CHAPTER XXVI
**YURI’s POV**
Halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi at wala akong ibang inisip kundi ang naging pag-uusap namin nina Jin Ren ko kahapon.
Di rin matanggal-tanggal sa isipan ko yung ginawa niya sa akin kahapon at nakailang sampal na rin ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon iniisip ko pa ring panaginip lang ang lahat ng iyon.
Pero nakailang sampal na nga ako at pulang-pula na ang mga pisngi ko dahil kinukurot ko rin ito eh di pa rin talaga ako makapaniwalang nasabi ko ang mga bagay na yun sa kanya.
Ewan ko ba kung ano ang nangyari sa akin kahapon at nabitawan ko ang mga salitang iyon. Ni hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang guts para sabihin yun.
**FLASHBACK**
Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin eh isinandal niya ako sa pader habang ang magkabilang kamay niya eh ipinwesto rin niya sa may pader. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko sa ayos namin ngayon at halos humiwalay na nga ito sa katawan ko.
Di lang yun, feeling ko eh matutunaw na ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Mas lalo naman akong kinabahan nang magsalita siya at feeling ko eh unti-unti nang nanlalambot ang mga tuhod ko dahil amoy na amoy ko ang nakakaadik niyang pabango at isabay pa ang napakabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko.
“Alam kong ikaw ang nag-ring ng fire alarm. Bakit mo ginawa yun?”tanong niya sakin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Nuh ba yan, matutunaw ako sa mga titig niya. syet! >,~
Hindi ako nakasalita agad at dinig na dinig ko ang bawat paglunok ko ng laway.
Argh! Hindi ako sanay pag ganito siya sakin. Halo-halo ang nararamdaman ko. Kaba, kilig, takot, at tuwa?
Nilapit pa niya ng kaunti yung mukha niya sakin sabay sabing, “Ano? Bat di ka makasagot?”
Napalunok na naman ulit ako…
Ano ba yan?! Ang bango-bango talaga ng hininga niya oh. Ergh!>,<
Pero bakit ko nga ba ginawa yun? Bakit di ko siya pinatapos magsalita?
maski ako eh di ko rin alam ang sagot.
Basta ang alam ko lang, bago pa man niya natapos yung mga sasabihin niya kanina ay naglakad na ako papunta sa fire alarm. Na wari bang isa akong robot at kinontrol ako upang ipatunog ang fire alarm.
Pero bakit ko nga ba yun nagawa?
naduduwag ba akong malaman kung ano ang isasagot niya dun sa tanong nung babae? Naduduwag ba ako na baka sabihin niyang wala, wala naman talaga kaming relasyon at isa lamang akong dakilang admirer niya???
WAAH, ewan ko.. di ko rin alam kung bakit ko yun nagawa. Siguro sobra lang akong na-tense kanina… (-__-)
“E-ewan ko.. Di ko rin alam kung bakit.” Nauutal na sagot ko sa kanya.
Sa wakas at nakasagot na rin ako sa kanya kahit na nauutal pa. Yun nga lang ang ewan din ng sagot ko eh noh?
Matapos ko siyang sagutin eh tinanggal na niya yung dalawa niyang kamay sa pader. Konti na lang sana at makakahinga na talaga ako ng maluwag, pero di ko nagawa nang muli na naman niyang ipinwesto ang magkabilang kamay niya sa may pader.
WAAAAAAAAAH!!! Ano ba?! Papatayin ba niya ko sa nerbiyos, gulat, at kilig?
Tapos tumingin na naman siya ng diretso sa mga mata ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Ngayon ko lang napansin na ngayon lang pala kami nagkatitigan ng ganito.
BINABASA MO ANG
I'm Courting Mr. Cold
Teen FictionIto'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat ng mga estudyante sa school nila eh alam tungkol sa bulgar na pagmamahal niya kay mr. cold, at siya pa raw ngayon ang NANLILIGAW rito? Mata...