Chapter 13 - Make my day, baby.

2.8K 43 5
                                    

A/N Jirahly moments included as requested.

May konting SueDen :-).

########

June 26, 2012 ( tuesday)

########

Maagang nagising si Aly. Nagjogging muna sya sa paligid ng hotel, halos tulog pa rin ang ibang mga guest, maliban sa mga morning duty staffs ng tinutuluyan na kasalukuyang naglilinis ng bakuran.

Makalipas ng 1 oras bumalik na sa kanilang room si Aly. Tulog pa rin ang mga kasama nya. Mabilis syang naligo at nagbihis. Gusto nyang yayaing mag almusal si Denden dahil mamaya pa namang 10am and 2pm ang laban nila. Siguro naman ay wala ng sumpong ang kaibigan. Dali dali syang kumatok sa kabilang kwarto. Pero matagal bago bumukas ang pinto.

Lumabas ang pupungay pungay na si Dzi. Halatang nagising lang sa pagkatok ni Aly dahil hindi man lang nyang naisipang magsuklay.

" What the hell, Valdez? Ang aga aga nambubulahaw ka. Do you know what time is it?" iritang tanong ng Kapitana nila.

"uhm a few minutes past 6am" Palunok na sagot ni Aly, halatang takot.

"exactly! Its way too early" nakapamewang na si Dzi ngayon.

"Sorry, captain" Nakayukong sagot ni Aly, Talikod na lang sana sya ng tawagin siya bigla ni Dzi.

"Since you already disturbed my sleep, what do you want?" Tanong nya.

"Yayayain ko po sana si Denden na mag almusal." mahinang sabi ni Aly.

"Ang lagay eh siya lang ang yayayain mo? Gnun?"

"Di naman po sa ganun ate, kaso alam kong tulog pa kayo kaya si Den na lang sana ang gigisingin ko" paliwanag nya.

"Eh ako ang nagising." nakangisi na sya ngayon, halatang pinagttripan na nya si Aly. Hindi naman ito napansin ni Aly dahil nakayuko pa rin sya.

"Ate Dzi, gusto mo rin sumamang mag almusal?"

"Ayaw ko, napipilitan ka lang yatang isama ako."

"Hindi po ate, gusto ko rin sabay sabay tayo kaso alam kong mas gusto nyong matulog kesa kumain ng maaga."

"what are you insinuating, Valdez? na batugan kami?" sabay taas ng kikay ni Dzi, pilit pinipigilan ang tawa nya.

"Nope ate, hindi po ganon" Natatakot na si Aly.

"what are you implying then?"

"Halina po kayo, sabay sabay na tayo mag almusal nila Denden." Puppy dog eyes ni Aly.

Hindi na napigilang humagalpak ng tawa ang kapitana nila, na pinagtataka nya.

"bwahahahahahah" tawa ni Dzi.

Mukhang puzzle pa rin ang mukha ni Aly.

"Im just joking with you Aly, Im not that mad, I got you real good huh, halos maiyak ka na dyan." sabi ni Dzi na tumatawa pa rin.

"Tinakot mo ako dun ate"

"First lesson, Ly, in being the future Captain. You can joke around, be friends with the team. Pero dapat any moment, pwede kang maging authority figure in front of them. Otherwise, they wont take you seriously anymore, kahit importante na ang sinasabi mo. Sasabihin nila, si Capt. Aly laging lang nakangiti, ok lang kahit ganito, ganun ang gawin natin, hindi naman magagalit un. Im not saying na walang respeto ang mga teammates natin kahit madalas ganun nga sila, hahaha joke. Pero there are times that the team needs a strong leader to steer them especially on crucial games." paalala ni Dzi

Blue Eyes Blue (working title) alydenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon