TMH 01.4 : Little Hannah

55 6 0
                                    

''Nasaan na kaya si Ate Kath ngayon?" Tanong ni Hannah sa nakatatandang kapatid na si Sophia. Kasalukuyan silang nasa veranda ng bahay nila, umiinom ito ng wine habang naninigarilyo.

''Don't ask me. Hindi ko din alam.'' Mataray na sagot ni Sophia sa kanya.

''Ano na namang problema mo, ate? Kanina, bago ka pumunta kay Kuya Wes, ang saya-saya mo. Ngayon, para kang nakipag-away sa sampung kabayo.'' Naiiritang tanong niya sa ate niya.

''Nakakabuwisit na kasi. Mula kay lolo hanggang kay Wesley, puro Kath ang bukang bibig. Hindi pa ba sila nagsasawa?" Inis na wika ni Sophia.

''Alam mo, ate, kung hindi lang kita kapatid, iisipin kong may kinalaman ka sa pagkahulog ni ate Kath sa bangin.'' Walang anumang sabi ni Hannah.

''Ang boba mo din talaga kahit kailan. Bakit ko naman itutulak si Kath sa bangin?" Iritang irita na si Sophia sa kapatid.

''Palagay ko lang naman yun, ate. Diba gustong-gusto mo si kuya Wes kaso ang niligawan niya, si ate Kath.'' Nang-iinis pa din si Hannah. Habi na niya iyong gawin kay Sophia. Mabilis kasing maasar ang ate niya.

''Kung wala kang magandang sasabihin, pumunta ka na sa kuwarto mo. Wala ka na talagang sinabing maganda!" Sigaw ni Sophia sa kapatid.

''Fine!" Nagdadabog na umakyat si Hannah sa kanyang kuwarto. Tuwang tuwa siya na napikon na naman niya ang ate niya. Lagi niya talagang ginagawa iyon dito. Aliw na aliw siya sa hitsura nito kapag naaasar. Nawala ang ngiti niya nang makita ang picture nila ni Katherine sa side table niya. Naupo siya sa kama at kinuha ang picture frame. Kuha nilang dalawa iyon nang magdebut siya. Ito ang bumili ng gown na ginamit niya. Hindi tulad ni Sophia, close na close sila ni Katherine. Mas nasasabihan niya pa ito ng mga problema niya kaysa sa sarili niyang kapatid. Ito din ang nakakasama niya sa mga gala at party. Napakabait nito at matulungin. Hindi kagaya ng ate niya. Mapangmata ito at matapobre. Ayaw din nito ng ikinukumpara sa iba lalo na kay Katherine. Napapansin niya din noon na malaki ang inggit ni Sophia kay Katherine. Mahal na mahal kasi ito ng lolo nila. Pati ang lalaking gustong gusto ng ate niya ay si Katherine ang nagustuhan. Naalala niya nang minsang malasing ang ate niya, sinabi nito na gagawin niya lahat para maagaw si Wesley kay Katherine. Napaisip si Hannah. Hindi kaya tama ang hinala niya na may kinalaman ang ate niya sa pagkahulog ng pinsan niya sa bangin? Naipilig ni Hannah ang ulo. Masama man ang ugali ng ate niya, hindi naman ito mamamatay-tao. Sana mahanap pa nila ang pinsan niya, iyon lang ang naiisip ni Hannah. Kahit siya ay naguiguilty sa nangyari dito. Nahulog na ito sa bangin nang dumating sila sa kinaroroonan ng mga ito. Napaluha si Hannah sa mga naiisip. Sana buhay pa ang pinsan niya, iyon lang ang tanging dasal niya...

The Missing HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon