Chapter VIII
Present Time:
Cindy: Sir Allan, may nabanggit po kayo na libro na lagi 'nyong binabasa. Paano at saan 'nyo po 'yun in-apply?
Allan: Lahat ng natutunan ko sa libro ay ini-apply ko kaagad. Hindi ako takot na magkamali. Gusto ko talagang makatulong sa bayan natin. 'Nung time na 'yon, 4 na libro na ang natapos kong basahin at nai-apply ko na sa aking buhay. Naisip ko naman panahon na para ituro ito sa ibang tao.
Cindy: Sino po ang una 'nyong tinuruan?
Allan: Ituloy ko na ang kwento ko.
August 1996: Sa halip na ma-stress dahil sa 3 buwang walang suweldo, natutunan ni Allan kung paano i-release ang negatibong energy sa katawan. Isang araw ng Sabado, habang nag-jojogging, nakasabay niya si Kap Deo.
Allan: Magandang umaga po Kap Deo.
Kap Deo: Marhay na aga sayo to. Kumusta ang trabaho mo sa Munisipyo?
Allan: Ayos naman po. Still positive kahit tatlong buwan ng walang suweldo.
Huminto ang dalawa at itinuloy ang usapan.
Kap Deo: Maganda ang fighting spirit mo to. Hanggang nakaupo ang mga corrupt na lider natin, walang mababago.
Allan: Tatakbo pa po ba kayo Kap sa next election?
Kap Deo: Oo, susubok ulit.
Allan: Gusto 'nyo po bang magplano tayo ng magandang strategies?
Kap Deo: Ikaw ang magpaplano ng strategies?
Allan: Opo, ako po. Hindi po halata sa'kin pero may alam po ako na puwede natin gamitin para manalo tayo.
Kap Deo: Naku to hindi sa minamaliit kita, pero madami akong magagaling na advisers.
Napahinto si Allan at nag-isip muna. Kinontrol ang emosyon, huminga ng malalim at saka nagsalita.
Allan: Ah ganon po ba Kap? Sige po, wala pong problema. Mauna na po ako sa inyo Kap, may inuutos pa si mama sa'kin.
Tumakbo na ulit si Allan. Hindi niya pinabayaan na "kontrolin siya ng emosyon niya, bagkus siya ang komontrol dito" at wala ding puwang sa kanya ang mga negative na tao.
Pagkatapos mag-jogging ay tumulong si Allan sa kanyang ina sa tindahan. Napansin niya na tahimik ito at tila may iniisip habang nagcocompute.
Allan: Ma, parang ang lalim po ng iniisip 'nyo?
Mama: Kanina pa kasi ako nagcocompute anak pero mukhang kakapusin tayo.
Tita Leng: Pasensiya ka na pinsan, dagdag gastusin pa ako sa pagsiksik ko dito sa inyo.
Inakbayan ni Allan ang tiyahin.
Allan: Wala po 'yun tita, pamilya po tayo kaya dapat talaga tayo magtulungan. Ang pag- angat ng isa, ay pag-angat ng lahat.
Tita Leng: Naku pinsan ang swerte mo talaga sa binata mo, ang bait na ang talino pa!
Allan: May kulang pa po tita.. at...
Tita Leng: At gwapo pa.
Nag apir ang mag-tita at nagtawanan.
Allan: Magdagdag tayo ng bagong paninda Ma.
Mama: Ano kayang bago nating ititinda?
Allan: Frozen foods sana kaso wala tayong freezer.
Tita Leng: Ayan ang sagot sa problema natin! (sabay nguso sa dumarating) si Ruben Burgos,ang may-ari ng Ruben's Frozen Foods Corp.
BINABASA MO ANG
My first love's funeral (COMPLETED)
RomanceBata pa lang si Allan ay may lihim na siyang pagtingin sa kanyang kaibigan na si Toni. Hanggang isang gabi ay maglalakas loob na sana siyang umamin sa kaibigan, pero isang trahedya ang nangyari para lumayo ang loob sa kanya ni Toni. Nilisan ni Allan...