Chapter 7

2.8K 39 2
                                    

3am na. Tumunog na ang alarm ni Aly sa kanilang kwarto. Naririnig na nya ang gising narin ang mga ALE sa kabilang kwarto. Binuksan niya ang lampshade sa kanyang sidetable at nakita si Denden na tulog na tulog parin. Dahan dahan syang tumayo at nagpunta sa banyo para maligo.

"Tulog ka lang dyan, sleeping beauty. Gigisingin na lang kita pag ayos na ang lahat" bulong ni Aly.

Tila naman narinig ni Denden ang bulong dahil bigla itong ngumiti khit mahimbing ang tulog. Umiling naman ni Aly, alam nyang nasa kalagitnaan ng isang magandang panaginip ang kaibigan.

Binilisan na ni Aly ang pagligo dahil baka mahuli sila sa call time na binigay ni Dzi kagabi. Kahit mabait ang kanilang kapitana, magkapareho sila ng ugali pag dating sa scheduled time. Pareho silang strict at nagiging bugnutin sa taong hindi sumunod sa usapan. Ayaw ng maulit ni Aly ang late nya sa practice.

Makalipas ang biente minutos ay natapos na siya. Gigisingin na sana niya si Denden ng bigla itong tumayo.

"Gosh, what time is it?"

"uhm, almost half past 3"

"beshie, bakit hindi mo ko ginising, mahuhuli ako nyan" 

Mabilis kumilos si Denden para maligo. Si Aly naman ay nilabas na ang mga bag nila at inayos ang kanyang dadalhing damit pati narin ang kay Denden. Dahil beachfront daw sila nagdala narin sya na swimsuit. Pagkatapos na isara ni Aly ang kanilang bag, ay sya naman paglabas ng kaibigan sa banyo.

"Beshie, Dzi is going to punish me. I haven't prepared anything." sabi ni Denden habang pinapatuyo ang buhok. 

Nilapitan sya ni Aly at hinawakan ang balikat. Uminit. Doon lamang naisip na halos wala pala syang halos saplot sa katawan maliban sa kanyang tuwalya. 

"Don't worry beshie, naayos ko na ang mga gamit natin, and if ever may mga kulang ka pang damit, pwede naman tayong dumaan sa bahay, ang dami mo namang gamit dun, para may sarili ka ng kabinet sa room ko" kalmadong paalala ni Aly sa kanya.

"You are the best talaga" sabay yakap niya kay Aly.

Anong kaba naman ng dibdib ni Aly sa ginawa ni Denden. A few seconds felt like eternity. Nagkatinginan silang dalawa. Sobrang lapit na ng kanilang mukha. Napadako ang tingin ni Aly sa mga labi ni Denden. Nakita nya na kinagat ng bahagya ni Denden kanyang labi. Napalunok si Aly. Nagtatalo ang kanyang isip at puso kung ano ang gagawin. Halos magkalapit na ngayon ang kanilang mga noo. Walang gustong matinag. Kapwa naghihintay ng gagawin ng isa. Napapikit si Denden. Malakas narin ang tibok ang kanyang puso. Papalapit na ang kanilang mga ilong.

"there is no turning back" sabay na isip nila.

"Guys, 10 mins" katok ni Dzi sa labas ng pinto nila.

Tila naman nagising sa pagkakahynotismo ang dalawa. Pareho silang napaurong, napayuko at hindi makatingin sa isat isa.

"I prepared your clothes for you' basag sa katahimikan ni Aly.

'"I placed them on top of your bed." dagdag nya, sabay buhat sa bag nila at lumakad palabas ng kwarto"

Nakita ni Denden ang getblued shirt nya with shorts, black socks, at running shoes nya sa tabi ng kanyang kama. 

"Ly, thank you" pahabol nya.

"You're welcome, beshie, meet you downstairs, Ok? " nakangiting sagot ni Aly sa kanya at tuluyan ng lumabas ng kwarto si Aly.

Mabilis na nagbihis si Denden, bago sya lumabas ng kwarto ay tinignan nya ang kanyang sarili sa salamin. Hinawakan nya ang kanyang labi at napangiti.

"This is going to be an exciting day"

Eksaktong alas kuwatro ng umaga bumaba si Denden, sya na lang ang kulang sa mga ALE.

Blue Eyes Blue (working title) alydenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon