Chapter 31 - If i cry a thousand tears

696 7 1
                                    

"Don't cry for someone who's not willing to catch your tears. don't lose yourself for someone who's not afraid of losing you."

When the morning came, dali dali kong kinontact si Ish tinawagan ko na din sina jean, iwa, blair, at lahat na ng pwede kong pag tanungan kung san yung bahay nina Sab. Binigay din naman ni Ish yung address. Pero sabi niya, wag na daw akong magpunta. Bakit kaya? Tinawagan ko siya pagkatapos kong marecieve yung text niya.

"Hello ish? Nasan ka?"

"Nandito sa bahay ni Sab."

"Talaga? Andyan ba siya pwede ko ba siya makausap?"

"Wala. Wala na siya."

"Ha??!?!?! Anong ibig mong sabihin?!?!"

"Umalis na siya papunta Canada."

"What?!?! Are you serious?"

"Bakit naman ako magbibiro ng ganun Drei."

"Wait.wait lang. malapit nako. P-papunta nako."

Binaba ko na yung phone. Nanghina ako dun sa sinabi ni Ish. Bakit ganun?! Umalis siya? Umalis na siya? Bakit biglaan? Ang alam ko next week pa yung alis niya. Finally, nakarating na din ako sa bahay nila. Tinawagan ko si ish ulit para sabihin na nandito ako sa harap. Nung lumabas siya..

"Ish si Sab!?!"

"Kakasabi ko lang di ba Drei? Wala na nga, kakaalis lang."

"What?!?!"

"Wala na tayong magagawa. Halika, pasok ka muna sa loob. Andun lahat."

Nung pagkapasok ko, halos lahat namumula yung mata. Mukhang nagsiiyakan sila dito ha? May lumabas naman bigla na matandang babae at sinabi niya..

"Oh andito pa pala kayo? Oonga pala, bago ko malimutan, pumasok na kayo sa kwarto ni Sabrina. Sinabi niya kanina bago siya umalis na papasukin kayo dun pagkaalis niya.

"Sige po manang. Maraming salamat po." -Iwa

Nagpunta na kami sa kwarto niya. At pagkadating namin dun, ang daming boxes na nakalagay sa kama niya. At bawat isa, may mga pangalan.. Ish, Jean, Jade, Iwa, AC, Blair at marami pa. Halos lahat ng kaibigan niya binigyan niya ata ng mga regalo. It was my first time na makita yung kwarto niya.. Maganda yung kwarto niya. Simple at napakalinis. Meron nga dun, nakapost sa wall yung mga pictures niya pati mga family and friends niya..

"Ano ba yang si Sab oh! Lalo akong pinapaiyak!!!" -Blair

"Oonga!!! Kainis!!!" -Jean

"Huhuhuhuh." -Ish

Lahat malungkot. Pati ako. Kasi alam ko na HULI na ang lahat. It was too late before i realize kung ano talaga yung nararamdaman ko.

Napatingin ako sa may bandang left corner nung room. May isang box dun na medyo malaki.. at may nakasulat na, "UNWANTED MEMORIES." Na-curious ako kung ano yung laman.. I opened the box and the first thing na nakita ko is...

Yung picture namin dalawa nung birthday niya. Naka-frame pa ito. At ang laki ng pagkaprint. Bigla naman akong may naramdaman na sakit sa puso ko. Gusto ko pang makita kung ano ano pa yung mga nandito. Isa isa kong tinignan kung ano yung laman.. At alam niyo ba kung ano ano pa yung mga nakita ko?

May isang notebook dun. It looks like a planner, pero nung pagkabukas ko, parang isa siyang journal. Old journal. Pagkabukas ko pa lang, nakita ko na yung pangalan ko.. "Carl Andrei Zobel, this is for you. My first love." Yung yung unang nakalagay. 

Binasa ko bawat isa yung mga nakalagay. Mukhang tungkol nga sa'kin lahat ng ito. Nakalagay din dito yung mga small things na ginawa ko para sa kanya. Pero hindi ko inakala na malaking bagay para para sa kanya yung mga simpleng "Hi" "Hello" ko. Sa mga ganun bagay lang pala can make her day complete. May mga nakaprint screen din na wall post ko sa kanya or yung mga ni-like ko. And yung first chat niya sa'kin. Kung titignan mo, parang ewan lang 'tong babaeng 'to. Pati ba naman yung mga yun? Pero.. napatunayan ko lang na talagang may nagmahal sa'kin na tulad niya. And i shouldn't have let her go.. pero may isang bagay na nakasulat dun na talagang nagpakirot sa puso ko...

Glad You Came (My one-sided love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon