kaibigan.

4.3K 47 12
                                    

Kaibigan, oo kaibigan.

Isang relasyon na kay daling hanapin. Kay daling matagpuan.
Ngunit kay hirap tagalan kung kayo'y  plastikan.
Ito'y mula sa mga taong mag kakaiba ngunit nabuklod sa isa.

Relasyon na buo mula sa pagkakatulad o pag kakaiba.
Mula sa iba ibang pananaw ngunit nagkakaisa.
Samahan hinubog ng panahon at problema.
Problema di nakatinag o naalintana.

Kaibigang kasama mo sa lahat ng okasyon.
Okasyon na mula kasiyahan  o kalungkutan.
Maging buhay pag-ibig o anu man.
Sila ung mga taong aalalay at tiyak na susuporta.

Kaibigan oo, mga kaibigan.

Sila ung mga taong pwede mong kaalitan o kakulitan.
Taong nandyan sa lahat ng  kalokuhan.
Piling tao pwede mo pag sabihan, pagkatiwalaan.
Tulad iyong mga agam-agam.

Mga taong pwede mong sandigan.
Taong alam mong di kahuhusgahan.
Magalit man iba sau ikaw walang pakialam.
Dahil alam mong sila'y  anjan di ka  iiwan.
Sapagkat ganun ang tunay na kaibigan

Kaibigan oo, totoong kaibigan.
Mga taong matatakbuhan sa lahat mong tanung.
Mga taong sasagot sa iyong questyon Sila un unang huhusga sa maling mong desisyon.
Ngunit sila rin un taong igagalang at rerespetuhin anuman iyong desisyon.

Kaibigan, oo kaibigan

Mga taong d man panghabang buhay ngunit naging parte ng buhay.
Sabihin mo man wala kang pakialam ngunit inaabang-abang.
Mag hiwalay man ng landas ngunit daan niyo'y parehong binabagtas.
Magkalayo man, ngunit muling makalalapit.

Yan ang tunay na kaibigan.
Yan na ang naka-ukit.

Di man kami perpekto, wag kang magulo.
Basta nag kakaisa wala ng reklamo.
Sikolohiya, sikolohiyang magulo. Wag kaung anu!!.

<<-------->>--------->>----------<<---------->>----

Hahaha ang sama nung poem ko. Parang nakashabu ako. May oral ako inuna ko pato. Pag sa kagaling ko.:'-(

spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon