Doppleganger

2.5K 33 0
                                    

Ayon sa wikipedia ang doppleganger ay isang kababalaghan kung saan ang isang taong nabubuhay ay may mala-multong kapareho[1] na karaniwang tinataglay ang kasalungat o masama nitong ugali. Sa kasalukuyang gamit, ito ay tumutukoy sa isang tao na may kamukha o kaya'y kapag naaaninagan ang sarili sa gilid ng kanyang paningin, kung saan ito'y imposibleng maging sariling repleksiyon lamang.

Sa ibang kultura, pinaniniwalaan naghahatid ng kamalasan o naghuhudyat ng karamdaman o panganib ang doppelganger kapag nakita ito ng nakakikilala rito, samantalang pangitain naman ng kamatayan kapag nakita ng sarili ang kanyang doppleganger.[2]

Marami sa atin ay may karanasan na sa ganitong uri ng kababalaghan, isa na dito si Grace. Madalas mga bata ang napagkakaitaan ng mga multo. Hindi lang sila aware dito. Madalas kasi na ang multong nakakasalubong niya ay walang bahid ng katatakutan sa katawan o mga bakas ng ikinamatay nito kung kaya ay napagkakamalan sila ng mga bata bilang pangkaraniwang tao na nakakasabay o nakikita lang natin sa daan. Paano? Makikita mong nagtatanong ito tungkol sa isang taong hindi mo naman nakikita sa direksyong itinuturo nito. Sa walang muwang na batang kagaya nila ay wala pa itong alam tungkol sa pagpapangap o pagsisinungaling kung kaya ay pag nakita mo itong pumalahaw ng iyak at nanginginig sa takot habang may itinuturo ay makapanindig balahibo ang kanilang nakita at hindi sila nag iinarte lamang.

Tulad na lamang ng nangyari si Grace. Bata pa siya noon, galing siya sa paglalaro at pumanhik mag isa sa ikalawang palapag ng bahay upang magpahinga. Nakita niyang nakaindian sit ang ikatlong kapatid niya habang abalang  nakatutok sa telebisyon. Masaya niyang nilapitan ito at inilahad ang kamay.

Ate taba pahinging piso. Malambing saad niya. Marahang tumingin ito sa gawi niya at tinitigan siya. Mayamaya sumagot ito.

Kumuha ka nalang sa bag kong kulay pink. May isang piso pa ako doon.

Nang makakuha si Grace ay agad itong nagtatalon sa tuwa na animong nanalo sa lotto. Palibhasa bata pa lamang, ang isang piso ay malaking bagay na para sa kaniya upang makabili ng keyndi. Hindi na niya pa nakuhang magpasalamat dahil agad na siyang nagmadaling pumanhik sa baba upang ibili ng keyndi ang pisong hiningi niya.

Nakita niya ang papa niyang nakatingin sa kanya na nakakunot ang noo at tila ba nagtatanong. Buong pagmamalaking ipinakita niya sa papa niya ang pisong hawak niya.

Papa binigyan ako ni ate taba ng piso.

Huh? Anong pinagsasabi mo diyan. Tanging tayong tatlo lang kaya ang nasa bahay. Pagsingit ng ikaapat niyang kapatid.

Hala! Hindi kaya. Nasa taas kaya si ate. Eto nga iyong piso oh!

Nasa ospital kaya si ate kasama ni mama. Seryosong sagot ng kapatid niya. 

Hala! Baka multo yung nakausap mo! Pananakot ng papa nila. 

Nagsimulang umiyak si Grace dahil sa pananakot ng pasaway nilang ama. Pinagbintangan naman siya ng kapatid na baka raw kumupit lang siya ngunit talagang pinagpilitan ni Grace na ang ate taba daw nila ang nakita niya at binigyan siya ng pera.

Nagkatinginan na lamang ang kapatid niya at ang papa nila. Kanina kasi ay naulingan nila ang boses ni Grace sa taas na tila may kinakausap habang masayang tumatalon pa kaya minabuti ng papa nila na tingnan sana kung sino ang kausap ni Grace sa taas ngunit naabutan na lamang niyang pababa na ng hagdan ang bunsong anak. Pilit man ang tawa ng papa nila ay alam ng isang kapatid ni Grace na naniniwala ito sa kwento ng bunsong anak at idinadaan na lamang nito sa biro upang hindi sila lahat pagharian ng takot sa bahay na iyon.

.

Mga Kwentong KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon