Chapter 17 - Hbd Aly!

2K 50 13
                                    

June 29, 2012

#########

"Siya ba Den?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Hindi ako makapagsalita. Dahan dahan syang lumapit saamin.

"No this cant be happening.. Hindi dapat nya malaman sa ganitong paraan." sigaw ng isip ko.

Tinignan ko sya. Pulang pula ang mga mukha nya, magkasalubong ang kilay. Ang kanyang mga mata na dati ay parang maamong tupa ay naging parang sa tigre na. Natakot ako. Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya.

"Siya ba Den?" tanong nya ulit sa akin.

Ng hindi parin ako sumagot ay hinawakan nya ng mahigpit ang magkabilang balikat ko. Mahigpit. Marahas. Masakit. Napangiwi ako sa sakit.

"Myco nasasaktan si Den" pigil ni Kuya Sue sa kanya, habang hinawakan ang braso ni Myco.

Mukhang natauhan yata si Myco na nasasaktan ako kaya bumitaw sya. Pero mali pala ako. Binaling lang pala nya ang galit kay kuya.

"Bakit ka ba nakikialam tomboy ka? Imoral!" Suntok ni Myco kay kuya. Tinamaan sa pisngi si kuya, nawalan ng balance at natumba sa mga heart shaped holes na nakapaligid sa tent.

Tumayo si kuya. Hinawakan ang pisngi. Dinura ang dugo sa bibig nya.

"Pare, you got it all wrong. Hindi ako ang gusto ni Den" Sagot nya.

"O hindi ka talaga magugustuhan ni Den dahil tibo ka" Sinugod ni Myco si kuya. Natumba si Kuya Sue habang si Myco ay patuloy na pinagsusuntok si kuya hanggang sa mawalan ng malay.

"bagay lang yan sa mga katulad mong desperadong mapansin ng girlfriend ko, masyado kang pasikat. Alam mo kung gusto mong magpakalunod sa kasalanan wag mong idamay si Den." pangungutya ni Myco.

Mabilis akong lumapit kay Myco at sinampal sya. Sobra na sya.

"walang kasalanan si Kuya Sue dito" malakas na sabi ko.

Humarap saakin si Myco.

"so ikaw na malanding babae ka ang nang akit sa tibong ito ganon"  saka nya hinila ang braso ko papalapit sa kanya.

"Hindi pa ba ako sapat ha? Siguro kailangan mo lang makatikim ng tunay na lalaki para mawala ang kabaliwan mo" Niyakap nya ako at pilit nya akong hinalikan. Sa sobrang gulat ko ay natumba ako. Sinamantala iyon ni Myco at pumatong sya saakin. Pilit parin nya akong halikan pero binabaling ko ang ulo ko para hindi magtama ang mga labi namin.

"Mas magaling ba sya Den? Ipapaalala ko sau na mas masarap ang lalaki."

Mahigpit ang pagkakahawak nya ang magkabilang kamay ko. Nanghihina na ako sa kakapalag at pag iwas. Siguro nga, hindi kami para sa isat isa ni Aly, dahil maraming hadlang. Tinigil ko na ang panlalaban. Nakita ko na may ngiting nabuo sa labi ni Myco.

"sabi ko na bibigay ka rin" may pagmamayabang na sambit nya, habang hinahalikan ako.

Nasusuka ako sa kanya. Pero wala akong magawa.  Naramdaman kong binitawan na ni Myco ang pagkakahawak sa kamay ko. Tinaas nya ang polo shirt nya sa ulo nya at tinanggal.  Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Si Aly ang nakita ko. Bumaba ang halik nya sa leeg ko. Ang isang kamay nya humawak sa dibdib ko. Maya maya ay hakahawak na sya sa may tyan ko, pilit na tinataas ang tshirt ko.Tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Im sorry, Aly. Bakit ngayon pang birthday mo na dapat magiging masayang alaala ko, ay syang magiging araw ng pagkawala ng virginity ko."

"pare, ginagalang ang mga babae hindi dinadaan sa dahas" Narinig kong sabi ni kuya Sue.  Nawala ang bigat ng katawan ni Myco saakin. Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko si Kuya na hawak ang isang bamboo tikka. Ang dati nyang maputing mukha may punong puno na ng pasa at dugo. Si Myco naman nakahiga sa tabi ko, namimilipit sa sakit.

Blue Eyes Blue (working title) alydenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon