CHAPTER I
“ Oh, magse-seven-thirty na pala. Bakit wala pa rin siya? Hmmm...”
”Yuri!”tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Pagtingin ko si Heina pala, ang matalik kong kaibigan.
”Oh, bakit andito ka pa? Di ka pa papasok?”tanong niya sa akin.
”Ah,eh... papasok din ako ngayon saglit.”sagot ko naman habang nakangiti ng pilit.
”Oh, sige. Kita na lang tayo sa silid-aralan.”balik-sabi niya sa akin at pagkatapos ay tinahak na nga niya ang daan papuntang silid-aralan.
Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Yuri Han. Oo nga't ako'y isang Koreana.
Tatlong taon na ang nakararaan simula nung lumipat kami rito sa Pilipinas, kaya naman medyo magaling-galing na rin ako sa pananalita ng Tagalog.
Unica hija ako't wala na akong mama. Sa pagkakaalam ko'y namatay siya noong apat na taong gulang pa lamang ako. Di ko naman maalala kung ano ang sanhi ng kanyang pagpanaw. Ayaw rin naman ni daddy na tanungin ko pa sa kanya ang tungkol sa pagkamatay ni mommy, kaya naman di ko na siya kinukulit pa tungkol dun.
Bihira ko lang din nakakasama si daddy. Siguro mga isa o dalwang beses sa isang taon ko lamang siya nakikita't nakakasama. Masyado kasi siyang abala sa pamamahala ng mga negosyo namin at saka madalas nasa ibang bansa dahil sa negosyo.
Sabi ni nanny, ang tagaalaga ko na isang Pinay, simula raw nung namatay si mommy eh ibinuhos na ni daddy ang lahat ng oras niya sa trabaho. Kaya naman ngayon maging sa akin ay nawawalan na rin siya ng panahon. Siya nga pala, nang dahil din pala kay nanny kaya mabilis akong natutong mag-Filipino. Kahit na nung sa Korea pa kami'y tinuturuan na niya ako mag-Filipino.
At eto nga ako ngayon, mag-isang nakatira dito sa Pilipinas kasama ang nanny ko. Pero kahit ganun si daddy eh naiintindihan ko rin naman siya kahit papano. Kaya wala akong hinanakit na nararamdaman para sa kanya.
Well, kung curious kayo sa itsura ko uhm.. maganda rin naman ako. May mahabang buhok, maputing balat at may mahahabang mga pilik mata. Ang sabi ng karamihan, best asset ko raw ang mga mata ko dahil magaganda raw kasi talaga ito at kaakit-akit.. HAHAHA.. di ako naniniwala :p Di ako gaano katalino, pero hindi rin naman ako ganun kabobo gaya ng iniisip niyo. Kasi kahit papano eh nasa first section din naman ako.
Oo nga pala, nandito ako ngayon sa tarangkahan ng aming eskwelahan. Hinihintay ko ang pagdating ng pinakamamahal kong si Jin Ren Lopez.
Siya ang love of my life , pero hindi naman kami. Naging stalker este admirer niya ko since third year pa kame.
**FLASHBACK*
BINABASA MO ANG
I'm Courting Mr. Cold
Ficção AdolescenteIto'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat ng mga estudyante sa school nila eh alam tungkol sa bulgar na pagmamahal niya kay mr. cold, at siya pa raw ngayon ang NANLILIGAW rito? Mata...