HBH Chapter 5

7.4K 213 3
                                    

=JJ’s POV=

“JJ, gising na. May pupuntahan tayo ngayon!” Mukhang excited si Rob. Kahit na ayaw ko pang bumangon, napilitan ako. Sinabi niya sa’kin na maghanda raw ako kasi lalabas kaming dalawa ngayon at bago siya uuwi para magbihis, hinalikan niya ako sa pisngi.

A blush crept up my cheeks as I saw his retreating figure.

Hinalikan niya ako sa pisngi!

Agad akong naligo at nagbihis. I wore a black polo shirt, pink shorts, and black high-cut vans. Pogi na siguro ako dito. Haha.

Pagbaba ko mula sa aking kuwarto, si mommy agad ang nakasalubong ko.

“Glooming ka ngayon ah.” Pangungulit niya.

“Glooming daw. Huwag ka nga ma.” Siniko ko siya ng mahinang mahina. (Swoosh!)

Pagkatapos kong magpaalam, sakto namang nasa harap na ng bahay si Rob.

Suot niya ay isang puting polo shirt, black shorts tsaka isang pares ng white high-cut na vans din.

Ang pogi pogi niya tignan. Yummy din! Nyum!

Okay! Enough with the yummy yummy thing! Hahahahahahah!

Sumakay ako sa kanyang kotse and off we go!

Pumunta kami sa mall at dali-daling pumunta sa quantum. Basketball dito, basketball doon! Kung anu-ano din ang aming nilaro hanggang sa maubos ang kadami-dami naming mga token.

Pagkatapos, saktong gutom tanghalian na kaya pumunta kami sa Shakeys. Trip naming kumain ng Buffalo wings, mojo’s, Angus beef pizza. Syempre, hindi mawawala ang inuming choco shake!

Pagkatapos ay lumipat naman kami sa Jollibee para umorder ng dalawang large fries, dalawang spaghetti, dalawang YUM, dalawang medium coke at!!! Tatlong Strawberry sundae.

Ito ang talagang ‘YUMMEEEE’ gaya ng sabi ni Coco Martin. XD

“JJ, ang sarap pala talaga ng strawberry sundae.” Sabi ni Ron habang kumakain ng sundae gamit ang aking kutsara—na ginamit ko kanina.

“Oo nga. Lalo na kung ang kutsara ko ang gamit mo!” Inagaw ko ang aking sundae mula sa kanyang mga kamay.

“My precious.” Nag-ala Gollum ako sa ‘Lord of the Rings’.

Tumawa naman siya. Tawang nakaka… gago? Hindi ko na alam.

Busog na busog na busog na busog na kaming dalawa kaya naisipan naming manood muna ng ‘Bride for Rent’ ba ‘yun? Nakalimutan ko na.

“Window shopping naman tayo.” Hinila ako ni Rob sa kamay papuntang Department store. Napansin ko na halos lahat ng nadadaanan namin ay nakatingin sa aming dalawa. Weird!

“Mommy, they look cute together.” Aba ang bata, cute daw kami ni… Ahhh! Narealize ko na magkahawak pala kami ng kamay ni Rob. Nag-iinit na ang aking pisngi. Nahihiya ako pero nasisiyahan din.

HOLDING HANDS!!!

“Rob, mukhang big deal sa iba na magkahawak tayo ng kamay.” Sabi ko na medyo nahihiya.

“Huwag mong pansinin mga yan. Inggit lang sila.” Para naman akong nabuhayan sa sinabi sa’king iyon ni Rob.

Inggit lang sila.

Inggit lang sila.

Inggit lang sila!

Ang saying pakinggan ha!

Maya-maya pa’y, “Robby!” nakita namin si Erika. Bad trip naman toh! WRONG TIMING talaga. Shet!

“Ika!” Binitawan ni Rob ang kamay ko at tumakbo papunta kay Erika.

I guess that’s my cue to leave.

Magpapaalam na sana ako pero noong tatawagin ko sila, wala na sila sa aking paningin. Ang saya no? Sobraaaaaaaa!

Bumawi talaga si Rob, ang ‘BEST FRIEND’ ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at naisipan kong magpakalasing. Pumunta ako sa kinaroroonan ng mga alak at kumuha ako ng sampung beer pero nang madaanan ko ang Gin bilog, ibinalik ko ang mga beer at yun nalang ang binili ko.

First time kong uminom kaya kalahati palang, medyo tamado na ako. Akalain mo, walang chaser! Tanga lang!!!

“Meron naman kasi si Kevin pero bakit si Rob padin!? Ano bang meron kay Rob na wala kay Kevin!?” Sumisigaw na ako sa aking kwarto. Wala akong pakialam kung may makakarinig.

“JJ!” Pota! Si Kevin. Anong ginagawa neto dito sa bahay?

“Pasok.” Agad naman siyang pumasok.

“Walang hiya kang JJ ka! Ba’t wala kang chaser!?” Wow! Chaser talaga? Hindi ako kinumusta? Wahaha.

“Okay lang naman ako Kevin. Heto, naglalasing konti.” Wushu! Lasing na talaga ako. Iba ang tanong tapos iba ang sagot? Ang sarap pala makipag  question and answer kung lasing.

“May problema ba?” Tanong niya.

May problema ba ako? Meron! Bakit hindi ko magawang ibaling ang pagmamahal ko kay Rob kay Kevin.

“Bakit ganun Kevin? Bakit kahit anong gawin ko hindi kita magawang mahalin?” Oh no! Hindi ko kaya nasasaktan dito si Kevin? Ang gago ko! Next time hindi na ako maglalasing.

“Tama na JJ. Lasing ka lang.” Kinuha niya sa’king mga kamay ang bote ng alak.

“Hindi ako lasing Ke*Hiccup*vin! Kahit kasi anong gawin ko, si Rob… Si Rob… Si Rob…” Si Kevin na mismo ang tumapos sa aking sasabihin.

“Si Rob pa rin ang mahal mo? Na pumayag ka lang na maging tayo para kahit papaano ay isipin mo na ako si Rob?” Bakit hindi siya galit!? Dapat magalit siya kasi ginagago ko siya. Linoloko! Magalit ka Kevin kasi may karapatan ka naman!

“Wala akong pakialam JJ. Mahal kita kaya titiisin ko ang lahat. Hindi man ako ang nasa puso mo, at least, hindi maikakaila na ako ang una mo. Unang boyfriend. At masaya na ako dun.” Ngumiti siya. Ngiting napakatamis. Ngiting unti-unting nagpapalambot ng aking puso.

“Maghihintay ako JJ. Maghihintay ako hanggang may puwang na diyan sa puso mo para sa’kin.”

Hinalikan niya ako sa noo. Bakit pa ba kasi sa dinamidami ng tao dito sa mundo? Ang mismong kakambal pa niya ang nakabihag sa puso ko? Ang hirap.

SOBRA!

Ang gago ni Rob no!? Nakita lang si ERIKA parang wala nang ‘Best Friend’! Pwes, haha. Sana nagustuhan niyo guys!:)

Vote. Comment. Share!:) Salamat salamat salamat salamat salamat!

His Better Half (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon