KABIGUAN

751 9 2
                                    

Kahit ano ulit kong hilingin.
Kahit ano ulit kong alalahanin.
Panahon at oras , dina kayang
ulitin.
Kabiguan ko'y mananatili sa akin.

Hindi ko alam kung saan, paano at kailan ako nag kulang.
Alam ko sa sarili ko binigay ko ang lahat.
Oo lahat , oo lahat lahat ,na sa tingin ko ay sapat na.
Sapat na para makuha kita.

Oo mahirap. Oo alam kung mahirap.
Hindi isa, hindi rin dalawa.
Marami sila sa totoo lang.
Pero umaasa ako ee.
Umaasa ako sa kakayanan meron ako.

Akala ko kasi pwede na .
Akala ko kasi kaya ko na.
Hinanda ko naman sarili.
Pati nga puso at isip ko hinanda ko rin ee.

Pero patagal ng patagal.
Sa bawat oras na nag daan.
Alam ko nawalan din ako ng paasa.
Sabi ko baka di ko kayanin, baka hindi ako swertihin.

Maraming baka, maraming pag aalinglangan.
Pero hindi lahat ng baka ay negatibo.
Meron at meron parin tumubong positibo.
Na baka pwede, na baka lulusot, na baka nga swertihin diba!

At ng dumating nga ang araw na pinaka hihintay ko.
Ang araw na naramdaman ko ang kakaibang sakit.
Sakit na kailan man hindi ko na gustuhan.
At ang sakit na kailanman hindi ko gugustuhin.

Kasabay nitong ng mga luha na pumatak mula sakin mata.
Kasabay rin nitong umagos ang mga alaala.
Mula sa pinaka una hanggang sa huli kung pandama.
At kasabay rin nitong binigkas ko ang salitang, ang sakit pala talaga pag umasa ka.

Kaya nga minsan nga natanong ko sarili ko.
Tama ba ang naging desisyo ko!
O nag madali ako kaya nag kaganto?
O baka naman talagang nag kulang ako.

Pinaniwala ko lang sarili na sapat na.
Na sapat na ang ginawa, na sapat na ang sakripisyo ko.
Baka imahinasyo ko lang yun.
At ang totoo mahina ako at walang alam.

Nag lalakas lakasan lang ako, nag tatapang tapangan.
Upang ng sa ganun ay mapagtakpan aking kahinaan.
Kahinaan na nag dulot sakin kabiguan.

Bagamat ito'y man ay isang kabiguan atin sana ating pakatatandaan.
Ano man, o gano man kahirapan
Ating pinag dadaanan.
Ilan ulit man tayo hamakin  nitong kabiguan.
Palagi sana tayong maniwala sa tamang pahanon,
At Sa tamang rason , wag sana natin  hayaan tayong kainin nitong masamang kahapon.

November 09, 2018

@feminasyreni alam mo toh😁😁

spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon