wag ngayon

1.5K 18 4
                                    

  WAG NGAYON
Kung  tatanungin mo ako, kung nakalimutan na kita.
Wag ngayon.

Kung mapapadama ka ng kakaiba, at pakikipagkaibigan lang pala.
Wag ngayon.

Kung mag aalala sa kalagayan ko.
Wag ngayon.

At kung pipilitin mong ibalik ang dati nating pagsasama.
Please wag ngayon.

Sapagkat hindi ko pa kaya,
Hindi ko pa kaya ang makita kang may hinahatid na iba.

Hindi ko pa kaya ang makita kang may katawanan, at masaya kayo sa piling ng isat-isa.

Sapagkat dati ako yun,
Sapagkat dati tayo yun.

At kung hihilingin mo sakin, kaibiganin ko sya.
Please wag ngayon.

Hindi ko kaya maki pag plastikan sa iba.
At ipakita kung masaya ako para sa inyo dalawa.
Dahil sa huli ako lang din ang mag mumukhang tanga.

spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon