Blue Eyes Blue (working title)

14.9K 71 4
                                    

Disclaimer*** All characters and events in this story--even those based on real people--are entirely fictional. The following contains same gender relationships and due to its content it should not be viewed by anyone.

***I'm Rating this story as Restricted because I do not have any idea where the story will be heading to although the current storyline is rated PG.

Introduction

Wala ng mahihiling pa si Dennise Michelle Lazaro, mapagmahal na pamilya, maayos na estado sa buhay, student-athlete ng Ateneo de Manila University, isa sa pinakasikat na volleyball player ng bansa, mababait na kaibigan, sweet at gwapong boyfriend. Kung tutuusin nasa kanya na ang lahat ngunit kahit masaya sya sa buhay nya, nararamdaman nya na parang may kulang sa buhay nya na hindi nya mawari kung ano. Matututuhan na lang kaya nyang makontento sa buhay nya o hahanapin nya ang nawawalang puwang sa puso nya?

Chapter 1

Hay salamat natapos narin ang subjects ko ngayong araw, sambit ni Denden sa sarili nya.

Naglakad na sya papunta sa favorite spot nya sa campus, ang garden, kung saan tahimik, may mababango at makukulay na mga bulaklak at malamig ang simoy ng hangin. Ito nga raw ang paradise in the city sabi ng mga estudyante doon kasi talaga namang makakalimutan mo na nasa Metro Manila ka pala pag naroroon ka.

Umupo na si Denden sa tambayan nya sa ilalim ng puno, inilagay sa tenga ang earphones ng ipod nya at nagbuklat ng libro nya para magbasa ng lessons nila. Routine na nya iyon sa tuwing may free time sya before ang practice nila ng mga Lady Eagles, may minemaintain kasi silang grades as student athletes, lalong lalo na ngayong 3rd yr na siya sa kanyang kursong B.s. Biology, pahirap ng pahirap ang mga subjects niya. Napapakunot pa ng noo nya habang nagbabasa ng mga tongue twisters sa anatomy and physiology book nya.

Nasa ganoong posisyon siya ng matanaw sya ng kanyang beshie na si Alyssa Valdez. Nagmeeting kasi ang mga student leaders doon sa garden, Student athlete din si Aly, dean's lister sa kursong A.B. Psychology, at skipper open spiker ng ALE. Matagal na rin silang magkakilala ni Denden simula pa nung highschool sila nang maging magkatunggali ang kanilang schools sa larong volleyball, CSA si Denden at UST naman si Aly. Kinalaunan naging matalik na magkaibigan sila nang taon taon na lamang silang nagiging team mates bilang representative ng NCR sa palarong pambansa.

Napangiti na lang si Aly at napailing dahil alam na alam nya na nasa sariling mundo na naman ang kanyang matalik na kaibigan. Bigla namang naputol ang kanyang pagtingin kay Denden, nang biglang humarang si Jovee, student leader din at masugid na manliligaw ni Aly. "Uhm, aly," bungad nya. Nginitian naman ni Aly si Jovee, na nagpapahiwatig na ituloy ng lalaki ang gustong sabihin, ngunit dahil sa sobrang ganda ng ngiti nya ay lalong namula ang pisngi at nautal magsalita. "Ano kasi, Friday ngayon, baka naman pwede kitang iinvite lumabas mamaya after ng practice nyo, un eh kung di ka pa pagod saka wala kang gagawing, kung ok lang sau, kung di makakastorbo sau, uhm, pwede mo rin iinvite sina Ella at Denden." "Grabe naman kahaba ng speech mo Jovee, nag iinvite ka lang naman palang magdinner" sagot ni Aly na nakangiti parin. "Tatanungin ko muna sina beshies kung wala kaming ibang lakad tapos ittext na lang kita kung makakasama kami, ok? O pano, text text na lang ha? Oras na kasi ng practice namin, hihilain ko pa ung isa roon." Sabay nguso ni Aly sa kinaroroon ni Denden na subsob na subsob parin sa binabasa nyang libro.

Habang nag uusap sina Aly at Jovee ay sakto namang napatingin si Denden sa kanila. Bigla syang napasimangot at nagsabi sa sarili, "hay naku, pinopormahan na naman ni Jovee si Aly, di na natuto, sinabi naman kasi ni Aly sa kanya na friends lang ang kayang ioffer sa kanya, pero di parin nawawalan ng pag asa itong isa. Kaw naman kasi Aly, may pafriends ka pang sinasabi, kung makangiti ka naman sobra, aasa talaga yan kung ganyan ka, eh ako nga nandito sa malayo naiinlove na sa ngiti mo, sya pa kaya na kaharap mo o panguso nguso ka dyan. Hay naku nakakainis ka." Bigla namang nagulat sa mga sariling iniisip si Denden, "ano ba yan, saan galing un? Ano ba Denden, protective ka lang sa beshie mo dahil ayaw mo syan masaktan, may boyfriend ka, hindi ka attracted sa babae at lalong hindi kay Aly." Pagpipilit ni Denden sa sarili at mabilis tumayo na sya para pumunta sa BEG, hindi na nya hihintayin pa si Aly, baka kung ano pa ang masabi nya na maaari nyang pagsisihan sa huli.

Blue Eyes Blue (working title) alydenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon