SANA

2.2K 17 0
                                    

                        S A N A

Sana isang salitang may apat na lettra.   Isang salitang animo'y pangkaraniwan gaya ng karamihan.
Isang salitang simple ngunit sakit nito'y double.

Sana paboritong salita ng mga taong takot, Takot umasa.
Takot Sumugal.
Sa laro ng puso ang nakataya. At higit sa lahat,  Sa laro na Saya at Lungkot mag dudulot.

Marami-rami na ring sana sa bibig ko'y namutawi.
Marami-rami na ring sana sa puso ko'y nag dulot pighati.
At sa dinami-rami ng sana kung nasabit. Ikaw lang ang sana hinding-hindi ko kayang ipagpalit.
At ung mga sana na ikaw ay kawaglit.

Ung mga sana na isang araw gigising kapiling ka.
Ung sana na masaya tayo sa pipiling ng isat-isa.
At ung sana na andito ka nalang at di na lalayo pa.

Tuwing mawawaglit sa isip ko masayang alalang buo ng magkasama tayo.
Ung mga munting kilig pag nag didikit ating mga bisig.
Ung mumunting kaba sa biglaang pagkikita.
At ang mga nakaw na tawa at ngiti  mong sa tenga ko'y humahalina.

Ito na. Ito na ang masakit na katotohanan umasa na sa kukunting pag asa.
Umaasa nako kasabay ng sana, ng sana na kahit pano.
Kahit kunti mayroon ka nadarama.
Pero ung  sana pala na nag pasaya kahit sandali. Un rin palang magdudulot ng sakit at pighati.

Pero lahat ng mga sana ngayon walang saysay.
Lahat ng masasayang sana'y na puno ng lumbay.
At lahat ng sana'y  sakin nag pagsakit.

Sapagkat wala.
Sapagkat wala kana
At hindi ko na kayang maibalik pa.
Kahit hilingin ko paulit-ulit oras natin manumbalik.
Hindi ko na magagawa pa, sapagkat tadhana at oras ay nagsama.

Hindi ko na magagawang sambitin lahat ng sana'ng nabitin.
Hindi ko na magagawang pagdugsungin puso mga natin.

spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon