06

7 0 0
                                    

*nnomnomnomnomnomnomnom* (kim bok joo's ringtone for your knowledge 😂)

Bakit maaga akong nagigising tuwing weekends? pang ilang beses na to ah?

What to dooooo? Hmmmm.

Aha! Alam ko na gagawin ko. Since maaga pa masyado, mag jojogging lang muna ako sa village.

Naka gray sports bra at black leggings with matching nike shoes ako ngayon. Siguro magsasawa na talaga yung mga nakakakita sakin na nagjojogging dito kasi palaging ito nalang yung sinusuot ko.

Eh pake nila? Paborito ko to eh 😂

Syempre hindi kumpleto yung outfit ko kung walang cap. Hinanda ko na yung earphones, at phone ko. Then bumaba na ako.

Gising ka na pala manang. Paki kuha nga po ng tubig ko jan sa ref.

Sumunod naman agad si manang.

Iha, hindi ka ba napapagod jan? Parang araw araw ka na yatang nag jojogging.

Nasanay na po ako manang. Ah, salamat po. Sa labas nalang po ako mag bbreakfast 😊 kumain nalang po kayo.

Sige. Ingat ka.

Bye po!

Nag wave ako ng bye kay manang at lumabas na ng bahay.

Warm up muna.

Sa labas ng bahay, nag stretching ako, jumping jacks atbp. Para ready na talaga.

At yeah nagstart na akong mag jog.

*now playing paris by the chainsmokers*

First time kong malibot tong village. Dati kasi, hanggang sa may 4th block lang ako tapos vice versa.

Familiar to ah?

Omg. Sana mali ako.

Nakita kong parang mag jojog din yata tong si Cav.

Wait. Kaya ba alam niya kung san ako nakatira? Kasi pareho kaming taga Villa Francisco!? Hay nako. Kala ko naman stalker talaga siya.

O sadyang feeler lang ako? Tama. Feeler lang talaga ako.

Tumingin ako sa ibang direksyon at nagpatuloy sa pag jojog.

Hi Avi! Keep it up!

Sabi sakin ni kuya Azrael.

Nag smile kami sa isa't-isa. Nag jojog na pala siya ngayon? Kala ko nambababae na naman yun.

Pagliko ko sa may court, nakita ko sina kuya Eion at yung mga kaibigan niyang naglalaro ng basketball..... pa- Pati si Cav!? Kala ko weak yung isang yun. Parang mahiyain kasi masyado.

Pero ibang iba siya ngayon ah?

Ang saya saya niya. Mas bagay kung ganun yung mukha niya palagi.

Pinasadahan ko siya ng tingin nang magkatitigan kami.

Oh. Time to leave!

5:30 ng umaga na. Masarap pumunta ng McDo sa mga ganitong oras. Last ikot nalang sa village pero hindi na ako lalayo ng masyado then punta na ako sa mcdo.

Binagalan ko na yung pag jog ko nang malapit na ako sa etrance ng village

Lalabas na sana ako kaso may biglang humarurot na sasakyan!

Muntik nako dun ah!

Ang luwag luwag ng daan! Tapos dito ka talaga sa may gilid ng gate dumaan!? Edi wow!

ANTI-YOU (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon