Chapter 12 - My mom and his mom?

736 4 0
                                    

May mga tao talagang hindi nakalaan para sa isa't-isa. Ang hirap lang dun, hindi na nga NAKALAAN, pinagtagpo pa.

DREI's POV

Sunday ngayon. At super bored ako.. Busy din kasi si Claire kasi umalis sila ng parents niya kaya di kami makalabas. :( Ano kayang pwedeng gawin? Nakakabaliw! Wala naman akong maayang magdota tsaka ayokong lumabas kasi ang init. Sabi ng mama ko, magsisimba daw kami mamaya at kakain sa labas.. Yes! Kainan nanaman 'to! Yuhooooo! 

Nasabi ko na ba na may katakawan ako? Hahaha. At maghilig ako sa LIBRE? Hahahahahaha. :)  Mas masarap kaya ang libre no! Yun nga ang pinakamasarap sa lahat eh. Bored na bored na talaga ako kaya naisipan ko na lang magfacebook..

Aba? Nakaupload na pala yung mga pictures namin ng baby ko.. Mahilig magpicture si Claire.. kaya eto ang dami naming pictures! Uyyy ang cute nito oh! Maprofile picture nga...

"Carl!!! Baba na daw sabi ni mama." Bigla naman pumasok sa kwarto ko ang kuya ko. Di man lang kumatok? Hahahaha.

Oonga pala, wala pa kong masyadong nakwento tungkol sa sarili ko no? Aside sa pagiging fc ko.. Ahaha. Masayahin akong tao. Laging nagjojoke kahit corny, madali akong nakikipagclose sa ibang tao.. at matakaw nga ako. Hahaha! 3 kaming magkakapatid, May kuya ako, at isang bunsong kapatid na babae.. Ang totoo pinanganak ako sa ibang bansa.. kaso umuwi ang mama ko dito sa pilipinas para dito kami mag-aral na magkakapatid.

Bumaba nako sa dining area namin at kumain na kami..

"Oy Drei kuha ka daw ng kanin doon sabi ni mama.." Aba? Aba? Umagang umaga ha? Utusan ba naman ako ng bababeng 'to? Parang aso't pusa kasi kami ng kapatid kong babae kaya ganyan.

"Tssss. Opo senyorita!!" Sabi ko naman.

"O tama na yan.. dalian niyo na para makaalis na tayo.."

"San tayo pupunta Ma?"

"SM.."

"Mall?"

"Hindi anak restaurant. restaurant.." Hahahaha. Ang nanay ko talaga..

Nagbihis na kami at nagpunta na kami sa mall. Actually maggrocery lang pala kami dito tapos magsisimba na tapos kakain ulit! Hahaha. Naisipan ko naman na humiwalay muna sa kanila at maghanap ng damit or ng kung anong mabibili... mga isang oras din siguro akong naghahanap ng mga damit pero walang maganda! Tssk.. Palabas nako ng store ng may nakita akong familiar na likod.. isang bubbly girl.. parang nakita ko na siya pero di lang ako sure kung saan.. susundan ko sana kaso biglang nagvibrate yung phone ko...

From: Kuya Jp

Glad You Came (My one-sided love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon