Hala! Nakalimutan ko yung panyo ko! Naku! Hindi ko pa naman kayang mabuhay kapag wala sakin yun 😣
"Bahala na. At least nalayuan ko na yung lokong yun."
*grrrrrg*
Wopx! Akala ko ba sapat na yung gatas sa breakfast, bakit parang hindi ako kumain ng isang buwan neto?
Malas na buhay naman oh! Eh sobrang gutom na talag izzz me!
"Oh! Hi Avi! I'm Keila, Keila Alejandro and these a-"
"Uhm. Nice to meet you pero ah may kailangan lang akong puntahan sorry!"
Takbooooooo! San ba yung canteen? Dito? Or yung daan kanina? Puputok na talaga tiyan ko ehhh.
"Uhm. Excuse me, san ba yung papuntang canteen?"
"First, diretso ka lang dito, kanan ka naman dun tapos may makikita kang hall, pumunta ka sa likod, turn left, pag may nakita kang parking area, pumasok ka sa malaking parang hotel sa tabi."
"Thank you!"
Pakshet. Eh hindi ko naman siya talaga nagets ang haba haba kasi ng sinabi.
Nagsimula na akong maglakad baka dahil sa gutom, parang nawawala na ako sa sarili ko, nakakapagod at sobrang uhaw na ako, para bang naglaba ako ng sampung sako ng damit kakahingal ko.
Damn. Sakit sa likod.
"San ka na ba canteeeeeen? Lapit ka nalang sakin oh!"
*rrrrriiiìiiiiiing*
Nang marinig ko na yung bell, alam kong katapusan na ng lahat. Second subject ko na pero hindi ko parin mahanap yung canteen. Gutom na gutom na talaga akooooooo.
Naglakad nalang ako papuntang third floor ng building. Ang yaman yaman ng may-ari hindi man lang nagpatayo ng elevator?
May mga babaeng nagdagsa sa unahan ko. Nagsisiksikan, makapasok lang ng room.
"Excited ako besh! Gwapo daw prof natin!!!!"
"Talagaaaaa!!!?? San mo napulot yan?"
"Basta!!! Daliiiiiiii!"
Huh! Talaga lang ha? Nag enroll ba sila dito para mag aral? O manghanap ng mga lalaki?
Tsss. Nakakadagdag ng stress.
Nasan na ba ako? Malapit na ba ako sa room? Isang step nalang sana, kaso..... kaso...
"Waaaaaaaaaaah!!!!!"
Napapikit nalang ako habang sumisigaw nang malakas.
"Huh?"
Ano yun? Hindi ba ako nalaglag? Hindi naman sa gusto kong malaglag ako noh. Kaninong kamay-- Sino siya?
"Tayo ka na."
Sabi ng lalaking nakahawak sa may bewang ko na parang pang ending pose ng mga ballroom dancers.
"Sorry! Sorry po talaga!"
Agad kong inayos yung sarili ko at tumakbo papuntang last room sa third floor. Eto na ba yun? Room 6?
"Hoo! Sa wakas."
Ang tahimik sa labas. Sobra. Pagpasok ko ng room...
"Hi guys! Meet Chev--"
"Oh! Ae! Kumusta ka na!?"
"Nakita mo ba ako dun sa Korea last month? parang nakita kasi kita eh!!"
Sari-saring ingay agad ang narinig ko. Kala ko naman bored yung class ko. Buti nalang.
"Hi Avi!"
Sabi ng nakangiting si Vern. Ang pinakamaganda at pinakasikat sa Everdeen University. Akalain mo? Classmate ko siya? Wow naman! Ang swerte naming lahat.
Nag wave back ako sa kanya at umupo sa right corner ng room.
Hindi ko na ma explain yung nararamdaman ko ngayon, may halong saya dahil nagkita kita ulit kami, lungkot dahil hindi pa ako nakapag breakfast at inis dahil sa lalaking sinuntok ko kanina.
"Woah. Deja vu."
Parang nangyari na to ah?
Same old routine. Habang wala pa yung prof, maingay ang buong room, habang ako naka upo rin sa same seat na to.
Huhupa ang ingay ng mga kaklase ko....
Tapos, titingin silang lahat sa labas.....
Nagulat at bumalik agad sa mga seats nila.....
Then,
"Booom!"
Dadating si Chi-
"What!?"
"Wait guys! Si chico ba yan?"
-Alex"No way, ang bilis naman nun."
-BrentAno!? Bakit biglang--
"Ooooh! Hot guy."
-PresBaliw parin talaga tong seatmate ko. Pag nakakita ng gwapo uhm hindi naman gwapo, ahh medj? Or gwapo lang sa mga mata niya? Ugh. Basta yun na yun.
"Nanjan na si Prof! "
-Class presidentDali daling bumalik sa mga seats yung mga loko haha hays.
"Okay, welcome back guys. So, how's your summer?"
Boring.
"Sshhh. Mas magiging masaya pa kayo ngayon kasi. Hindi muna ako magkaklase dahil may meeting ang mga professors ng Math Department. See you tomorrow nalang okay? Goodbye class!"
Huh? Ang galeng! Yun lang at tapos na agad hahaha.
"Bye Sirrrrrrr!!!!!"
Nang lumabas na si sir, tuloy ang ingay sa room. Hay nako. Pero kahit papano, masaya din naman ako. Sino ba ang umaayaw sa 'walang pasok' noh? 😂😉
BINABASA MO ANG
ANTI-YOU (On Going)
Teen FictionThis story is about a girl who expected a lot on almost everything. Food, money, friends, and especially, love. And this 'too much' changed her story. Everything went upside down until she felt something weird about someone. Her curiosity keeps on i...