++++++++++++++++++++FINAL CHAPTER NA!!!++++++++++++++++++++++
With a perplexed heart, pumunta ako sa Jollibee at nadatnan ko doon si Rob, nakaupo sa may bandang counter.
“JJ.”
“Rob.”
Sabay naming tawag sa isa’t-isa.
“Kain muna tayo? Gutom kasi ako eh.” Nakangiti niyang tugon. Wow, parang walang nangyari.
“Kahit strawberry sundae lang sa akin.” Sabay abot ko sa 25 pesos na pambayad.
“Please, treat ko ngayon.” Pumila na siya. Pagkatapos niyang pumila, bumalik siya sa aming upuan dala ang 2 bucket chicken, 4 yum, 4 large fries, 4 medium coke, 4 spaghetti, at 3 strawberry sundae.
“Ang dami naman niyan.”
“Sulitin na natin ngayon. Mamimiss ko kasi ito kaya pagbigyan mo naman ako oh.” Nag-pout siya. Ang cute.
Ha!? Mamimiss niya? Bakit? Saan ba siya pupunta?
“Mamimiss mo? Aalis ka ba?” Ngayon, naiiyak na ako.
“Pupunta na kaming lahat sa Canada. Hindi ba nasabi sa iyo ni Kevin? We’ll be staying there for good.” Nakangiti padin siya.
That means iiwanan nila ako dito? Bakit? I felt my tears start to fall. Masakit kasi isipin na iiwanan nila ako. Kagaya nila mommy, babalik na rin sila sa London next week. Akala ko ba… Hindi ko na kaya kaya tumayo ako at naglakad palabas. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa may tabing dagat malapit sa beach ng tito nila Rob.
“Akala ko ba ako ang other half mo!?”
“Akala ko ba hindi kumpleto ang isang ROB RAMIREZ kung wala ako sa tabi mo!?”
“Akala ko ba…” Hindi ko na naituloy pang sumigaw dahil pinigilan ako ni Rob gamit ang kanyang mga labi.
Matagal na naglapat ang aming mga labi.
“Tahan na JJ.” Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang mga kamay pero patuloy paring tumutulo ang mga ito kaya niyakap niya ako ng mahigpit. I could feel his heart beating with mine, his warm breath sending shivers down my spine.
“Mahal kita Rob. Mahal na mahal kita.” Iyak ko.
“Mahal na mahal din kita JJ pero…” Biglang nagring ang kanyang telepono. Panira ng moment.
“Kevin?” Tanong niya.
“Kasama ko siya. Saglit.” Pinindot niya button para sa loud speaker.
“Rob, JJ, ngayong malinaw na sa inyong dalawa na mahal ninyo ang isa’t-isa, alam niyo na ang dapat gawin. Rob, ipinapaubaya ko na sa iyo si JJ. Mahal na mahal ka niyan kaya huwag mong sasaktan kasi kung mangyayari iyon, aagawin ko na talaga siya sa iyo, kuha mo?” Tumawa si Rob.
“At JJ, salamat sa pagmamahal mo sa akin ha? Lagi mong tandaan na kung magloloko si Rob, isumbong mo lang sa akin para lilipad ako at tuturuan ko yan ng leksyon. Sige na. Ituloy niyo na yang ginagawa ninyo, ang sarap kasi panoorin. Di ba Jasper?” I felt a blush crept up my face. Pinananood nila kami ni Jasper?
Lumingon lingon kami ni Rob pero wala kaming makita.
Beep. Beep. Nag-text si mommy.
Mommy: Anak, alam ko na may something kayo ni Rob noon pa eh. At tama ako doon. Sige, ituloy niyo na para maipagpatuloy na namin ang panood? I love you anak.
Ano daw?
“Ngayong single na tayo pareho, pwede na ba akong manligaw?” Lumuhod siya pero agad kong pinatayo.
“May paluhod luhod ka pang nalalaman, halikan mo na kaya ako.” Na realize ko ang aking sinabi kaya ngayon, nahihiya na ako. I bowed my head to hide my embarrassment but he lifted my chin and poof! His lips were on mine.
He kissed me passionately so I kissed him the way he kissed me too. Matagal kaming nagmake-out hanggang sa maubusan kami ng hininga.
Niyakap niya ako sabay sabing.
“JJ, hindi ikaw ang other half ko kasi ikaw ang nag-iisang BETTER HALF ng isang ROB RAMIREZ!” With that, biglang nagliwanag ang kalangitan. Fireworks! Ang gaganda! Then umingay sa bandang boardwalk sa resort ng tito nila Rob, lumiwanag at nandoon sina mommy at daddy at yung family ni Rob, nakatayo habang may kanya -kanyang hawak na binoculars. Night vision syempre.
“Happy Valentines!” Sigaw nilang lahat with matching light sticks pa na kulay red.
Sa hinaba-haba ng prosisyon, magiging kami rin naman pala si Rob. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang dalawang mag-BEST FRIENDS ay magiging magkasintahan di ba? Parang ang WEIRD pero sa amin, it’s MAGICAL! Eeeh. Corny.
Nasaktan man namin ang isa’t-isa, sa huli, nagkapatawaran naman kami.
My name is JJ Gil, I’m PROUD to say that I am HIS, ROB RAMIREZ’s, BETTER HALF.
THE END<3
Akala ko hanggang chapter 12 pero hindi na umabot. Hehe. Anyways, woot! Tapos na sa wakas ang HBH! Sana nagustuhan ninyo ang kwento nila ROB AT JJ. Salamat sa mga nagbasa at magbabasa pa::PP
Please abangan basahin din ninyo ang on-going na kwento that I’m still working on, yung PTSD. Nasa baba po yung link, Salamat ulit!
HIS BETTER HALF has ENDED and sana napasaya ko kayo.
http://www.wattpad.com/story/14926097-p-t-s-d-post-traumatic-stress-disorder-boyxboy
BINABASA MO ANG
His Better Half (BoyxBoy) [COMPLETED]
Fiksi RemajaMy name is JJ, and this is my STORY...