Prologue

145 6 0
                                    

Pabalik na ang grupo nina Sophia sa Maynila. Lahat sila ay nakatulala habang lulan ng van na minamaneho ni Wesley. Galing sila sa Mt. Pulag. Nag-trekking sila doon, dalawang araw silang namalagi doon. Lima silang umakyat ng bundok na iyon, ngayon ay apat na lang silang uuwi ng Maynila. Hindi na nila kasama si Katherine. Nabasag ang katahimikan ng lahat nang mag-salita si Pierre, ang tumayong leader ng grupo nang umakyat sila ng Mt. Pulag.

''What are we going to do now?" Seryosong tanong ni Pierre sa mga kasama.

''I-I don't know, Kuya Pierre.'' Natatakot na wika ni Hannah, ang pinakabata sa grupong iyon, kapatid ito ni Sophia na pinsan ng nawawalang si Katherine.

''I will explain it to Lolo Adorico.'' Blangko ang mukhang sabi ni Sophia.

''What will you explain to him, huh, Sophia? That Katherine fell down on a cliff? That's bullshit!" Galit namang sabi ni Rianne. Matalik na kaibigan ni Katherine.

''It was an accident, Rianne. You don't have to be so hysterical.'' Pagpapakalma dito ni Wesley habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

''Yes, it was an accident. Meaning, hindi natin iyon ginusto. Don't worry too much, guys.'' Nagulat naman sila sa sinabi na iyon ni Sophia. Bakit parang balewala dito ang pagkawala ng pinsan?

''Iyon ang sasabihin mo sa lolo niyo? We're dead now!" Naihilamos ni Pierre ang mga kamay sa mukha.

Pinili ni Sophia ang manahimik sa kabuuan ng biyahe. Malalim itong nag-isip. Alam niyang tiyak na magagalit ang lolo nila sa nangyari. Mahal na mahal nito si Katherine. Ito ang kaisa-isang apo niya sa nag-iisang anak na si Karlos at ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng mga Samonte. Hindi nila inaasahan ang nangyari dito. Humiwalay ito sa kanila nang malapit na sila sa tuktok ng Mt. Pulag at ang huling nangyari ay nahulog ito sa hindi naman kataasang bangin. Sinubukan pa nila itong hanapin ngunit bigo sila na makita ito. Ang tanging nakuha nila ay ang rubber shoes ni Katherine. Hindi niya masisisi ang mga kasama at ang kapatid na matakot sa maaaring maging reaksyon ng lolo niya sa nangyari sa kaisa-isang tagapagmana. Kahit siya ay natatakot din..

---

Agad na bumaba si Sophia ng van nang makarating sila sa mansion ng kanyang lolo. Sumunod agad sa kanya ang kapatid at mga kasama. Kakausapin na niya agad ang lolo niya para matapos na ang kaba at takot na kanina niya pa nararamdaman. Pagdating nila sa pinto ng mansion ay napahinto sila at nagkatinginan. Tinginang sila lang ang nagkakaintindihan. Huminga muna ng malalim si Sophia bago binuksan ang pinto.

Dumiretso sila sa opisina ng lolo nila sa mansion na iyon. Nakita agad ito ni Sophia na may kausap sa telepono. Halatang maganda ang mood nito dahil nakikipagtawanan pa ito sa kausap. Tinapos agad nito ang tawag nang makita sila. Halata din ang excitement sa mukha nito.

''Sophia, you're back!" Tumayo pa ito at niyakap si Sophia. ''Where's Katherine?" Nakangiting tanong ni Don Adorico.

''L-lolo..'' Nangilid na ang luha ni Sophia dahil sa sari-saring emosyon, takot at lungkot dahil sa pagkawala ng pinsan.

Nawala ang ngiti ng Don at napalitan ng galit ang kaninang masayang aura ng mukha nito.

''NASAAN SI KATHERINE?" Mahina ngunit madiing tanong ni Don Adorico.

''Lo, she's g-gone.'' Mahinang sagot ni Sophia.

Marahas na nahigit ng Don ang kanyang hininga. Hinawakan nito sa braso si Sophia.

''What do you mean 'she's gone'? Tell me!" Galit na sigaw nito kay Sophia.

''H-humiwalay po siya s-sa amin nung malapit na kami sa t-tuktok, the next thing we saw, she fell down on a c-cliff.'' Nauutal na sagot ni Sophia. Takot na takot siya sa nakitang galit sa mukha ng lolo niya.

Napatingin si Don Adorico sa mga kasama ni Sophia. Nakita niya ang hawak na rubber shoes ni Hannah. Nakilala niyang kay Katherine iyon. Binitawan niya si Sophia at lumapit sa nakayukong si Hannah. Habang lumalapit dito ay unti-unting tumulo ang luha sa mga mata niya. Napaluhod siya sa harap ni Hannah at hinawakan ang rubber shoes ni Katherine. Napahagulgol na siya. Agad naman siyang dinaluhan ng kanyang sekretarya na kanina pa nandoon at ni Sophia. Mahal na mahal niya si Katherine, ito lang ang tanging alaala ni Karlos sa kanya. Isang pagpapasya ang nabuo sa kanyang isip. Ipapahanap niya si Katherine, buhay man ito o patay...

Nasaan na ang tagapagmana ni Don Adorico Samonte? Ano ang totoong nangyari kay Katherine? Mahanap pa kaya nila ito sa malawak na kagubatan ng Mt. Pulag?

Jang's Note: ito po muna ang update ko sa first story ko :)

Please support, vote and comment! :)

The Missing HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon