Chapter 1/3

19 2 0
                                    

Bryle's POV

*ughhh* nakatulog pala ako, ang boring naman kase ng klase na to. Pinagmasdan ko yung buong room may mga ibang tao na sa room at wala na yung mga classmates ko, napansin kong tinitignan nila ako kaya napatingin ako sa glass ng bintana sa gilid ko.

"WARDEN!" tinginan yung mga student sakin, -,- pinunasan ko nalang yung mukha ko ng panyo, alam ko na yung panget lang na yon makakagawa nito sakin. Teka nasan na nga ba yung babaeng yon?

Aaaay wait pakilala pala muna ko sa mga readers, Hi ako nga pala si Kyle Brent, gwapo haha de joke pero yun kasi yung totoo eh, 6'5 height ko, matipuno sa tingin ko, maputi, basta yon. Kent family is one of the riches clan in Asia, my parents is a business tycoon at etong University na to pagaari namin.

Time check 11:10

tumayo na ko at lumabas na ng room, dadaan na muna ko sa favorite spot ko dito sa University, yung garden na para sakin magical dahil sa lugar na yon tahimik ang buhay ko hindi kagaya dito sa labas napaka gulo..

-----------

nang makarating ako sa garden, nakabukas yung gate nito.

"hmmm, sa pagkakaalam ko wala naman masyadong pumupunta dito pwera nalang kung may maglilinis at magdidilig ng halaman pero 11 na kaya siguradong wala." pumasok na ko, habang naglalakad may napansin akong babae.

"she looks familiar." napansin kong humawak sya sa ulo nya at mukhang tutumba sya kaya agad agad akong lumapit para saluhin sya.

*booogsh*

si Warden pala to, nakapikit sya at pinagmasdan ko mukha nya, hmmm cute naman sya kahit papano.

"Hoy warden, gising" habang tinatapik ko yung pisngi nya, kaso mukhang wala talaga syang malay kaya binuhat ko na sya ngtuluyan at naglakad na ko para dalhin sya sa clinic.

may mga guard na lumapit "Sir, kami na po bahala"

"No, I can manage." malapit lang naman din naman kasi yung clinic.

habang naglalakad napansin kong nakatingin yung mga tao at nagbubulungan, well who cares? ganyan naman mga tao dito.

nang makarating kami sa clinic lumapit agad yung nurse "Sir Bryle, dito na lang po." tinuro nya yung kama, at agad ko syang hiniga doon.

"asan yung doctor?" tanong ko

"nako sir nagbreak po, ano po bang nangyari?"

"hinimatay sya sa garden, asikasuhin mo na lang muna sya at babalik na lang ako mamaya" sabi ko don sa nurse at tumango naman sya.

naglakad na ko papuntang canteen, narinig ko yung mga taong nagbubulungan

"sino kaya yon?"

"gf nya kaya?"

"imposible, di naman sya maganda no!"

"kairita naman yung babaeng yon."

"sana ako nalang"

"grabe kakilig no"

"bago nya kaya yon?"

tsss mga tao talaga wala ng ginawa kundi pagusapan ang buhay ng may buhay..

mukhang hindi matatahimik buhay ni Warden..

-----------

nang makarating na ko sa canteen

"Bryle! dito!" si Lance, kasama nya si Kyle.

Si Lance at Kyle childhoodfriends ko at para na kaming magkakapatid dahil sabay na kaming lumake kagaya ko mayayaman din sila at gwapo.

"Oh? musta?" tanong ko

"eto ok naman, san kaba nagpupupunta ha? sayang dude di mo naabutan yung chix." sabi ni Kyle

"haha ano kaba Kyle alam mo naman yang si Bryle may pagkamysterious haha, pero sayang talaga eh di mo naabutan" sabat ni Lance

"puro kayo babae, pwede ba wala akong oras para dyan" sagot ko

"bro, di ka pa ba nakakamove on ha? 2yrs nang nakalipas yon aah, college na tayo at si --------"

"tama na pwede? geh una na ko" uungkatin nanaman nila yung bagay na ayoko pagusapan, tumayo na ko at naglakad papalayo sakanila.

"Bryle, hoy bumalik ka dito."

tinaas ko nalang yung kamay ko na nagpapahiwatig ng pagpapaalam, may mga bagay talaga na ayoko pagusapan, hindi naman sa bitter ako kundi dahil ayoko lang talaga maalala.

HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon