Hindi maalala ni Katherine kung sino siya, saan siya nanggaling, sinong mga kamag-anak niya, anong buhay meron siya. Ang tanging alam niya ay ang pangalan niya at ang mga pangalan ng mga taong tumulong sa kanya. Nasa kuwarto siya at tinitingnan ang mga gamit na ibinigay sa kanya ni Trining sa kanya. Maduming kulay pulang backpack, sanitary kit na may lamang panty liner, toothbrush, toothpaste, sanitary napkin, alcohol at bottled water, may mga electronic gadgets gaya ng laptop, cellphone at ipad, mga charger nito, pero lahat ay lowbatt. At dahil walang kuryente sa lugar na iyon ay hindi niya din ito magagamit. May mga ilang damit ding laman ang bag na iyon. Base sa mga bagay na nakikita niya ngayon, isa lang ang natiyak niya, galing siya sa isang may kayang pamilya. May mga ID din ang wallet niya pero lahat ng iyon ay walang nakalagay na address. Hindi ba marunong gumawa ng ID ang nagbigay nun sa kanya at lahat ay walang address? Naiinis na naitanong niya sa sarili. Napabuntong-hininga siya. Nahiga siya sa katre at tiningnan ang bubong ng kuwartong kinaroroonan niya. Pinipilt niya ang sarili na alalahanin ang lahat. Sumasakit lang ang ulo niya pero wala pa din siyang maalala. Ipinikit niya ang mga mata hanggang sa makatulog siya at managinip.
''Uy, Kath, hintayin mo nga kami ni Wesley.'' Tinig ng isang babae ang narinig niya. Nauuna siyang maglakad sa babae at sa kasama nitong lalake na tinawag nitong Wesley. Nilingon niya ang mga ito. Maganda ang babae at may hawig sa kanya. Pero bakit hindi niya ito kilala?
''Okay ka lang, Kath?" Tanong sa kanya ng lalakeng nagngangalang Wesley. Napipilitang tumango siya at ngumiti sa mga ito.
''Ang bagal kasi nitong si Sophia eh.'' Natatawang wika pa ni Wesley. Sophia pala ang pangalan nito. Nasa isang kagubatan sila. Parang malapit sa bangin ang kinaroroonan nila. Naunang lumakad si Sophia sa kanila. Si Wesley ay hinawakan siya sa kamay at saka sila naglakad. Gustong-gusto niyang magtanong pero hindi siya makapagsalita. Maya-maya ay lumingon si Sophia at masama ang tingin sa kanilang dalawa ni Wesley. Dahan-dahan itong lumapit sa kanila, at dahil sa galit na nakikita niya sa mga mata nito ay napaatras siya at napabitaw sa kamay ni Wesley. Bago pa siya tuluyang makalayo kay Sophia ay itinulak siya nito sa bangin na nasa likod niya. Sinubukan siyang iligtas ni Wesley pero huli. Tuluyan siyang nahulog sa bangin, nakita niya pa ang mukha ni Sophia na galit na galit sa kanya...
Napabalikwas ng bangon si Katherine. Sino si Sophia at Wesley sa buhay niya? Totoo bang nangyari ang lahat ng nasa panaginip niya? Lalo siyang naguluhan. Kung totoong nangyari iyon, bakit siya itutulak ni Sophia sa bangin? May mga naagrabyado ba siyang tao? Sino si Wesley? Sa nakita niya sa panaginip, mukhang may relasyon sila nito. Naghanap pa si Katherine sa kanyang bag ng maaaring makapagbalik ng alaala niya. Nagtagumpay naman siyang may makita. Isang picture. Siya ang nasa picture at may mga kasama siya. Nasa picture din si Sophia at Wesley, dalawa pang babae at isang lalake. Masaya sila sa picture. Siya ang nasa gitna, katabi si Sophia at Wesley. Ngunit imbes na makatulong sa kanya ang picture na iyon, lalo lang itong nakagulo. Ang alam niya lang, hindi siya nag-iisa sa pagpunta sa lugar na ito. May mga kasama siya. Pero kung ganon nga, bakit siya iniwan ng mga ito? Nakuskos niya ang mukha sa sobrang kalituhan. Napasukan siya ni Tomas sa ganong ayos.
''Ayos ka lang ba ineng? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
''W-wala po. Ayos lang po ako.'' Pilit ang ngiting sagot niya dito.
''Pupunta kasi kami sa bayan bukas. Itatanong ko lang sana kung ayos lang ba sa iyong maiwan muna dito." Nakangiting wika nito.
''Po? Pwede po ba akong sumama?" Tanong ni Katherine.
''Gustuhin man naming isama ka, hindi pa kakayanin ng katawan mo ang mahabang lakaran. Kagagaling mo lang sa isang aksidente. Bibilhin lang namin ang iba pang kailangan mo.'' Paliwanag ni Tomas sa kanya.
''G-ganun po ba? Sige po, dito na lang po muna ako.''-Katherine
''Wag kang mag-alala, ipagluluto ka ng nanay Trining mo ng kakainin mo. Bago magdilim bukas ay nandito na kami.'' -Tomas
''Sige po, Tatay.'' Nakangiting pagpayag niya. Tila nagliwanag naman ang mukha ng matandang lalake sa pagtawag niya dito ng 'tatay'. Nakangiting lumabas ito ng kuwarto niya. Naisip na naman niya ang kanyang panaginip. Naiisip niya ang babaeng tumulak sa kanya sa bangin. Parang malaki talaga ang kasalanan niya dito base sa galit na nakita niya sa mga mata nito. Dahil sa pag-iisip ay nakaramdam siya ng hilo. Dahan-dahan siyang humiga at saglit na ipinikit ang mga mata. Hindi niya namalayan na muli siyang nakatulog. Isang panaginip pa ang lalong magpapagulo ng kanyang isip...
''Thank you, lolo!" Masayang sabi ng batang babae. Binigyan siya ng kanyang lolo ng laruang manika. Nakangiting ginulo ng matandang lalakeng tinawag na lolo ng bata ang buhok nito. ''You're welcome, my princess Katherine.'' Malambing na wika nito sa bata.
''Lolo, paglaki ko, ako naman ang magbibigay ng gift sayo. Ibibili kita ng maraming maraming gifts.'' Bibong sabi ng batang babae sa lolo niya. Tumawa naman ng malakas ang lolo nito.
''Talaga, apo?" Pagsakay nito sa kabibuhan ng bata.
''Opo, lolo. Para lagi ka ding happy and smiling. Hindi kita papaiyakin kasi love na love kita." Nangilid ang luha ng lolo nito sa sinabi ng batang babae. Nayakap nito ang apo at hinagkan sa ibabaw ng ulo.
''I love you, Katherine.'' Naluluhang sabi ng lolo sa batang babae...
Unti-unting nagmulat ng mata si Katherine. May butil ng luha na pumatak sa mata niya. Alam niyang siya ang batang iyon at ang matandang lalake ang lolo niya. Halatang mahal na mahal siya nito. Pero nasaan ito? Ano ang pangalan ng lolo niya? Hinahanap kaya siya nito ngayon? Magkikita pa ba sila nito? Sa mga naiisip ay naiyak si Katherine. Bakit ba kasi wala siyang maalala? Bakit ba ito nangyayari sa kanya? Kailangan niya ng sagot sa mga tanong na nagpapalito sa kanya. Kailangan niyang tulungan ang sarili niya at makabalik sa totoong buhay niya sa lalong madaling panahon...
BINABASA MO ANG
The Missing Heiress
AventuraIto ay kuwento ng isang dalagang nagngangalang Katherine at ang hindi ordinaryong adventure niya sa kagubatan ng Mt. Pulag.