Isang araw na lang at isang buwan nang nawawala si Katherine. Wala pa ding development sa paghahanap ng mga kinauukulan sa nag-iisang tagapagmana ni Don Adorico. Marami na ang nawawalan ng pag-asa. Marami na ang pinanghihinaan ng loob. Ipinapalagay na patay na si Katherine Samonte. Maging ang sarili nitong Lolo ay iyon na din ang naiisip.
Nasa kanyang opisina si Don Adorico. Nag-iisip ng malalim. Nag-iisip ng mga maaari niyang gawin ngayong wala na talagang pag-asang mahanap ang kanyang apo. Iniisip niya ang kompanya, ang kanyang mga ari-arian. Ngayong wala na si Katherine, sino na ang magiging tagapagmana ng lahat ng meron siya? Naihilamos ng Don ang mga kamay niya sa kanyang mukha. Napakalaking kawalan ni Katherine sa kanya. Sa kanilang lahat.
Naputol ang pag-iisip ng Don nang magring ang kanyang cellphone. Si Wesley ang tumatawag. Sinagot niya ito.
''Hello, Wesley! Napatawag ka?'' -Don Adorico
''H-hello po, Lolo. Kumusta na po kayo?" -Wesley
''Heto, trying to cope up. Mabuti at tumawag ka. It's been a long time since I hear from you.'' --Don Adorico
''Pasensya na po. Naguiguilty po kasi ako. Nahihiya sa lahat ng nangyari. I'm the one to blame for what happened to Kath.'' -- Wesley
''Aksidente ang nangyari, Wes. Walang may gustong mangyari iyon sa apo ko. I know how much you love Kath.'' --Don Adorico
''Lolo, I want to find Kath, all by myself.'' -Wesley
Nagulat ang Don sa desisyon ni Wesley. Alam niyang mahal nito ang kanyang apo pero napakadelikado ng naiisip nitong gawin.
''Wesley, that's dangerous. Iyon ngang marami ng taong naghahanap sa apo ko, hindi pa nila mahanap. Ikaw pang nag-iisa.'' --Don Adorico
''Miss na miss ko na po si Kath, Lo. Hindi po ako matatahimik hanggat di ako mismo ang naghahanap sa kanya.'' -Wesley
Nahimigan ng Don na parang umiiyak si Wesley. Hanga siya sa tapang at pagmamahal nito kay Katherine.
''Okay, if that's what you really want. Mag-iingat ka lang, Wesley. I don't want to lose another grandchild. Hindi ka na iba sa akin, apo.'' -Don Adorico
''Salamat po, Lo. Maraming salamat po.'' -Wesley
Nakangiting pinatay ni Don Adorico ang cellphone. Hindi pala siya dapat mawalan ng pag-asa. Kailangan niya lang magtiwala sa Diyos at sa mga taong nagmamahal kay Katherine kagaya ni Wesley. Pero hindi siya papayag na mag-isa lang itong umalis. Tinawagan niya si Pierre. Ito ang naisip niyang puwedeng puwedeng makasama nito.
''Hello, Pierre.'' -Don Adorico
''Hello, Lolo. Napatawag po kayo?" -Pierre
''Wesley have plans of looking for Kath all by his self. I want you to go with him.'' -Don Adorico
''Sige po, Lolo. I would love to help.'' -Pierre
''Thank you, hijo. Call him for the details. Once he refused, call me immediately.'' -Don Adorico
''I'll sure do that, lo. Thank you for trusting me.'' -Pierre
Don Adorico smiled. Marami talagang nagmamahal sa apo niya. Hindi siya nagkamali sa paraan ng pagpapalaki dito. Lumaki itong mabait at mapagmahal, the reason why people love her in return. Alam niyang buhay pa ang kanyang apo. He just need to wait for Wesley and Pierre to find his missing heiress...
BINABASA MO ANG
The Missing Heiress
AdventureIto ay kuwento ng isang dalagang nagngangalang Katherine at ang hindi ordinaryong adventure niya sa kagubatan ng Mt. Pulag.