Boarding House

4.8K 60 3
                                    

Kwentong isinalaysay ng tatlong magkakapatid na pareparehong nakainkwentro ng hindi pangkaraniwang pangyayari. Batay na pinatotohanan ng nobyo, pamilya at maging ng may ari ng naturang paupahan.

Dahil sa liblib na bayan ang tinitirahan ay napagkasunduan ng magkakapatid na mangupahan na lamang sa cuidad kung saan sila namamasukan. Napagpasyahan nilang sabay sabay na magtrabaho dahil may malubhang sakit ang ama nila noon at kinakailangan ng pera para sa agarang pagtukoy sa sakit at sa operasyon.

Naisipan nilang mangupahan muli sa dating inupahan ng isa sa magkakapatid na si Misty dahil bukod sa kakilala na nila ang may ari ay komportable na siya doon. Matagal na kasing nagtratrabaho sa cuidad si Misty para matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya at para mapunan ang pang araw araw niyang gastos. Mahirap din kasi ang pamumuhay sa bayan nila dahil tanging pangingisda lang ang maaaring pangkabuhayan doon kung kaya ay naisipan niyang lumuwas. Umalis lang siya noon sa paupahan dahil nakipagkalas siya sa dating nobyo na nangungupahan din roon.

Si Regina naman na siyang panganay sa magkakapatid ay nahinto noon sa pagtratrabaho dahil nag asawa na ito ngunit wala silang anak kung kaya naman ng mangailangan ng tulong ang magulang ay ipinakiusap niya sa asawa na muli siyang payagan na magtrabaho, isinama niya narin ang isa nilang kapatid na bagong salta lamang sa cuidad pati narin ang pangalawang kapatid nilang babae na isang single mom para naman may mag aasikaso sa kanila sa bahay Parepareho kasing 12 hours ang trabaho ng tatlo kung kaya ay mahihirapan silang gumawa pa ng mga gawaing bahay.

Minsan narin akong nakapunta sa boarding house nila. May kalakihan ang nasabing paupahan. Para siyang hinati sa dalawang parte base sa pagkakaayos. Sa kaliwa ay may apat na silid malapit sa pinto habang sa kanan naman ay naroon ang sala sinundan ng dalawang kwarto. Nasa dulo naman ang hapagkainan at kusina maging ang paliguan. Dahil nasa dulo ang paliguan madalas walang tao doon at siyang madalas pangyarihan ng di pangkaraniwang karanasan.

Nagkataon naman na silang magkakapatid na lamang ang nangungupahan ng mga panahon na iyon kung kaya malaya nilang nagagawa ang naisin nila lalo pa dahil madalang lamang magpunta doon ang may ari. Pinayagan naman silang mangupa ng isang kwarto lamang kahit na lalaki ang isa sa kanila dahil magkakapatid sila. Normal naman ang naging takbo ng mga araw sa kanila noon hanggang sa may isang sitwasyon ang nagpamulat sa kanila na hindi lang sila ang naninirahan doon.

Nagkataon na nakituloy ang mga magulang nila sa inuupahan dahil kinailangan ng ama nila na maipasuri sa doktor dahil sa panibagong pananakit ng tiyan. Kauuwi lang nilang magkakapatid galing sa trabaho kasama ang bagong kinakasama ni Misty na si Vince. Naisipan muna ni Misty na magbanyo pagkauwi agad niya. Naiwan naman ang mga magulang at mga kapatid niya sa sala habang ipinaparada naman ni Vince sa labas ang motorsiklo. 

Habang nasa loob ng banyo ay nakarinig si Misty ng ingay sa kusina. Narinig niyang parang may hinahanap ang sinuman na nandodoon base sa naririnig. Naulingan niyang lalaki ito dahil sa pagalit na pagbulong nito.

Vince? Paniniguro ni Misy. 

Hmm? Sagot nito sa pagalit na tono.

Anong ginagawa mo diyan?

Hinahanap ko kasi iyong ****. Hindi ko makita. Padabog na sagot nito. Dala marahil ng pagod ay hindi na naitanong pa ni Misty kung ano ang hinahanap nito. Hindi niya kasi naunawaan ang sinabi ng asawa at baka mamaya ay siya pa ang mapagbuntungan ng galit nito. Kaya sumang ayon na lamang siya, kunwari'y naintindihan niya ang sinabi nito.

Baka nandiyan lang. Hindi naman iyon mawawala diyan. Ani ni Misty.

Nang matapos si Misty sa pagbabanyo at paghilamos ay napagpasyahan na muna niyang maupo sa toilet bowl. Sinumpong kasi siya ng katamaran dahil sa pagod at puyat.  Isinandal muna niya ang sarili sa pader at pumikit. Dinig na dinig parin niya ang ingay sa kusina. Halatang hindi parin nahahanap ng asawa ang hinahanap nito dahil galit na galit na itong bubulong bulong. Mayamaya ay hindi na niya namalayan nagapi na pala siya ng antok.

Mga Kwentong KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon