Chapter 3/1

20 1 2
                                    

Lance POV

Eto nasa University ako, kasama sina Bryle at Kyle..

"Bryle si Kai oh.." sabi ko

kakalabas lang nya ng pinto galing sa Principals office..

"Kai! tara!" sabi ni Kyle at nilapitan nya si Kai tapos hinigit nya papunta samin..

"aaahm hi.." sabi ni Kai

"hello" sabi naman ni Bryle na nakatingin sa ibang direksyon..

"UUUUy ano yan! para kayong nakakita ng multo aaah.. ahahah" sabi ni Kyle

"oo nga, meron ba kaming dapat malaman ni Kyle.. ha Bryle?" siniko ko si Bryle at nag smirk ako..

"WALA NO!" sabay sabi ni Kai at Bryle

"weeeeeeeh, eh bakit namumula kayong dalawa ahahah" pangaasar ni Kyle

tapos sabay silang tumingin sa ibang direksyon..

tinulak naman ni Kyle si Kai papunta kay Bryle..

"hoy HILAW hindi yon sinasadya!" sigaw ni Kai

"aba! ikaw na nga nagnakaw ng ha----" tinakpan ni Kai yung bibig ni Bryle

"ano ba! ang baho ng kamay mo Warden" 

"hindi naman aaah!" inamoy ni Kai yung kamay nya..

"amoy laway mo na!" tapos pinunas ni Kai sa damit ni Bryle yung kamay nya

"hahahah awat na kayong dalawa.. tara na.."

inaya ko na sila sa canteen para kumain..

pag dating namin sa canteen, umorder na si Kyle nang kakainin naming apat..

"Kai ano nga palang ginawa mo sa Principals office?" tanong ko

"may ginawa yang kasalanan!" sabat ni Bryle..

"hoy hilaw na tao! hindi nga!"

ahaha nagsisimula nanaman silang dalawa..

"aaah eh Lance pinatawag ako kasi ako daw ang napili ng University na ipadala sa Canada.."

"aaah.." sabi ko

tapos nagkwentuhan lang kami ni Kai, ikinuwento nya yung mga napagusapan nila ng Principal..

nakakamangha talaga sya, napakasipag nya at napakatsaga at higit sa lahat masaya syang kasama..

"ALIS NA KO.." sabi ni Bryle nang patabog..

na kakadating naman ni Kyle dala yung pagkain naming apat..

"teka Bryle, eto na yung pagkain.." pagpigil ni Kyle

"hindi ako gutom! may pupuntahan pa ko.." tapos umalis na si Bryle at naiwan naman kaming tatlo..

"ano namang problema non?" tanong ni Kai

"hayaan mo na yon ganun lang yon" sabi ni Kyle

"alam nyo ang weird talaga ng kaibigan nyo, may time na ok naman sya at may time na tinotopak at nakakaasar sya..!"

"alam mo Kai, buti nga bumabalik na yung dating Bryle eh.." sabi ko

"ha? bakit naman?"

"kase simula nung iwan sya nung mahal nya, nagiba na ugali nya.. naging bugnutin at halos ayaw ng makipagusap sa mga tao.. palagi syang nakikipagaway non.. iba talaga tama nya kay----"

"Kyle, hindi kaya sumosobra na yang kwento mo? napagusapan na nating tatlo yan na hindi na natin yan babanggitin pa.." pagpigil ko kay Kyle sa mga susunod nyang sasabihin..

may ilang bagay na dapat hindi manggaling samin ni Kyle..

tumingin ako kay Kai, sa itsura nya mukhang nacurious sya at hindi sya satisfied sa narinig nya pero alam kong matalino si Kai para hindi nya yun malaman pero hindi pa napapanahon ngayon para malaman nya yon..

"aaah tama naman si Lance, Kyle.." pagsangayon ni Kai..

napangiti ako.. alam kong yan ang sasabihin nya, marunong talagang makaintindi si Kai..

matapos ang mahiogit isang oras na paguusap naming tatlo.. napagpasyahan na naming umalis at pumunta sa kanya kanyang klase..

"hatid na kita Kai.." sabi ko

"aaah nako Lance wag na kaya ko na.." pagtanggi nya

ahaha di ko mapigilang mapangiti ang cute nya talaga..

"una na ko ha!" sabi ni Kyle at nagpaalam na sya..

"oh tara na? ano bang room mo?"

"sige na nga tara na.." tapos nagsmile sya..

HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon