Ghost in the corridor

2.1K 27 1
                                    

Ang kwentong ito ay tungkol sa naging karanasan ni Ate Aiza kasama ng kanyang anak na si Steven na noon ay 3 years old pa lamang.

PTA Meeting noon kung kaya malaya silang nakapasok ng campus.  Nag attend kasi siya ng meeting ng bunsong kapatid na si Grace dahil nagtitinda ng isda ang nanay at tatay nila sa palengke. Isinama ni Ate Aiza si Steven dahil walang pasok noon pati na rin sina Grace at Theresa dahil wala naman silang gagawin sa bahay.

Sa pavilion ginanap ang assembly, maraming mga magulang at mga bata ang dumalo kung kaya mainit at maingay. Napagpasyahan na lang nilang maglog sa attendance at magtatanong na lamang sila sa mga kakilala kung ano ang napagpulungan. Naisipan nilang maglibot sa paaralan.

May kalakihan ang nasabing paaralan. Itinayo pa ito taong 1902 at pinamunuan ng isang amerikano. Dahil lumang paaralan na, maraming nagtatayugan at naglalakihang mga puno ang nakapalibot sa buong iskwelahan. Naglalakihan din ang mga buildings doon na kung saan ay may kanya kanyang istoryang kababalaghan din lalong lalo na sa pinakalumang building na ginawang admin building na ngayon.

Nagpasya silang umakyat sa ikatlong palapag ng isa sa mga building doon dahil gustong ituro ni Theresa sa mga kapatid kung saan ang mga klasroom ng kanyang mga crush na palagi niyang ikinukwento sa mga ito.  May kalakihan ito kumpara sa iba. Tinatayang mayroong  12 silid ang bawat palapag. Walang katao tao sa ikatlong palapag kung kaya maingay na ikinuwento ni Theresa ang tungkol sa mga crush niya. Napuno ng halakhakan ang ikatlong palapag dahil sa mga kalokohang isinisiwalat ni Theresa sa mga kapatid.

Bumaba na tayo. Pasyal naman tayo sa ibang building. Pagyayaya ni Aiza sa mga kapatid.

Oh Steven bumaba ka muna. Ang bigat bigat mo na baka mahulog pa tayo sa hagdan. Reklamo naman ni Theresa na kanina pa nagbubuhat ng pamangkin. Umangal naman ang pamangkin sa tinuran ng tita niya. Tinatamad kasi itong maglakad kung kaya gustong magpabuhat.

Oi  Ate Aiza yung anak mo. Nagpapabuhat!

Ay naku hayaan mo yan. Nasasanay eh.

Halika na baby hayaan mo yan nanay mo napakasalbahe. Dali buhat ka ni tita. Pag aalo naman ni Grace sa pamangkin. Spoiled kasi ang bata sa mga tiyahin nito kaysa sa nanay.  Palibhasa unang pamangkin kaya sobra sobra ang pag aalaga ng mga ito.

Oi  huwag mo yan buhatin mamaya mahulog pa kayo. Akin na si Steven. Hawak ka sa kamay ko dali. Pagsasaway ni Ate Aiza. Ayaw niya kasing nasasanay ang anak niya sa ginagawang pag iispoiled ng mga kapatid niya ngunit hindi naman niya masaway ang mga kapatid kaya siya na lamang ang nagmamatigas. Hindi naman nakakaangal ang anak niya dahil takot ito sa kanya.

Tahimik silang naglalakad papunta sa hagdan ng makarinig ng yabag. Nagtaka ang tatlo dahil wala naman silang nakikitang tao na malapit sa kanila. Ramdam din nila ang presensiya ng sinumang nilalang na sumusunod sa kanila ngunit hindi sila umimik dahil ayaw nilang matakot ang bata.  Binilisan nila ang paglalakad dahil sa sorang takot nunit bago paman sila makalapit sa hagdan ay biglang nagtayuan ang balahibo nila dahil biglang nagsalita si Steven.

Mama oh! Yung lalaki sumusunod satin! Turo nito sa likod.

Hindi na sila kumibo pa at patakbo na lamang bumaba sa sobrang takot. Alam kasi nila na wala silang nakikitang ibang tao sa taas.

Mga Kwentong KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon