my intern

1.9K 19 0
                                    

Hindi ko alam kung saan at panu ko sisimulan tulang aking iaalay saaking kaibigan. Tulang ng paibig na syang naradaman.

Ito'y sisimulan ko sa salitang pintig. Pintig ng puso, Hindi ng pulso.
Kaba! hindi dahil may recitation ka. Kaba, dahil nanjan kana .
Dalawang salitang  makaugnay, dalawang salitang pinag ugnay ng pusong mag kahiwalay.
Sa una palang pagkikita, Ako'y tinamaan na.
Tinamaan hindi ng bato kundi tinamaan sayo.
Oo aminado ako, Ang bilis-bilis ng nararamdaman ko.
Pero ako ba'y masisisi mo, kung sa mga ngiti at tawang pinapakita mo ako'y nadadala nito.
Nadadala hindi sa ibang mundo. Bagkus sa mundong iniisip ko.
Kahit sandali, Kahit imposible.
Ako sana'y mapansin mo.
Mapansin ,o kahit mapatingin sa simple tulad ko humahanga sayo.

Tandang-tanda ko pa, Sa una nating pagkikita.
Hindi ko alam kung anung meron ka at napukaw mo agad itong aking mata.
At habang ika'y papalapit, agad-agad kang nag pakilala at sinabi kung taga-san ka.
Ng mga oras na yun hiniling ko na kay kupido.
Kahit hindi pa pasko panain muna, kung sya, sa akin ay nakatadhana.
Lagi kang inaabangan sa lugar kung saan ka natagpuan.
Tinitignan-tignan kung ikaw ay nariyan.
At sa bawat araw na lumipas mga bagay tungkol sayo'y lumabas.
Tulad ng pagkamahusay mo sa laro bola ay batas.
Oo alam ko, Oo tagap ko. na para kang isa kang bagay na mahirap angkinin.
Para kang ring na ang hirap abutin.
Oh! dyamanteng ang hirap bilihin.
Kaya aking din minsa'y nahiling na sana , Sana isa na lang akong bola.
Isang bola na gagawin mo ang lahat wag lang maagaw ng iba.
Oh, Sana isa akong bag na hinablot ng kawatan at handang habulin  kahabaan ng daan mabawi lang.
Mga munting imahinasyon, mga munting imbihasyon produksyon ng mabitay kong emosyon.
Isang buwan, isang buwang pag ibig aking naradaman mag mula ng mapunta sa lugar kung saan ka natagpuan.
Sa lugar na hindi ko inakala na ikaw ay makilala.
Kasabay ng paglisan ko, ay ang pagbaon ng ala-ala mula sayo.
Mga simpleng ngiti, at tawa mong ako'y naakit.
Boses mong kahit hindi maganda, ngunit hindi panget ako'y natutulala. Kaya itong tula na aking kinatha dulot nitong ala-ala sayo . . .  . .sinta.
Sayonara . , , , , saranghae .

spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon