Aswang 2

2.6K 26 0
                                    

Karugtong...

Itim na ibon

Ang insidenteng ito ay nangyari sa kaibigan kong pangalanan na lang nating Rhesa. Hindi ko lang maalala kung nangyari ito noong nakaburol ang tatay nila o noong nakaratay ito sa banig. Nangyari ito dakong 8 ng gabi. 

Nasa taas ng kwarto noon si Rhesa, mag-isa lang siya sa taas ng bahay pagkat abala sa labas ang mga kapatid habang nasa baba ng bahay naman ang mama niya. Minaigi niyang dumungaw sa bintana habang abala sa pakikipag usap sa cellphone. Mayamaya ay may dumaang itim na bagay malapit sa mukha niya. Hindi niya ito nakita pagkat madilim sa kwarto pati narin sa labas. Nagulat nalang daw siya dahil agad din itong bumalik ng makailang ulit. May kalakihan ito. Hindi niya lang makitang mabuti kung paniki o ibon ang kanina pa aalialigid sa pwesto niya. Nagtaka siya dahil diretso lang ang lipad nito nunit may kabilisan, ni hindi niya makitang nagbago ang direksyon nito kahit na matayog na pader ang nasa katabi ng bintana. Ilang dangkal lamang ang layo ng pader sa bintana nila kung kaya nakikita niya ang paglipad nito.

Sa kabila naman ng bintana ay isang mataas na puno ng balimbing. Doon daw naglalagi ang naturang hayop pagkatapos ay muling lilipad patungong pader at saka babalik pagkalipas ng ilang segundo. Naghari ang kuryusidad sa kanya pagkat nagtataka siya kung saan na ito sumusuot dahil hindi man lamang niya nakitang nagiba ng direksyon ang lipad nito. Usually sa mga ibon at paniki malamang mag iiba ng direksyon iyon lalo na kung may nakaharang sa dinaraanan nila. Maaaring pumataas ito o pumaibaba ng lipad. Hindi niya kasi alam kung bakit bigla nalamang itong nawawala at babalik agad na parang lumusot lang sa pader dahil hindi naman nagbago ang lipad nito. Sisilipin pa sana niya kung ano nga ba iyon at kung saan ito patungo ng biglang sumigaw sa kanya ang panganay niyang kapatid.

Nasa labas kasi ito malapit sa bintana kung saan siya nakapwesto. Galit ito at pinapaalis siya. Nagtaka siya dahil lahat ng kasama nito ay nakatingin sa kanya na para bang may nakita ang mga ito na nakakatakot. Doon na siya kinutuban at natakot. Seryoso kasi ang mukha ng kuya niya. Kilala niya ito, madalas itong makakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong mata lamang.

Pagkapanhik ng kuya niya ay saka siya pinagalitan, kesyo daw na ilang beses na siyang dinaanan ng nilalang na iyon ngunit hindi parin siya umalis. Marami mang katanungan ang gusto niyang itanong ngunit hindi na niya naitanong pa dahil sa takot na mas mapagalitan pa siya nito. Sa pagkakaintindi niya ay hindi daw basta bastang hayop ang nakita niya kundi isang Aswang.

 Itim na aso

Nangyari ulit ito sa bahay nila Rhesa. Nang panahon na iyon ay malubha na ang lagay ng ama nila at kalat narin ang balitang ito sa lugar. Ngunit may isang bagay daw na hindi malilimutang karanasan ng isang kapitbahay ang nagudyok sa kanila na bantayan pang lalong maigi ang ama nila.

Nakagawian na nilang maglagay ng aso sa may maindoor tuwing gabi dahil malimit na pagsamantalahan sila ng sariling kamag anak. Pinapasok kasi sila at kinukuhanan ng gamit. Madali kasing makapasok ang mga ito sa maindoor dahil sira sira na ito at butas butas kaya minaigi nilang maglagay ng aso upang maging alerto sa seguridad nila.

May inaatasang tagalinis sa bawat lugar ng kanilang barangay na maglilinis tuwing madaling araw. Isa na doon si Manong Ben. Gawi nitong maglinis tuwing alas tres y medya ng madaling araw sa palibot ng naatasang lugar ng matapos agad bago tumirik ang araw.

Nang minsa'y matapat sa bahay nila Rhesa ay may naaninag siyang malaking hayop. Noong una ay hindi niya matukoy kung anong klaseng hayop ang nakatayo sa pinto nina Rhesa at pilit na sinusuksok ang ulo papasok sa butas. Para daw may inaamoy ito. Nagtaka siya pagkat ngayon lang niya ito nakita at hindi man lang daw niya naririnig ang pagbatok ng inaalagaang aso nina Rhesa. Tiningnan niya daw ito sa malapitan gamit ang lampara. Nakatalikod daw ito sa kanya, may kalakihan na parang sa aso ang mukha. Nang kutuban siya sa naisip ay nilakasan niya ang loob upang sitahin ito. May kalakihan na tao si Manong Ben kung kaya malalim ang boses nito. Inihanda niya di ang sarili sa maaaring pagsunggab nito sa kanya. Marahil ay dahil sa pagkabigla ay kumaripas daw ito ng takbo patungo sa isang boarding house. Bagamat takot ay sinundan niya parin ang aso. Madilim kasi sa parteng iyon. Nang lumiko ang aso sa likod ng nasabing paupahan ay naglaho na daw ito. Nagtaka si Manong Ben pagkat wala ng malulusutan ang aso sa likod pagkat simentadong pader na ang nasa likod ng bahay. Ikinuwento niya ito kinaumagahan. Noon paman ay alam na ng mga residente ang istorya sa boarding house na iyon. Madalas kasing pagkakitaan ng white lady ang nasabing bahay.

Nagsuspetsa ang lahat na ang nakitang asong aswang ni Manong Ben ay isa lamang sa mga nangungupahan sa bahay na iyon at may binabalak na masama sa ama nina Rhesa.

Mga Kwentong KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon