero isang trahedya ang nangyari para lumayo ang loob sa kanya ni Toni. Nilisan ni Allan...