HBH Chapter 4

7.2K 215 8
                                    

                                                                    =JJ’s POV=

Dalawang linggo matapos dumating si Kevin ay naging kumplikado na ang lahat. Hindi na ako masyadong kinakausap ni Rob at kung kami’y kumakain sa Jollibee, palaging nakasabit si Erika.

Hindi na rin kami nagkakaroon ng sleepovers at trips dahil palagi silang may date. Tinanong nga ni Jasper kung hindi sila nagsasawang nagdedate every day at alam mo ang sagot ni Rob? Hindi raw kasi mahal na mahal nila ang isa’t-isa.

Wow!

“Rob, matagal na rin tayong hindi nagkakaroon ng sleepovers. Pwede ba akong makitulog sa inyo mamayang gabi?” Tanong ko matapos niyang ihatid si Erika sa bahay nila.

“Matutulog si Erika sa bahay mamaya kaya sa kwarto ni Kevin ka nalang matulog.” Nagbago na talaga ang best friend ko. Nagmamahalan silang dalawa eh kaya walang magagawa ang isang ‘BEST FRIEND’ na katulad ko.

He dropped me off and drove away.

Pagkatapos kong magpalit ng damit, naka jersey shorts ako tapos wife beater, tumawag sa’kin si Kevin. Movie marathon daw kami. Pumayag ako total weekend naman.

Mom drove me to their house.

“Bye JJ boy!” She kissed my cheeks and left.

Pagpasok ko sa bahay, sina Rob at Erika na naghaharutan ang agad kong nakita.

“Oooh, JJ! Hindi kita napansin ah.” Aba, ang Erika nagsalita. Bakit mo ako mapapansin kung naghaharutan kayo diyan? Boba ‘to.

“JJ!” Kevin hugged me and gave me a peck on the lips.

Nga pala, things happened so fast and to make the story shorter, naging official boyfriend ko si Kevin. Ang bilis no? Parang noong isang araw lang ay nalaman ko na bakla ako, na mahal ko ang best friend ko tapos ngayon boyfriend ko na ang twin brother niya. Pero kahit ganun, hindi ko maikakaila na si Rob pa rin ang nasa puso ko. Si Rob lang at wala ng iba.

Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na maging boyfriend ni Kevin.

Hinalikan niya ako ulit. I kissed back.

“Would you mind? Hindi lahat ng tao gustong panoorin ang dalawang lalaking naghahalikan.” Si Rob ‘yon.

“Sino kasi may sabing panoorin niyo?” Medyo galit na tanong ni Kevin.

Tama siya, sino kasi may sabi? Hindi naman namin sinabi na, “Rob, Erika, panoorin niyo kaming naghahalikan.”

“Ano bang problema mo Rob?”

“Ikaw! Ikaw ang problema ko Kevin! Palagi kang nang-aagaw!”

“Ano bang mga inagaw ko sa’yo?”

“Hindi ano, sino! Una, si papa, tapos ngayon, si JJ! Sino susunod mong aagawin? Si Erika!?” Sinubukan niyang suntukin si Kevin pero pumagitna ako kaya ako ang tinamaan.

“Rob, magkaibigan pa ba tayo? Kasi sa pinaparamdam mo sa’kin, hindi na.” I stormed out of their house and asked my mom to come and pick me up.

Pagdating sa bahay, nagpakuha ako kay mommy ng ice pack.

“JJ, anong nangyari anak?” Paulit-ulit na tinatanong ako ni momma pero hindi ko siya sinasagot. Ayoko lang kasi pag-usapan ang nangyari. Tumawag din pala sa akin si Kevin. Sinabi kong okaylang ako at next time nalang yung sleepover. We exchanged I Love You’s and ended the call.

“JJ, pwede bang pumasok?” Kumatok si Rob sa aking pintuan.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Sleepover.”

So, natauhan na ang kumag!

“Pwede na ba akong pumasok?” Slowly, the door creaked open and I felt the edge of my bed sank. I supposed he sat down.

“JJ, sorry.” Sinubukan niya akong paharapin sa kanya pero hindi ko ginawa.

“’Kay. Matutulog na ako.” I snuggled under my covers but he pulled it off me.

“Sorry na JJ. Huwag kang mag-alala, babawi talaga ako. Pero, syempre hindi ako makakabawi kung galit ka sa’kin.” He flipped me over and hovered above me.

Oh no, I’m going to break.

I could feel him sniffing me. Whoa! Bakit niya ako inaamoy?

“Sige na nga. Antok na antok na ako kaya umayos ka na diyan at matulog na ta--…” I was cut off after he pecked me on the lips.

My heart was slamming through my rib cage. Hinalikan ako ng isang Rob Ramirez sa lips!

Ilang sandali pa ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata, na realize niya siguro ang kanyang ginawa, kaya tumayo siya tapos humiga sa tabi ko. Tinalikuran ko siya but then, arms wrapped around my torso and I was pulled over, my back in contact with his chest. His warm breath sent shivers down my spine, relaxing my tensed muscles.

“I hope you have really forgiven me JJ.” He took a deep breath and then I felt the world turn slow as I fell asleep.

And that’s the Chapter four of His Better Half!

Please don’t forget to vote and comment. Thanks!

His Better Half (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon