Part 6 - last part

1K 20 7
                                    


Chapter XIII

Present Time:

Allan: Nag-iiyakan pa rin kayo?

Lahat ng nakikinig sa kwento niya ay nag-iiyakan, lalo na si Cindy.

Cindy: Sir Allan, sino ba ang hindi maiiyak sa love story mo? Grabe pala ang naging sakripisyo 'nyo para kay Mam Yvonne. Napakasuwerte niyang babae, dalawang lalaki ang nagmahal sa kanya.

Hindi makapagsalita ang ibang pasahero dahil sa patuloy nilang pag-iyak.

Allan: Hindi man kami nagkatuluyan ni Yvonne, binigyan niya naman ako ng napaka-gandang regalo. 'Yun ang anak namin! Ang bunga ng minsan naming pagmamahalan.

Inabot ni Allan ang kanyang panyo kay Cindy. Kinuha naman ito ng dalaga at pinahiran ang kanyang luha.

Cindy: Ilang taon na po ngayon sir ang anak 'nyo?

Allan: 7yrs. old na siya ngayon. Pumapasok na sa School, Grade 1 na.

Cindy: Ano pong name? Pinag-mix po ba ang name 'nyo ni Mam Yvonne at ng sa inyo?

Allan: Buti nabanggit mo 'yan, nakakatawa nga nang nagsilang na si Yvonne. Nahihirapan ako magbigay ng name. Ang gusto ko kasi isunod sa pangalan ng bestfriend kong namatay na si Wulf. Kaso ayaw pumayag ng Mama ni Yvonne kasi puro hayop na nga daw ang pangalan ng mga anak niyang babae (Maya at Yvonne), pati ba naman daw ba apo? Nag suggest si Gerard, pagsamahin na lang daw ang pangalan namin ni Yvonne. Natawa ako sa naisip ko, Allan at Yvonne = Avon. Nagtawanan kami. Pero sabi ng Mama ko, bakit hindi na lang daw Yvan (Ivan). 'Yun, nagkasundo kami sa pangalang 'yun, pero isiningit ko pa din ang name ng bestfriend ko. Kaya ang name ng anak namin ni Yvonne ay "Yvan Wulf Bonifacio".

Cindy: Natatawa ako Sir sa "Avon", parang brand lang ng cosmetics.

Allan: Ewan ko ba kung bakit nauso pa 'yung pinagsasamang pangalan ng magulang.

Nagtawanan ang dalawa.

Napansin nila na nag-menor ng takbo ang bus. Nagsalita ang kundoktor... "30 minutes Stop-over po tayo". Nang huminto ang bus, nagbabaan ang mga pasahero. Niyaya niya si Cindy pero tumanggi ito. Alam ni Allan na gipit ito sa pera. Pero dahil na din sa pangungulit niya ay pumayag na din ito. Habang kumakain ang dalawa ay nagtanong si Cindy.

Cindy: After po ng kay mam Yvonne sir, may nakarelasyon po ba ulit kayo?

Allan: Wala na! Naging busy din ako sa trabaho. Marami kaming ginawang pagbabago sa bayan natin. Kumain 'yun ng maraming oras at atensyon ko. May mga nakikilala akong babae pero parang hindi ko makita sa kanila ang hinahanap ko.

Cindy: Baka naman Sir hinahanap mo yung katanginaan ni Mam Yvonne sa mga babae na nakakasalamuha mo? Iba iba sir ang mga babae. Pero bawat isa ay may unique na katangian na dapat madiskubre ng mga lalaki.

Allan: Alam mo 'yung "spark"? Yung una 'nyo pa lang pagkikita ay iba na ang mararamdaman mo? 'Yun ang hinahanap ko!

Cindy: Naniniwala din pala kayo sir sa spark?

Allan: Oo naman, pero hindi ako naniniwala sa love at first sight, mas naniniwala ako sa chemistry. 'Yung proseso na tuwing nagkakasama kayo ay mas nakikilala ninyo ang isa't isa at nagki-click kayo.

Cindy: 'Yun bang para kang natutulala at tumitigil ang mundo mo kapag nakita mo siya sir? Na parang kulang ka 'pag hindi mo siya nakikita o nakakasama at habang tumatagal, mas nakikilala mo siya at unti unti mong nagugustuhan?

Allan: Oo, 'yun na! Teka, baka nalilibang tayo. Tapos ka na ba kumain?

Cindy: Ok na ako sir. Tayo na!

My first love's funeral (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon