So, sorry kung maraming mali dito. Haha. Gusto ko lang kasi mag-update presto! Heto na!!!
=Rob’s POV=
Magmula noong naging kami ni Erika, aaminin ko sa sarili ko na hindi ko na masyadong nabibigyang pansin si JJ kaya galit ako sa sarili ko dahil doon. Hindi ko na siya nahahatid sundo, nagsisinungaling na ako sa kanya, hindi na kami nagjo-jollibee na kami-kami lang dalawa, hindi na rin kami nag-I sleepover. At miss na miss ko na ang mga ‘yon.
Noong dumating naman si Kevin, oo, aaminin ko na nagseselos ako kasi baka agawin niya sa akin ang best friend ko pero hindi pala, magjowa na pala sila pero nagseslos parin ako. Paano kung tuluyan nang hindi kami magkakaroon ng time as best friends?
Sabagay, hindi ko naman masisisi si JJ kasi in the first place, maspinahalagahan ko ang lovelife ko kaysa sa pagiging magkaibigan namin ni JJ. Hindi ko alam pero hindi naman ako galit sa mga bakla. Pero sa tuwing nakikita ko silang naglalambingan/naghaharutan, parang nasasaktan at naiirita ako. Baka dahil involved na naman si Kevin dito. Hay!
Kontrabida talaga si Kevin sa buhay ko!!!
Dahil sa miss na miss na miss na miss ko na ang best friend ko, napagpasyahan kong magbobonding kami. Kaming dalawa lang. As in 2 only.
Pumunta kami sa mall at dali-daling pumunta sa quantum. Basketball dito, basketball doon! Kung anu-ano din ang aming nilaro hanggang sa maubos ang kadami-dami naming mga token.
Pagkatapos, saktong gutom tanghalian na kaya pumunta kami sa Shakeys. Trip naming kumain ng Buffalo wings, mojo’s, Angus beef pizza. Syempre, hindi mawawala ang inuming choco shake!
Pagkatapos ay lumipat naman kami sa Jollibee para umorder ng dalawang large fries, dalawang spaghetti, dalawang YUM, dalawang medium coke at!!! Tatlong Strawberry sundae.
“JJ, ang sarap pala talaga ng strawberry sundae.” Sabi ko habang kumakain ng sundae gamit ang kanyang kutsara—na ginamit din niya kanina.
“Oo nga. Lalo na kung ang kutsara ko ang gamit mo!” Inagaw niya sundae mula sa aking mga kamay.
“My precious.” Para siyang si Gollum sa ‘Lord of the Rings’.
Kaya tumawa ako ng malakas.
Busog na busog na busog na busog na kaming dalawa kaya naisipan naming manood muna ng ‘Bride for Rent’.
“Window shopping naman tayo.” Hinila ko siya sa kamay papuntang Department store.
“Rob, mukhang big deal sa iba na magkahawak tayo ng kamay.” Sabi niya na medyo nahihiya. Mahiya ba naman si best friend eh ang gwapo ko. Kung sakaling pagkamalan kaming magjowa di sana masaya siya kasi ka-gwapo ng jowa niya. Haha. Kapal.
Teka, ano bang pinagsasabi ko. Haaaaaaaaaaist!
“Huwag mong pansinin mga yan. Inggit lang sila.” Ngumiti ako.
Habang kami’y naglalakad, nakita ko si Erika kaya hinila ko si JJ para magtago. Syempre, bonding moment namin ‘tong mag best friend.
“Robby!” Naestatwa ako konti.
“Ika!” Linapitan ko siya para magpaalam. Naglakad kami konti at nang pinayagan na akong umalis, hinanap ko si JJ pero wala na siya.
Sinubukas ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Nagtampo kaya yun?
Alam ko na!
Tinawagan ko si tito Leo para hihiramin ko muna saglit ang boardwalk sa resort na pagmamay-ari niya. Pinayagan naman niya ako. Agad akong nagpunta sa beach para ihanda ang mga upuan, table, at iba pang gagamitin sa aming ‘DATE’.
BINABASA MO ANG
His Better Half (BoyxBoy) [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsMy name is JJ, and this is my STORY...