Naglalakad ako sa hardin, punong puno ng pula at puting rosas sa paligid..
Napakaaliwalas ng paligid..
"uhmmm" kakaiba talaga ang dampi ng hangin sa pisngi ko, parang halik..
habang patuloy ako sa paglalakad may natanaw akong lalake sa di kalayuan, nakatalikod sya at parang may inaantay..
tumungo ako papunta sa kinaroroonan nung lalake, makisig at matipuno, likod palang mukha ng gwapo, lalo tuloy akong nacurious kung sino sya at ano ang ginagawa nya..
"hmmm" ng makalapit ako, akmang tatapikin ko sya sa likod..
* BOOOOOOOGSH*
>///< "ARAY!!!!" nalaglag lang naman po ako sa kama..
"sh*t! panaginip lang pala, paasaness makikita ko na si kuya eh"
nagkusot ako ng mata, tapos tinignan ko yung oras 4:30am..
medyo maaga pa naman, eto nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto ko, iniisip ko yung panaginip ko, ang weird no? sino kaya yung kuya sa dream ko?
waaaaah dami ko na nasabi dipa ko nakakapagpakilala sainyo..
Hi I'm Kaihri Anne Christy, Kai nalang for short..
Yung Christy po apelyido ko yon baka kasi maguluhan kayo..
AKO? simple, medyo chinita, di maitim at di maputi kumbaga sakto lang, maliit pero di pandak ha!, long hair.. basta yon SIMPLE lang ako :)
I'm only 16 fresh grad ng H.S and sa condo po ako nakatira regalo sakin ng parents ko kasi I graduated with honors oh dba? san kapa haha joke :)
Time check 6:00am
well sakto it's time to make shower may pasok pako..
--------
Time check 7:00am
Ayan ayos na lahat :) ready for school..
So ayon lumabas na ko ng unit ko at sumakay ng elevator kasi nasa 12th floor ang unit ko and lumabas na ko ng building at pumara ng taxi..
"Manong sa Universiti po"
Ayon understood na yon ni manong driver..
Mga 5minutes lang naman ang byahe mula sa condo na tinitirhan ko mula university..
-----
Pagdating sa University nagbayad nako kay manong driver, tapos bumaba nako..
Pagbaba ko lakad muna ko at eto manghang mangha ako sa laki ng university na pinapasukan ko ahaha.. well pagbigyan! First time eh, malamang fresh grad.. nga pala scholar ako, pero hindi naman sa hindi namin afford ang mamahaling university na to eh kasi nga mataas grades ko kaya kinuha nila akong scholar on diba diba.. :)
BSA nga pala kinukuha ko, as in Bachelor of Science in Accountancy para sa hindi pa nakakaalam..
*BOOOGSH*
Nalaglag yung gamit ko..
"Sh*t" ang sakit eh, tssss..
"Paharang harang kasi!" Sabi nung lalakeng nakabangga sakin na nakakaasar talaga kasi nakatayo lang sya!
"EH KUNG TINUTULUNGAN MO KAYA AKO!" sigaw ko sa asar..yabang kasi..
"Ayoko! Nadumihan yung shirt ko dahil sayo.. kaya labhan mo to!" Sabi nya na tatawa tawa pa..
Tatayo na sana ako para pagsabihan tong mokong nato..
"Aba! Ang kapa----" hindi ko naituloy yung sinabi ko.. ayyy ewan grabe..
Pikit muna ako ng mata tapos mulat ulit..
"What are you doing?" He asked
Sh*t GWAPO nga!!!!
"Ano ba! Ang panget mo wag ka nga tumingin sakin" sabi nya..
Bigla tuloy ako naasar! Nako! Hindi porket gwapo ka magaganyan mo na ko!!!
"HOY! HINDI AKO PANGET! MUKHA KANG HILAW" ayan ang puti nya kasi eh.. wala na ko maasar eh.. kaimis kasi bwiset..
"Tumahimik ka nga! Ang warden mo!" Sabi nya na gusto na ata akong tirisin, eh pano sumigaw nako..
"Oh!" Inabot nya sakin yung study load ko..
"Pano to napunta sayo?"
"Pinulot ko nalaglag eh, magkaklase pala tayo.."
"Ang malaaaas ko naman!"
"Mahiya ka nga! Swerte mo dahil may gwapo kang kaklase! Tae unang araw late ako dahil sa warden na to!" Nakatingin sya sa watch
OMG it is already 8:05 -,-
"Hanla! Tara naaaaa!"
Hinawakan ko yung rist nya at tumakbo papunta sa room, pano ko alam yung room? Simple! Tinour kasi kami dito before na magpasukan kaya ayon..
Teka! Bakit hawak ko rist ng epal na to?! Aaaay dibale na..
Tumatakbo kami paakyat sa 3rd floor sa hagdan, nauuna ko..
"Aaaah!"
*booogsh*
Namali lang naman yung tapak ko sa hagdan >///< oo na! Clumsy na ko!
"Ang gaan mo naman warden" tapos nagsmirk sya..
Waaaah! O.O buhat na pala nya ko, kasi ganito yon ha diba nauuna ko eh nasa likod ko sya nadulas ako at yon nasalo nya ko.. gets? Haha
"Ganda mo naman pala kapag namumula ka...
Mukha kang kamatis na natuyot!" Sabay tawa pa sya..
"Ibaba mo na nga ako! Bwiset ka!" Kainis kasi! Ok na sana eh.. epal ampots..
Tapos binaba na nya ko..
"Tara na nga!" Sabi nya and he held my hand tapos dali dali kaming naglakad papuntang room..
-------
Hi readers :) pabitin muna, yung university na to eh wala talagang name kumbaga imagination lang po :)
Sooo free to leave comments kung may gusto o ayaw kayo..
Salamat :) sana magustuhan nyo..
Don't worry patuloy ang pagupdate ko ng chapters :)
BINABASA MO ANG
Heartache
Teen Fiction"when you love someone no matter how cruel the situation it could be... you would make a way to stay no matter how hard it could get..." Masaya naman kami eh, all is well and perfect but suddenly heartache comes.. May pagasa pa bang magkaron ng happ...