Time check 6:00
"sa wakas natapos din.." eto tapos na klase, lumabas na ko ng room namin.
naglalakad ako papunta sa gate ng University para makauwi na ko at makapagluto na ng hapunan ko, habang naglalakad ako napansin ko na kaunti na lang student dito sa University, medyo creepy kasi nakakatakot yung mga lumang buildings..
"uuwi kana?" may narinig akong boses mula sa likod ko, malamig at nakakakilabot talaga..
OH MY GEE, kaihri tuloy lang lakad wag mo pansinin.. ang bilis ng tibok ng puso ko..
"HOY!" sumigaw na sya..
"WAAAAAAAA! maawa po kayo, wala po akong pera, wala po kayong makukuha sakin, gusto ko pa po mabuhay, mabait po ako, hindi ko po kayo isusumbong sa guard, paalisin nyo lang po ako, maawa na po kayo sakin.." nangingiyak kong sabi don sa mama..
"AHAHAHAHAH nakakatawa ka palang takutin Warden x") ang panget mo.. uuuuh wawa man sya!" tapos tawa pa ng tawa..
"ANO KA BA?! AATAKIHIN AKO SA PUSO EH KUNG SAN SAN KA NALANG SUMUSULPOT!" sigaw ko sakanya.
"OH chill, binibiro ka lang naman eh...
pwera biro YOU MADE MY DAY.. tara na.." tapos nagsmile sya sakin at naglakad na kami
ang weird talaga ng taong to, may time na mabait at may time na hindi na ewan ko ba! aaah basta naiirita ko sakanya..
nang makarating na kami sa gate ng University pinauna na nya kong makasakay ng taxi, hinatid lang pala nya ko dito sa labas, may gagawin padaw kasi sya sa University at nandon yung kotse nya..
nagwave nalang ako ng kamay at ganon din sya..
---------------
eto nakauwi na ko dito sa condo unit na tinutuluyan ko, tapos nadin kumain at maglinis nang katawan..
nakahiga ako sa kama ko at pinagmamasdan yung ceiling ng kwarto..
"hmmm ok naman sya.." ang tinutukoy ko si Bryle, well weirdo pero sa tingin ko ok naman sya..
ahaha ang weird ng 1st day ko, pero nagenjoy naman ako, kahit papaano may naidulot namang maganda tong araw na to ahahah..
kinuha ko yung diary ko at isinulat yung nangyari ngayon..
"Dear diary:
Alam mo may nakilala akong weird na guy ngayong araw, grabe as in ang weird..
mabait sya tapos minsan hindi, pabagobago yung mood nya, ewan daig pa nga nya babae pero alam mo masaya ko ewan ko ba, basta yun yung nararamdaman ko ngayon.."
AAAAAAAAAAAH kai! ano ba naman yan.. ahaha pasampal nga ng sarili ko! ano ba naman tong mga pinagsusulat ko, medyo malandi ha.. nako! masamang magassume! kakakilala lang kaya namin no! at FRIENDS lang kami ok! FRIENDS lang.. haha deffensive ba masyado? basta ewan NAIIRITA ako sakanya..
"makatulog na nga.."
BINABASA MO ANG
Heartache
Teen Fiction"when you love someone no matter how cruel the situation it could be... you would make a way to stay no matter how hard it could get..." Masaya naman kami eh, all is well and perfect but suddenly heartache comes.. May pagasa pa bang magkaron ng happ...