And that's our Rob/Kevin Ramirez============>
He's happy to meet you too!:)
=JJ’s POV=
Ayaw umalis ni Kevin pero nakiusap ako sa kanya. I told him that I needed a time of my own and pinagbigyan naman niya ako.
Mas nalasing ako kasi itinuloy kong inumin ang natirang alak. Saktong naubos ko nang may kumatok ulit sa aking pintuan.
Ugh!!!
“JJ, pwede bang pumasok?” Si Rob. Cliché much? So palagi nalang bang ganito mangyayari? Kainis naman!
“Anong ginagawa mo dito?”
“Sorry kanina kasi iniwan kita.” Sorry daw.
“Ssssige. Matuttulog… na a-akooooo.” Sus! Halatang lasing na talaga ako ah.
“Lasing ka ba?”
“Pakialam mo!” Syete! Bakit ko sinabi yun!?
Biglang bumukas ang pinto at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
“Bakit ka naglasing?” Ginulo niya buhok ko pero tinapik ko ang kanyang kamay.
“Ano ba!”
“Sorry na JJ. Hindi na mauulit.” Sorry na naman. Hay. Rob naman! Sinusubukan kong magalit sa’yo eh!!! Kainis ka!
“Si Erika kasi…” Hindi ko na siya pinatapos.
“Si Erika na naman! Palagi nalang si Erika! Si Erika! Si Erikaaaa! Nagsasawa na ako sa Erika na yan Rob! Mas importante na nga siya kaysa sa’kin eh!” Dahil sa inis, nataasan ko siya ng boses. Nakakainis na talga! Si Erika nalang kasi palagi.
“Bakit ka ba ganyan ka JJ!? Nagseselos ka ba?” Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang tanong. Nagseselos nga ba ako? Oo! Halata naman ei!
“Kung sasabihin kong oo, may magbabago ba?” Mahinang tanong ko sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita. Kanina’y nakatingin siya sa akin pero ngayon, nakayuko na siya an diretso sa baba ang tingin.
“Nagkakaganito ako kasi mahal kita Rob.” Hindi siya ulit umimik.
“Ma-mahal na mahal kita Rob. Higit pa sa isang kaibigan.”
This time, nagsalita na siya pero hindi siya tumingin sa’kin.
“Ka-kailan pa?” Nauutal-utal niyang tanong.
“Magmula noong naging kayo ni Erika.”
Bigla akong nakaramdam ng sakit mula sa aking kaliwang panga, nanlabo ang aking paningin at napahiga ako sa sahig.
Sinuntok pala ako ni Rob ng pagkalakas lakas na suntok.
Nahilo pa ako konti.
Nakita ko siya na lumabas mula sa’king kuwarto. Still, fist clenched.
Pusa! Ang lakas talaga ng pagkasuntok sa’kin ni Rob. Habang hinihipo ko ang aking panga, bumalik siya. Ayun, nakatayo sa may door friame.
“Kalimutan mo na na nakilala mo ang isang Rob Ramirez.” He spat venomously. Sheyt! Wala na akong best friend.
Masakit ang kanyang sinuntok pero bakit parang wala na akong nararamdaman? Ang tanging nararamdaman ko nalang ngayon ay ang sakit ng pagkawala ng kaisa-isa kong best friend, si Rob Ramirez.
Hindi ko mapigilang lumuha. Ang sakit kasi. Dahil sa lintek na ‘PAGMAMAHAL’ kung tawagin na ‘yan, nawalan ako ng best friend.
Kasalanan ko ang lahat! Kung kinimkim ko nalang sana ang aking nararamdaman, okay pa sana ang lahat.
Sana, may best friend pa ako. Kasi masgugustuhin ko nalang na masaktan basta’t kahit papaano’y matawag ko pa rin siyang KAIBIGAN pero ngayon, siya na mismo ang nagsabi na kalimutan ko na na may nakilala akong isang ROB RAMIREZ. Siya kasi ang taong pinag-iisipang maiigi ang mge desisyon. He made up his mind so all I have to do is to decide kung ano naman ang aking gagawin.
Magdamag akong umiiyak. Hindi mapakali. At pagpatak ng alas tres ng madaling araw, nakapagdesisyon na rin ako.
“Mas mabuti na nga talagang kalimutan ko na si Rob at ibigay ang buong kong atensyon kay Kevin.”
Hooray for MrSebastianGray for making 2 UPDATES in a DAY! HOORAY! Wahahah:) (KAhit SHOrty-Short-ShoRT)
Ang OA lang ni ROB RAMIREZ noh? Parang nalaman lang na mahal siya ni JJ eh “Kalimutan mo na blah blah blah…” Kamaatan lang?:P Peace sa mga may gusto kay Rob.
Abangan ang mga susunod na eksena! !!!!!!!!!!!!!Charaught!!!!!!!!!!!!:P
BINABASA MO ANG
His Better Half (BoyxBoy) [COMPLETED]
Fiksi RemajaMy name is JJ, and this is my STORY...