Chapter 18-Better late than never..

2K 62 4
                                    

A/N : Tapos na rin ang pagtatahi ko ng story. Proceed na tayo sa day after birthday ni Aly.

#########

June 30,2012

#########

"Besh!" bungad kaagad saakin ni Ella. Mukhang tapos na ang awarding.

"oh, besh, halika na check out na raw tayo. Ready na ba ang mga gamit ko" Pang aasar nya.

"ay opo madam, ready na po lahat. Natupi ko na po ang mga damit nyo, nasa bagahe na po" pag sakay ko sa kanya.

"Magaling magaling magaling. Maasahan ka talaga alipin" sabay hagalpak nya ng tawa.

"maraming salamat po sa pag puri nyo saakin madam, malaking bagay po para saakin iyon." tinuloy ko pa rin ang kalokohan nya.

"at dahil dyan may pabuya ka saakin."

"ano po un madam?" tanong ko sa kanya. Im anticipating a crack joke from her.

"You will be in the presence of royalty, sabay tayong pupuntang airport." pagmamalaki nya.

Sabi na nga ba. Hihirit sya. Pero gusto ko sanang makasama si Den. Miss ko na kasi sya. Lalo na, everytime I close my eyes, naaalala ko ang pakiramdam ng mga malalambot nyang labi na nakadampi saakin. Hay. Erase erased. Kakasabi ko pa lang kanina. Makokontento na ako kung anong meron kami.

"uy natahimik ka? Tampalasan.. Wala kang karapatang malungkot dahil kasama mo ako.. ang iyong madam.. intiendes? aliping saguiguilid?" in character pa rin talaga itong besh ko.

"opo madam, masaya po ako" binigyan ko sya ng pagkatamis tamis kong ngiti na halos maging kasing mata ko na si Ate gretch.

"mabuti alipin, dalhin mo na ang aking mga bagahe at tayo na sa baba."

Hanep talaga kung makapagtrip itong si Ella. Napailing nalang ako at sinunod ang utos nya. Si Amy naman na kanina pa tahimik na nakikinig saaming dalawa ay lumapit saakin. Naawa yata at tinulungan akong magbuhat.

"ikaw, Isang Alipin" baling ni Ella kay Amy.

"Ano poh iyon, madam Ella" nakangiti din na sumagot si Amy with her accent.

"Ay wala, magnonosebleed ako sau kung kakausapin kita, halika na Jirah bago tuluyan pa akong maging anemic dyan kay Kiwi."

"ang hard mo ella" pagtatagalog ni Amy.

Tawanan kaming apat habang naglalakad papuntang lobby.

Pagdating namin, nagpalinga linga ako, pero hindi ko makita ang mga team mates namin...  errr. ok I will admit, si Den talaga ang hinahanap ng mga mata ko. Naisip ko na lang baka nauna lang kaming bumaba kaya umupo muna ako sa sofa para hintayin ang iba. Napatingin ako kay Jirah. Tumingin din sya saakin na parang naiintindihan nya ang nararamdaman ko. Umupo sya sa tabi ko at pinisil ang kamay ko. Pero tuluyan akong nalungkot ng may lumapit saamin na empleyado ng hotel.

"Maam, pasensya na po, mahuhuli po kayo sa groupo nyo kasi nasira po ang van na maghahatid sa inyo sa airport. "

"ha eh manong pano po ang flight namin?" pag aalala ko, samantalang relax na relax ang tatlo.

" naayos na po nina Sir Tony. Kung hihintayin nyo pa ang susunod na flight sa Tuguegarao eh bukas pa po iyon, kaya sa Cauayan Airport po namin kayo ihahatid para makabalik ng Maynila, 3 hrs travel lang po kasi iyon dito. " Paliwanag nya saamin.

Tumango tango lang ako kahit na nababakas ang panghihinayang ko na hindi ko makikita si Den ng ilang oras pa.

"Road trip" masayang sagot naman nina Ella at Amy.

Blue Eyes Blue (working title) alydenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon