Chapter X
Present time:
Pasahero 1: Nagdagdag pa ba kayo sir ng ka-ticket?
Allan: Palagay po 'nyo?
Pasahero 1: Maliban kasi kina Konsehal Edwardo at Gabriel, 'yung ibang Konsehal parang ka partido na lahat ni Ex-Mayor.
Allan: Nagdagdag po kami pero bibitinin ko muna kayo.
Cindy: Pero alam 'nyo sir Allan, nakakatuwa ang samahan 'nyo. Siguro wala kayong naging problema. Kasi hanggang ngayon ay kayo pa rin ang magkakasama.
Allan: "Wala naman kasi sa tagal 'yan, kundi nasa lalim 'yan ng samahan 'nyo". Marami ring dumaan na pagsubok sa grupo namin pero lahat nalampasan namin. Pero merong isang insidente na akala ko lahat ng pinaghirapan namin ay mauuwi lang sa wala. (sabay inom ng tubig)
Nag-aabang ang mga nakikinig na ituloy ni Allan ang kwento. Ang kwento na kung bakit ang isang simpleng bayan ay naging isang maunlad na bayan sa kanilang Lalawigan.
Allan: Nangyari ito isang taon bago mag election.
May 1997: Isang gabi pagkatapos ng meeting nila Allan, hindi umattend si Gabriel. Nagpasabi ito na may kakausaping tao na pwede nilang maging ka-ticket.
Nagku-kwentuhan si Ruben, Allan at Nicolas sa balkonahe ng bahay nila Ruben nang dumating si Gabriel. May kasama itong lalaki na ka-edaran din nila. Nagkatinginan si Ruben at Nicolas. Kilala nila ang kasama ni Gabriel na lalaki.
Gabriel: Mga padi, solved na ang isang problema natin. May nakita na akong pwede nating maging ka-ticket at kilalang-kilala 'nyo pa.
Lumapit agad si Nicolas kay Gabriel. Inakbayan at inilayo ito sa mga kasama.
Nicolas: Gab, seryoso ka ba? Sa dinami-dami ng pwedeng kuhain, bakit si Francis pa?
Gabriel: Padi, kung sa credentials lang ay pasok na pasok si Francis. Saka padi, isang dekada na ang lumipas. Hindi pa ba kayo nakakapag move-on?
Nicolas: Sa akin ay walang problema, pero respeto na lang kay Edwardo padi.
Napatigil sa pag-uusap sina Kulas at Gabriel nang makarinig sila na parang may nag-aaway. Paglingon nila, inaawat ni Ruben si Edwardo at si Francis naman ay nakaupo na sa bermuda grass, hinihimas ang panga katabi si Allan na umaawat din.
Patakbong lumapit sina Nicolas at Gabriel sa mga kaibigan.
Edwardo: GABRIEL! RESPETO NAMAN, HANGGANG NGAYON ISIP BATA KA PA DIN.
Namumula sa galit si Edwardo, sabay walk-out nito.
Inalalayang tumayo ni Gabriel si Francis.
Gabriel: Pasensya kana padi. Akala ko ok na kay Ed na magkita kayo.
Francis: Pasensya na din kayong lahat, akala ko din ok na ang lahat. Nandito din kasi ako para humingi ng tawad kay Ed. Akala ko kasi sa isang dekadang lumipas napatawad na niya ako.
Umalis na lang si Francis pagkatapos itong kausapin ni Ruben at Nicolas at inihatid ito ni Gabriel palabas.
Napatulala si Allan sa bilis ng pangyayari. Nag-uusap lang si Ruben at Francis nang bigla itong sinapak ni Edwardo. Nakita ni Ruben ang expression ni Allan sa nangyari kaya ikinuwento niya ang kanyang natatandaan sa pinagmulan ng alitan nina Edwardo at Francis.
Ruben: Magkakaibigan kaming lima, magkababata. 'Nung college kami, girlfriend ni Ed si Dianne for 2yrs. 1st Year college kami nung unang makita ni Francis si Dianne. Gusto nila ang isa't isa pero hindi umamin si Francis dahil torpe ito. Si Ed ay agresibong tao, hindi niya alam na may pagtingin si Francis kay Dianne. Nanligaw si Ed at dumistansya naman si Francis bilang respeto sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
My first love's funeral (COMPLETED)
RomanceBata pa lang si Allan ay may lihim na siyang pagtingin sa kanyang kaibigan na si Toni. Hanggang isang gabi ay maglalakas loob na sana siyang umamin sa kaibigan, pero isang trahedya ang nangyari para lumayo ang loob sa kanya ni Toni. Nilisan ni Allan...