Chapter LVXX

2.3K 52 9
                                    

Chapter

**YURI's POV**

"Bzzzzzzzz!!! (tunog ng buzzer) 1 apple pie for table number 7, ready!" anunsyo pa ni Ric, isa sa mga assigned sa kusina, matapos pindutin ang buzzer.

Nagmamadali naman akong pumunta sa counter para kunin ang order.

Pangalawang araw na nga pala ng School Festival namin. Fortunately, maayos at maganda pa rin ang takbo ng cafe namin. At iyon ay dahil sa kasikatan ni Jin Ren ko. Hanggang ngayon ay nagseserve pa rin siya bilang isang butler upang mapadami ang mga customers namin. Ngunit hindi gaya nung kahapon, hindi na siya nagpapa-picture pa, at tanging pagse-serve at konting smile na lamang ang ginagawa niya.

Syempre, nangako yata siya sa akin kahapon na hindi na niya uulitin iyon. At syempre, tutuparin ko rin ang pangako ko sa kanya. Kaya hindi na rin ako makikipag-usap at makikipagtawanan pa sa ibang lalake.

"Here's your order ma'am, one apple pie." sabi ko dun sa customer naming babae na abalang nakatitig kay Jin Ren ko, habang inilalapag ang kanyang order sa lamesa. Ni hindi man lang niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa katititig kay Jin Ren ko. Alam kong wala nang lunas ang pagkatama niya kay Jin Ren ko, kaya lumayas na lamang ako at nag-serve ng ibang customers.

Hayyy... ang lakas talaga ng tama ng mga babae kay Jin Ren ko. 

"Sows! parang ikaw hindi!" singit pa ng konsensya ko.

Out of the blue na lamang akong napangiti dahil guilty rin naman ako.

"Panigurado, maaga na naman tayong matatapos neto." masayang sabi sa akin ni Heina sabay kinodohan ako.

"Oo nga eh." sagot ko pa at saka tumingin sa direksyon ni Jin Ren ko.

"Ang lakas talaga ng boyfriend mo!" kinikilig pa niyang sabi.

Kinilig naman ako nang dahil sa salitang "boyfriend". Everytime na iisipin kong boyfriend ko na nga si Jin Ren ko, hindi ko maiwasang hindi kiligin. Minsan pa nga eh, iniisip ko na panaginip lamang ang lahat ng iyon.

"Siya nga pala bestfriend..." pag-iiba pa ng usapan ni Heina.

"Ha? Ano yun?" tanong ko naman.

"San ka nga pala nagpunta kahapon at nagmamadali ka pang umalis?" tanong pa niya.

"Ahh... nagp----" napatigil ako sa mga pagsasalita nang biglang nag-ring ang cafe bell namin, hudyat na  magsasara na ang aming cafe. Panigurado, naubos na ang mga bentahan namin kaya magsasara na kami.

"Yahoo! Magsasara na tayo." masayang wika ni Heina. Nginitian ko rin siya at pagkatapos ay nag-high five kami. Successful na naman kasi ang business namin sa araw na ito.

"Pasensya na po sa mga customers namin na hindi nakapag-order. Ngunit magsasara na po ang aming cafe sa araw na ito. Ubos na po kasi ang lahat ng mga bentahan namin. Kung gusto po ninyong tikman ang mga benta namin, maaari po kayong bumalik na lamang bukas." pag-aanunsyo pa ni Aisha sa mga customers namin na kakapasok pa lamang ng cafe at hindi pa nakapag-order.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon