Chapter 2/2

9 0 0
                                    

KRIIIIIIIIIIIING!

nag ring na yung bell, sa wakas tapos na yung klase.. tatayo na sana ako..

"Wait! maupo ka lang dyan.." sabi nung Trish..

"bakit?" tanong ko

"nagtatanong ka pa? bakit ba dikit ka ng dikit kay Bryle ha?"

"Ako? eh sya----"

"shut up bitch! pwde ba ba, matuto kang dumistansya! di ka naman maganda.."

"oo nga.." sabat nung Sofhia

tumayo ako at hinarap sya..

"alam mo maganda ka sana kaso umaalingasaw yung panget mong ugali!"

tapos tumakbo agad ako papalabas ng room alam kong may sasabihin pa sya at siguradong hindi lang eto yung araw na makakaharap ko sya -_______- Kai naman kasi dapat hindi mo na sya pinatulan pa eh..

*booogsh*

"aray!"

"bakit ka ba tumatakbo ha?"

"Bryle?" tapos tinignan ko sya..

"Lance to.."

"aaay sorry ha, pasensya na.."

"ok lang, bakit kaba tumatakbo ha?"

tapos kinuwento ko sakanya yung nangyari habang naglalakad..

"masanay kana, marami ka pang mararanasang ganyan hanggat nakadikit ka kay Bryle.."

hindi ko sya maintindihan, ano bang mararanasan? ang weird.. nakatingin lang ako sakanya at nakikinig..

"wag ka magalala nandito naman kami eh lalo na si Bryle.." tapos kinindatan nya ko..

ngumiti na lang ako, mabait naman pala sya mas ok pa sya kaysa kay Bryle..

"ok ka lang?" tanong ni Lance, hanla nakatulala na pala ko haha ano ba yan, nakakahiya.. >///<

"aaah eh oo hahaha" tapos humarap ako sa kabila kung at sinampal ko ng mahina yung mukha ko.. *ano kaba naman Kai!* tapos humarap ulit ako sakanya..

"tara upo tayo don" may itinuro syang bench, pumunta kami don at umupo..

"mamaya dadating nadin sila.." sabi nya..

"aaah sige" *sana hindi na sila dumating, wag na muna*

mahigit kalahating oras na kaming naguusap ni Lance, wala kwentuhan lang about sa mga gusto.. mahilig din pala syang kumain haha parehas kami, yung nga lang hindi ako tumataba.. masaya sya kasama, nakakatuwa at mas magaan loob ko sakanya.. ewan ba ahaha..

--------------

"kanina pa ba kayo?" tanong ni Kyle

"sakto lang" sabi ni Lance tapos tumango na lang ako, wow ha! sakto lang? mahigit isang oras na kaya kaming nagaantay no!

"tara na! diretso na si Bryle don.." sabi ni Kyle

"tara na Kai.." yaya ni Lance

"huh? saan?"

"basta tara na, siguradong magugustuhan mo don.." tapos hinawakan ni lance yung rist ko at hinigit na nya ko..

yung paligid parang nagslowmotion, napatingin nalang ako sakanya habang naglalakad kami papuntang parking lot ng University..

huminto kami sa isang magarang kotse..

tapos pinagbukas ako ng pinto ni Lance..

sa back sit..

"sakay na.." sabi nya

"salamat.."

sa drivers sit si Lance tapos sa isang sit sa unahan si Kyle..

tapos nagstart nang magmaneho si Lance..

nung una familiar pa ko sa road na tinatahak namin tapos nung tumagal hindi na, pumasok kami sa isang lugar, parang resort sa lawak nito at napaka aliwalas ng lugar at napakaganda talaga, nakakamangha sobra..

tapos huminto kami sa isang malaking bahay ata to.. mga 15 minutes lang yung byahe mula sa University..

"nandito na tayo.." sabi ni Kyle

"pinagbuksan ako ng pinto ni Lance" tapos inabot nya yung kamay nya sakin, at bumaba na ko ng kotse..

"wow ang ganda" sabi ko na manghangmangha talaga ako..

"nagustuhan mo ba?"

-------------

hi reders.. yung *insert caption here* yan yung sinasabi nila sa isip nila..

sana gets nyo :) free to leave comments po..

HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon