Chapter 6

3K 49 2
                                    

Pagpasok ni Ella na kanilang dorm, bumungad kaagad sa kanyang harapan si Dzi na nanonood ng tv sa kanilang sala.

"Capt, gising ka pa?' gulat na tanong ni Ella.

"Captain's duties to make sure all the team members arrive the dorm before curfew" sagot  ni Dzi

"Sorry capt, para kaming alagaing bata pero hindi pa naman kami inabutan ng curfew, you can sleep na, nandyan narin naman sina Aly and Den, nauna lang ang pumasok" nahihiyang sabi ni Ella.

"Oo nga pala bakit ka tumatakbong pumasok? at iniwan mo pa pala ang mga beshies mo." pagtataka ni Dzi.

"Wala un, gusto ko lang mauna na sa room ko, para maabutan ko pang gising si Bea, nakakahiya kasi kung magigising ko sya sa pagpasok ko. Halika na rin, alam kong kanina ka pa rin pagod Capt. sabay na tayo umakyat para hindi rin maistorbo si ate jem, alam mo naman kung gaano kasungit un pag naputol ang tulog " Anyaya ni Ella kay Dzi.

Hindi na nakipagtalo si Dzi at sabay na silang nagpunta sa kani kanilang kwarto.

Pagpasok ni Ella sa kanyang kwarto, nakita nyang tulog na tulog na si bea sa sarili nitong kama, humihilik pa ito, nakabulagtang nakahiga ng walang kumot, marahil narin siguro sa sobrang init ng panahon at electric fan lang ang nagbibigay lamig sa kanilang kwarto. Napangiti lang sa Ella sa kanyang nakita, nilampasan nya ang kama ni bea at dumungaw sa kanilang bintana. Nakita nyang magkahawak kamay sina Aly and Denden kaya lalong napalaki ng kanyang ngiti.

"Hindi naman talaga masakit ang tyan ko, although perfect timing talaga ang pag tunog ng tyan ko. Grabe, hindi ko talaga kinakaya ang tension sa kanilang dalawa. Halata naman na nagseselos sila sa mga kasama nila. Sana kung ano man ang meron  sila ay umamin na sila sa kanilang mga sarili. Kung magbestfriend, eh di magbestfriend, kung may gusto eh di may gusto. hindi ung sobrang tension na lang lagi sa kanila, naiipit tuloy ako at nasstress, napaparami tuloy ang kain ko" sabi ni Ella sa sarili.

'ganon ella? para lang may masisi sa lakas mong kumain? banat ni Ella sa sarili. Nang marinig ni Ella na bumukas ang front doot ng kanilang dorm, ay huminto na sya sa pagdungaw at nagpalit na ng pantulog, batid nyang dumating narin sina Aly at Denden.

Magkahawak kamay parin ang dalawa ng makarating sa dorm. Kahit hindi sila magsalita, kapwa nila ramdam kung gano kacomportable ang pakiramdam ng paghahawak kamay nila.  Nagkatinginan pa sila nang nasa harap na sila ng pintuan ng dorm. Bibitiw na sana si Aly sa pagkakahawak ng kanilang kamay nang pigilan sya ni Denden. 

"Beshie, let stay like this forever huh?" sambit ni Denden kay Aly.

"Clingy much Beshie? pano kung kakain na tayo? Magvovolleyball? Mag cCR? hawak kamay parin?" pabirong sagot ni Aly.

"Beshie, you know what I mean" sabay pout at ningning ng mga mata ni Denden.

"Kaw talaga Beshie, ginagamitan mo ko ng mga damoves mo kay Myco, paano pa ako makakatanggi dyan sa mga baby blue eyes mo?" sagot ni Aly.

"Talaga! Hindi ka talagang makakatangi saakin sa cute ko ba naman na ito? walang makakatanggi" pagmamayabang na sabi ni Denden sabay beautiful eyes.

"oo nga, master na master ka na talaga sa puppy dog eyes.. minsan nga naiisip ko nagmana talaga sau si Blue" bawi ni Aly at paghahambing sa alaga nitong aso sa batangas..

" ah ganon beshie, aso na lang ang tingin mo saakin?" pagtatampo ni Denden. Sya naman ngayon ang nagtangkang kumalas sa hawakan nila.

"hindi ka na mabiro beshie, magwawalk out talaga kaagad?  sabay hawak ng mahigpit ni Aly at yumakap pa habang nakatalikod si Denden.

"Hindi ba, birthday gift mo sya saakin last year? I love you. You know you will always be my bestest beshie, BFFs forever, halika pasok na tayo, bawi ni Aly.

Pag akyat sa kanilang kwarto, dali daling binuksan ni Aly ang kanyang cabinet para makapagpalit na ng pantulog. Si Denden naman ay dumiretso  kaagad sa kanilang banyo.

Pagpasok sa banyo ay tumingin kaagad si Denden sa salamin at kinausap ang sarili. "Denden, wala ng lilinaw pa sa mga sinabi ni Aly, bestfriends lang kayo, kaya tigilan mo na ang pag tingin sa kanya ng ganyan. Its time to move on and show her that you are indeed her bestfriend, no awkward moments."

Humiga na si Aly sa kanyang kama. Iniisip nya na ano ba talaga ang gustong ipahiwatig ni Denden sa mga sinabi nya kanina. Naguguluhan si Aly kung anong isasagot kaya bestfriend forever ang sinabi nya.  Pero kung siya ang mabibigyan ng lakas ng loob ay baka hindi lang un ang sabihin. Wala rin kasi syang reaction na nakita galing kay Denden ng mag I love you sya. Dali dali pang pumasok si Denden sa banyo pagdating nila sa kwarto..Hinhintayin nya pa sanang lumabas si Denden sa banyo kaya pinipilit nyang huwag makatulog pero batid nyang matatagalan pang lumabas ang huli dahil sa kanyang daily night routine. Kaya hindi na nya nilabanan pa ang antok at nakatulog na siya.

Madilim na ang kanilang kwarto paglabas ni Denden ng banyo. Nakapatay na ang ilaw at tanging ang lampshade na lang sa side table ni Denden ang nakasindi. Bagamat madilim, naaaninag parin niya si Aly na ngayon ay mahimbing na mahimbing na natutulog. Dahan dahang niyang nilapitan ang natutulog na kaibigan at hinawi ang mga buhok na nakatakip sa kanyang mukha.

" I love you too, Ly. More than you will ever know, more than I am willing to show, because I don't want to be labeled and I dont want to lose you. Maybe someday, I will find the courage to tell you, or maybe I will never find that courage. But whatever happens, I will always be here beside you, supporting you, and be everything you will ever need." sabay halik ni Denden sa noo ni Aly. Humiga narin sya sa kanyang kama at nakatulog ng mahimbing.

#author's note:

tatanggapin na ba talaga ng dalawa na magkaibigan na lamang sila?

Abangan..

I would love to hear from you.. please write your comments, suggestions and feedbacks below.

love love love for alyden

Blue Eyes Blue (working title) alydenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon