Chapter 10 - 30 minutes convo

761 5 3
                                    

“To love is to risk not being loved in return. To hope is to risk pain. To try is to risk failure, but risk must be taken because the greatest hazard in life is to risk nothing.”

RD'S POV

Bagong araw nanaman! What the... :D For sure, late nanaman ako nito. Di bale mabilis naman magdrive yung driver namin eh. Tinawag nako nung kapatid ko para magprepare. Sabay kasi kami papunta school. Nakakatamad naman pumasok oh! Di bale ilang months na lang at matatapos na school year..

"Oh Rd anak kumusta naman yung school mo?" Tanong ni mommy sa'kin habang nagbreakfast kami.

"Ah okay naman Mom." 

"May nililigawan ka na ba ulit?" Nakuuu. Si mommy talaga. Hahaha! Ang totoo alam na ng mommy ko yung mga kalokohan na ginagawa ko. >:)

"Ha? Mommy wala no. Wala pa. Hahahaha!>:)"

Oo. May pagka playboy ako. Di ko naman kasalanan kung pinanganak akong gwapo di ba? Hahaha. Naka 16 girlfriends nako. Maniniwala ba kayo? Hehe. Nagprepare na kami ng kapatid ko at umalis na kami ng bahay. Nasa school na kaya siya? Hmmm. Lately laging gusto ko siyang nakikita. Ewan bakit. Ano bang klasing feeling 'to? Hinala ko na may crush siya sa'kin eh. Hahaha! Masyado ba kong makapal? Hindi naman labi ko lang makapal. Hahaha! :)

Malapit na kami sa school at pagtingin ko sa hallway sa taas, nakita ko na siya. Early bird kasi yun kaya mahilig siyang nagsstay sa may hallway at nakikipagkwentuhan. 

Nagring na yung bell kaya naman nagmadali nakong naglakad magsstart na kasi niyan yung flag ceremony mukhang mapapagalitan nanaman ako pag na-tardy ulit ako. Halos everyday na kasi akong nalalate.. Buti nakahabol pa ako! Yes!

Natapos na yung ceremony kaya back to normal world na ulit. Buti nasa harap ko siya. \m/ Kaya umagang umaga kinukulit ko na siya...

"Uy Sab! May test ba mamaya?"

"Ha? Wala naman ata.."

"Eh assignment? :))"

"Wala din."

Hmmm. Mukhang wala siya sa mood makipagusap? Mamaya ko na lang nga kulitin 'tong isang 'to. Sana dismissal na.. Pupuntahan ko pa yung pinopormahan ko na si Nica. Ang boring! Haaay.

Glad You Came (My one-sided love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon