Chapter XII
Present Time:
Allan: Oh, bakit kayo nag-iiyakan?
Pasahero 2: Sir, sino ba naman ang hindi maiiyak sa kwento 'nyo? Abot- kamay mo na ang matamis na "oo" ng iyong mahal tapos napurnada pa.
Pasahero 1: Ang sakit 'nun sir ah! Damang dama ko 'yung kwento 'nyo. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak.
Pasahero 3: 'Pag ako 'yun sir, baka nagpakamatay na ako. Ang sakit sa dibdib 'yung masaksihan mo ang lahat.
Cindy: Sir Allan kinaya 'nyo 'yun? Ang hirap 'nun. Nanalo kayo sa election pero hindi mo magawang magsaya dahil sa nasaksihan mo. Pero sir, sayang no? Kung napaaga lang kayo siguradong mag-iiba ang destiny mo.
Allan: 'Yun din ang nasa isip ko nung una. Kung mas napaaga ako, baka iba ang naging resulta. Pero naisip ko din na baka hindi talaga si Yvonne ang babae na para sa akin.
Cindy: Kumusta na po ngayon si Miss Yvonne? Magkaibigan pa din po ba kayo?
Allan: Oo naman, magkaibigan pa rin kami. May pinagsamahan din naman kami ni Yvonne.
Cindy: Hindi po kayo nagkakailangan sir? Kasi 'pag ako 'yun, parang ang hirap.
Allan: Mahirap kung sa mahirap, "umiyak ako, nasaktan ako, pero kailangan kong mag- move on". "Dapat alam mo kung kailan ka dapat huminto, at kung kailan dapat lumaban".
Cindy: Paano 'nyo nagawa sir? Paano kayo nag-move on?
Allan: Day to day basis. Itutuloy ko na ang kwento ko.
....Ibinababa si Allan ng mga kaibigan nang mapansin nila na nagpupunas ito ng luha sa mata. Nakita nila si Yvonne na may kasamang lalaki at nakatingin sa direksyon ni Allan. Nahiwatigan na nila kung ano ang nangyari kaya bigla silang tumahimik.
Kahit hindi maintindihan ni Allan ang kanyang mararamdaman, pinilit niyang itinago at pagtakpan ang nararamdaman.
Allan: Congrats mga padi! (kinamayan ang mga kaibigan) Nagbunga ang mga pagsisikap natin. Tara, sibat na tayo! Let's celebrate! Wooohhh.....
Nagkatinginan ang magkakaibigan. Sinakyan na lang nila si Allan.
Gabriel: Oo nga tara na, sibat na tayo! Yahoo!! Let's celebrate!!
Hinabol na lang ng tingin ni Yvonne ang pag alis ni Allan. Hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkakabigla. Nang makalayo na ang magkakaibigan sa bahay nina Yvonne, nagsalita si Allan.
Allan: Mga padi, ibalato 'nyo na sa akin ang gabing 'to. Uuwi na muna ako.
Edwardo: Ok ka lang ba 'Lan? Nandito lang kami para damayan ka.
Nicolas: Padi, solid tayo! Kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang kami.
Allan: Salamat mga padi. Pero gusto ko muna mapag-isa, lalanghap lang ako ng sariwang hangin.
Gabriel: Padi, ipangako mo na hindi ka magpapakamatay ha?
Allan: Loko ka talaga padi, kasalanan sa Diyos 'yun.
Mabilis na umalis si Allan gamit ang kanyang motor at naiwan ang mga kaibigan na nalilito kung susundan ba ito o pababayaan na lang. Eksakto namang dumating si Ruben kasama si Maya.
Ruben: Mga padi, saan pupunta si pading Allan? Nakasalubong namin ah. Di ba dito ang usapan natin?
Nicolas: Padi, bad news. Nadatnan ni Allan na may kasamang ibang lalaki si Yvonne.
Maya: Sinong lalaki?
Nicolas: Hindi namin kilala eh, pero nanduon pa sa bahay 'nyo kasama ni Yvonne.

BINABASA MO ANG
My first love's funeral (COMPLETED)
RomanceBata pa lang si Allan ay may lihim na siyang pagtingin sa kanyang kaibigan na si Toni. Hanggang isang gabi ay maglalakas loob na sana siyang umamin sa kaibigan, pero isang trahedya ang nangyari para lumayo ang loob sa kanya ni Toni. Nilisan ni Allan...