His Better Half (BoyxBoy)

22.2K 313 14
                                    

This is a boyxboy (Very Corny) story… You have been warned!:P

Here’s JJ Gil Everyone!===================>

Say Hi!:)

                                                                    =JJ’s POV=

“JJ, Jollibee tayo please?” Rob asked me for the 3rd time.

“Next time nalang please?” Sagot ko naman habang nagbabasa.

“Okay, mag-isa ko nalang pupunta.” Tumango nalang ako.

“Tara na kasi JJ, Please?” Para siyang bata kung magmakaawa kaya pumayag na akong samahan siya sa Jollibee.

Gaya ng dati, nagbucket meal kami tsaka umorder ako ng dagdag na Strawberry Sundae na aking paborito.

“Bakit gustung-gusto mo ng sundae?” Tanong niya sabay kuha sa sundae ko at kinuha niya kutsara ko tapos isinubo niya ito.

“Ikaw, bakit gustung-gusto mong kinukuha sundae ko tapos isinusubo mo pa kutsara ko?” Ganting tanong ko sa kanya.

“Kasi sa pamamagitan nito, nag-iindirect kiss tayo.” Takte! Kung maka pagloko tong best friend ko, wagas!

Ganito kami ni Rob. We joke around about our sexuality. Minsan, kung ayaw namin sa mga babaeng nagpapapansin sa amin, nagpapanggap kaming magkasintahan which is very effective in driving away ‘GIRLS’.

Sabi nga nila, daig pa naming ang magjowa kung kami’y “maglandian”, ang magkapatid kung kami’y nagtutulungan, at ang magpapamilya kung kami’y nagdadamayan.

Ni isa sa amin ay hindi nagkaroon ng mga girlfriends kasi baka iyon ang magiging dahilan ng hindi naming pagkakaroon ng weekend trips and sleepovers. You know, with all the dates and stuff.

So, pagkatapos naming kumain, naglakadlakad muna kami sa may dalampasigan.

Habang kami’y naglalakad, napansin ko na hindi siya mapakali. Na parang may bumabagabag sa kanyang isipan. He fidgeted with the buttons of his dark blue polo shirt and then he stopped walking.

“Still remember Erika?” Tanong niya. Tumango naman ako.

Si Erika yung Model ng Tourism sa school namin na matagal nang may gusto kay Rob.

“Kami na.” I couldn’t deny the happiness radiating from his eyes and his smile that I have never seen before.

“’m so happy for you bro.” I smiled.

Bakit ganito? I know that I was happy for him but why does my feelings contradict with my words? Yung binitawan kong ngiti, bakit pilit?

Kahit na naguguluhan ako sa aking sarili, hindi ko iyon pinahalata.

Nagkwentuhan kami at naglokohan tungkol sa aming unang pagtatagpo  habang pinapanood ang palubog na araw. Bring back the past daw sabi niya. Pulang pula na ang kalangitan at magtatakipsilim na kaya napagpsyahan na naming umuwi.

“Sana si Erika na ang other half ko.”

Napatigil ako sa paglalakad.

Other half.

Biglang sumagi sa aking isipan ang isang alaala 10 taon ang nakalipas.

“JJ, kung sakaling kukunin ka nila mommy mo sa London, sasama ka ba?” Biglang tanong ni Rob habang kami’y kumakain ng ice cream.

“Syempre. Bakit mo natanong?”

“Kasi, kung kukunin ako ng daddy ko sa Canada, hindi ako papayag.” Ngumiti siya.

“Bakit?”

“Hindi ko kayang lumayo sa’yo JJ. Ikaw ang ‘Other Half’ ko eh. Kung wala ka sa tabi ko, hindi magiging kumpleto ang isang Rob Ramirez.”

Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit parang gusto kong marinig ulit mula sa kanya na ako ang other half niya?

“Kung kasama ko kasi siya feeling ko ang saya saya ko…”

Hindi ka ba masaya pag kasama mo ako?

“Sa kanya ko lang naramdaman ‘to.”

Those words cut right through me, through my heart.

Tama na Rob. Nasasaktan ako.

 “Alam mo JJ, kung alam ko lang na siya lang makakapagpasaya sa’kin ng ganito edi noon ko pa sana siya niligawan.”

That moment, I realized that my love for him was more than just friends. I love him as in Love-love him.

So, that’s CHAPTER 1! Sorry if it’s a short one. It’s just the beginning so if you’ll vote, comment and fan, the next chapters will be longer and better.

Watch out for that next CHAPTER!

His Better Half (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon