Chapter 15 : 2 + 13 = ♥♡ ♥part 3

3.1K 49 15
                                    

"Ok, I now understand bakit ka humiwalay ng room kay Aly, pero what's with Kuya Sue? " singit ni Ella sa pagkkwento ni Denden.

"duh? ever heard of bromance?" sagot nya

"Ok bromance na kung bromance, eh bakit pinatagal mo pa ang surprize mo kay Aly?"

"well, its seems like I hit a speed bump on the road.." mapayuko pa sya.

"ano?" pagtataka ni Ella.

"hurdle named Jirah"

Flashback

Maaga akong nagising. Alam ko kasi na mahilig magjogging si Aly pag umaga lalo na sa mag out of town trips namin. Gusto ko syang yayaing, mag almusal pagkatapos nyang tumakbo. Sobrang miss ko na kasi syang nakikitang kumain. Ang bagal nyang ngumuya. Sabi nya kasi gusto nyang enjoyin ang pagkain dahil pinagpaguran ng mga nagluto un. Saka mas nalalasahan daw nya ang pagkain kapag dahan dahan. Well, totoo naman yun. Napag aralan ko nga rin Anatomy and physiology class na pag maayos ang pag chew mo ng pagkain,  hindi ka tataba.

Paglabas ko, halos tulog pa rin ang ibang mga guest, maliban sa mga morning duty staffs ng tinutuluyan na kasalukuyang naglilinis. Dumiretso kaagad ako sa garden sa gilid ng gate ng hotel. Time check 5am.

"Manong may lumabas na po dito na matangkad na babae na naka tracksuit na blue?" tanong ko sa guard.

"Ah, wala po maam, pag nakita ko po ba sabihan ko na hinahanap nyo?"

"Ay wag na po manong, ako na lang po ang masasabi sa kanya, thank you" nagsmile ako saka naglakad papuntang lobby. Umupo ako kung saan alam kong hindi ako mapapansin ni Aly paglabas nya ng wing namin.

After a few minutes, nakita ko si Aly, naka white na blue jogging pants at  jacket sya, naka earphones narin sya. Malamang naka ready na ang Nike Run App nya. Nilampasan nya ako. Hindi ako napansin pero napangiti ako. Wala kasing Jirah na nakabutot sa kanya. Dont get me wrong, I like Jirah. Kahit bago pa lang sya, I can see potential in her. She is also a talented artist, a good friend and team mate. But I dont like her for Aly. Because I dont want Aly to be with anyone else but me.

Napansin ko kumakaway saakin si manong guard, para siguro sabihin saakin na heto na ung babae na hinahanap ko kanina. Sumenyas ako sa kanya na wag na maingay baka makita ako. Nagkaintindihan naman kami. Tuluyan ng lumabas si Aly ng hotel. Ako naman bumalik na sa room namin. Tuloy ang plano.

"kuya sue?"

"Hmmmm"

"kuya, wake up" bulong ko.

"hmmm" sabay talikod nya.

"kuya, wake up." napalakas yata.

"oy lovergirl, ke aga aga ang ingay mo, bakit di ka nalang magjog kasabay ni Aly?" Sigaw ni Capt,

"sorry Dzi, si kuya kasi" paliwanag ko.

"kuya please, gising ka na, nasisira ang beauty sleep ko dyan kay Dencio" lambing ni Dzi sa kanya.

"sha sha sha.. babangon na. ang mga batang ito ang kukulit" sagot ni Kuya sue. Nag kamot pa ng ulo.

"Thank you kuya, love u" sabi ni capt, ilang sandali lang naghilik na sya. napangisi ako.

Hinila ko si kuya sa labas para dun kami mag usap.

"ok, what do you want now?" tanong nya. halatang inis pa sa pag gising ko sa kanya.

"kuya a certain bird told me kasi na maganda sa Palaui Island and I want you to help set up my beach date with Aly."  pacute ko pang sinabi kay kuya.

Blue Eyes Blue (working title) alydenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon