Mag-iisang buwan na pero hindi pa din nahahanap si Katherine. Mag-iisang buwan na ding hindi pinapatahimik si Wesley ng kanyang konsensya. Siya na boyfriend ni Katherine ay walang nagawa para iligtas sa panganib ang sariling nobya. Alam niyang kahit hindi sabihin ng lolo nito, sinisisi pa din siya nito sa nangyari kay Katherine. Wala siyang nagawa nang mahulog ito sa bangin but God knows how much he wanted to save her that time...
''Yay!! Malapit na tayo sa tuktok, Wes!" Masayang sabi ni Katherine sa kanya sabay kapit sa kanyang braso. Kitang-kita niya ang tuwa sa magandang mukha nito. Nasa ganun silang moment nang maginterrupt si Sophia.
''Oops! Lolo said hands off ka muna kay Kath hanggang makauwi tayo!" Wika ni Sophia habang dahan-dahan silang pinaghihiwalay. ''Halika, couz, punta tayo sa banda doon, medyo maganda ang view doon for selfie.'' Umabrisiyete pa kay Katherine si Sophia.
''Hey wait! Paano ako?" Pigil ni Wesley sa mga ito.
''You wait for Hannah and the others. Magpipicture lang kami ni Kath doon.'' Nagpatuloy na sa paglakad sina Katherine at Sophia. Napakamot na lang sa ulo si Wesley at sinunod si Sophia. Ngunit hindi pa nagtatagal, narinig niya ang sigaw ni Katherine. Napatakbo siya sa kinaroroonan ng mga ito. Nakita niya si Sophia na nasa gilid ng bangin. Hirap na hirap ito habang pilit na iniaangat si Katherine na malapit ng mahulog. Napasugod siya sa mga ito at pilit na inaabot ang isa pang kamay ni Katherine.
''W-wes, tulungan m-mo ako!'' Hirap na hirap ng wika ni Katherine.
''H-hold on, couz!" Sigaw ng natatarantang si Sophia.
''Hold on, Kath! Huwag kang bibitaw kay Sophia!" Nagsisimula na ding mataranta si Wesley.
''Sophia, bakit?" Umiiyak na tanong ni Katherine sa pinsan na siyang ipinagtaka ni Wesley.
''H-hold on, couz! Don't let go!" Sigaw muli ni Sophia. Hindi maabot ni Wesley ang isang kamay ni Katherine. Unti-unti na itong dumudulas sa kamay ni Sophia. Maya-maya pa ay tuluyan na itong nakabitaw.
''Aaaaaaaaaahhhh!" Narinig niyang sigaw pa nito habang nagpapagulong-gulong sa bangin na iyon.
''KATH!!!" Magkapanabay na sigaw nila ni Sophia. Natulala siya sa nangyari at iyak naman ng iyak si Sophia....
Naputol ang pag-iisip ni Wesley nang may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Nang buksan niya ito, sinalubong siya ng halik ni Sophia. Napaatras siya sa sobrang gulat.
''What are you doing here?" Sita niya dito nang makawala sa halik nito.
''I just want to see you. Mag-iisang buwan na mula nang huli tayong magkita.'' Natatawang sabi ni Sophia na dumiretso sa kama niya at doon naupo.
''Bakit gusto mo akong makita?" Inis niyang tanong dito.
''Relax, Wes! Hindi ka na kasi dumadalawa kay Lolo mula nang mawala si Kath. Hanggang ngayon ba naguiguilty ka pa din?" Nakangiti pang wika nito, tila nang-aasar.
''What the fuck, Sophia? Of course, I still feel guilty! And I think you should feel the guilt too! You were there when she fell down!" Sigaw niya dito, napipikon siya sa pagiging manhid nito.
''Yes, naguiguilty ako! Pero for Pete's sake, Wesley! That was an accident! Walang may gusto noon!" Tila nainis na din ito sa kanya. Pero bakit may isang bahagi ng utak niya ay ayaw maniwala kay Sophia?
''Aksidente ba talaga ang nangyari, Sophia?" Natigilan si Sophia sa tanong niya. Matagal bago ito nakasagot.
''Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin? Masamang pinsan?" Nangingilid ang luhang tanong nito sa kanya. Naguilty naman si Wesley sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
''Hindi man kami sobrang close ni Kath, mahal na mahal ko pa din ang pinsan ko. Hindi ko siya magagawang saktan. I don't have enough reasons to do that!" Umiiyak na si Sophia. Nilapitan ito ni Wesley at niyakap.
''I'm sorry, Sophia. Magulong magulo lang talaga ang isip ko.'' Naiiyak na ding wika niya habang hinahagod ang likod nito.
''Hindi lang naman kayo ang nag-aalala kay Kath eh. Ako din. Hindi ko lang ipinapahalata na nalulungkot ako dahil ayokong pati ako ay mawalan ng pag-asa.'' Wika ni Sophia sa pagitan ng paghikbi.
''Pasensya ka na talaga, Sophia.'' Inilayo niya ang katawan sa kanya at hinalikan sa noo. Inayos nito ang sarili at nagpaalam na sa kanya.
''I think I should go, Wes. If you need someone to talk to, I'm always here for you.'' Tumalikod na si Sophia at lumabas ng kuwarto niya.
Tumutulo ang luhang nasundan niya ito ng tingin. Miss na miss na niya si Katherine. Gustong gusto niya na itong makita at mayakap.
Magdadalawang taon na sila ni Katherine sa susunod na buwan. Isang pasya ang nabuo sa isip ni Wesley. Hahanapin niyang mag-isa si Katherine. Nararamdaman niyang buhay pa ito. Kahit anong panganib susuungin niya para lang mahanap ito, hindi para mabawasan ang guilt niya, kundi para muli niyang makasama ang babaeng pinakamamahal..
BINABASA MO ANG
The Missing Heiress
AdventureIto ay kuwento ng isang dalagang nagngangalang Katherine at ang hindi ordinaryong adventure niya sa kagubatan ng Mt. Pulag.