Chapter 37 - I do love you

672 7 0
                                    

"Falling in love is not always a happily ever after story. Most of the time, it's just once upon a time."

"SAB!!! HELP!!!! SI DREI!!!!!"

Nung marinig ko yung mga salitang yun. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam ano ang gagawin ko. Ano ang iisipin ko. 

"Ano nangyare? tanong ko

"Help! Si Drei kasi ano..." sabi ni vince

"Ano?" ako

"Kasi Sab si Drei.. pinuntahan kami sa bar tapos.." renz

"Tapos ano!?" ako

"Sumama ka na lang para makita mo." vince

Habang papunta kami kay Drei mas lalo akong kinakabahan. Ano ba ang nangyare? Haay! Nakakabaliw naman ito! Kasama ko si RD ngayon. Sinundan namin yung kotse ni Renz para malaman kung saang bar nandun si Drei.

Nung makarating kami. I saw him. Nagwawala. Mukhang lasing na lasing na. Dumudugo yung dun sa may part ng lips niya. Napa-iling na lang ako. Linapitan namin siya. Nung nakita niya ako...

"Sab.. you're here." tumakbo siya papalapit at niyakap niya ako ng mahigpit "You're here.." he whispers.

"D-drei ano bang nangyayare sa'yo? Umuwi ka na." sabi ko

"Nagwawala siya kanina pa Sab. Ang dami niya rin nainom. Ayaw niyang paawat. Hinahanap ka niya." sabi ni Ken

"Drei...." bulong ko

Niluwagan niya yung yakap niya sa'kin hinawakan niya ako sa magkabilang braso while looking directly into my eyes..

"Sab, sabihin mo, mahal mo pa ako di ba? Please say it." nakita ko na tumutulo yung mga luha sa mga mata niya. Aaaaaah! Ano ba ito. Never kong inimagine na mangyayare ito.

"Drei. Umuwi ka na. Lasing na lasing ka na." i said

"No, no. Please say it. Please. Mahal mo pa rin ako di ba?" sabi niya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak

"Drei, wag dito. Umuwi ka na muna. Pag nahimasmasan ka na, dun tayo mag-usap." i said calmly

"I wanna hear it. Please."

"Drei---"

Biglang sinuntok ni RD si Drei. At nawalan ito ng malay. 

"RD! Anong ginawa mo?!" ako

"Hindi tayo matatapos kung hindi ko ginawa yun. Mas mabuti na iuwi na muna natin siya." RD

"Hay. Geez ano ba 'to. What a scene." ako. Sobrang nakakahiya pinagtitinginan kami ng mga tao. Ano bang nangyayare kay Drei? Bakit siya ganyan?

Inuwi na namin si Drei sa bahay nila. Wala pala siyang ibang kasama kung hindi yung kapatid nya na babae at isang tagapangalaga nung bahay nila. Nasa states pa rin pala yung mom niya at kuya niya. Sinamahan ko siya hanggang sa kwarto niya..

Inayos ko na yung itsura nitong si Drei. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayare. Ilang araw pa lang akong nakakabalik dito sa pilipinas grabe na yung mga happenings. Ginamot ko na yung sugat ni Drei sa may labi at pinunasan yung mukha niya. Hinaplos ko yung buhok niya at mukha. Ito yung unang pagkakataon na nahawakan ko siya dito. Ito rin yung unang pagkakataon na naging ganito ako kalapit sa kanya. 

Pero alam ko mali ito. I should control myself. No. Not another mistake.

Paalis nako ng biglang may humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa kanya..

"Please... stay.." he said

Umupo ako ulit ako sa tabi niya. He was still holding my hand. Napakahigpit ng hawak niya.. Hinaplos ko ulit yung buhok niya. And this time, i can feel the pain again.. and the longiness to see him once more.

Glad You Came (My one-sided love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon