pag limot

2.6K 29 14
                                    

Writing poem makes me feel good, it is my medicine when im sad, upset or everything. I hope you like this.

                P A G L I M O T       

                             I
Mahal, babe, baby, hubby, mga salitang hindi ko pwedeng sambitin.
Mga salitang hindi ko pwedeng imikin.
Sapagkat ikaw ay hindi saakin kaya ako'y walang karapatang upang ika'y akinin.
Kaya heto ako, heto binubulong na lang sa hangin mga salitang nais sambitin.

                               II
Tandang-tanda ko pa, yung araw na nagustohan kita.
Yun ung araw na nag simula magulo itong munting mundo na aking binuo.
Ngunit sa isang iglap ay nagulo, lahat kong plano at ito'y nag laho at ng dahil sayo.
Sa tagal ng panahon na aking tiniis, sa tagal na panahon itong damdamin ko'y binaon.
                              III
Ngayon ba'y handa na kong kalimutan ano mang nararamdaman?
Sapagkat sawa na kasi akong, maging isang tangang umaasa sa kukunting kantyawan.
Kukunting salitaan mula sa kaibigan.
Mga munting u i i i, , , at a y e e i i i, , , nilang  kay inam pakingan.
At mga pa fall mong galawan na amino'y tunay at walang hanggang.

                            IV
Oo mali, oo maling umasa sa isang bagay na alam kong imposible.
Pero di ba may nakakagagong kasabihan na lahat ng imposible pwedeng maging posible.
Na baka isang araw ikaw,ako'y maging posible.
Masama ba, masama bang umaasa. Umasa sa isang salita na pwede.

                             V
Pwedeng mag dugtong sa salitang tayo.
At mabuo ang salitang pwede bang maging tayo.
O posible bang maging tayo.
Ung tayo na, na ikaw at ako.

                         VI
Mag kasamang namamasyal sa venice, na puno ng nakakainis nag mag syotang mag lalampungan sakaliwa't, kanan.
Ung mag syota na pinanlalandakan kanilang pagmamahalan at animo'y tunay ang sinasabing walang hanggang.
Pero sa huli sasama sa pila,
Pila ng mga bitter na sisigaw sa luneta at sasabihin walang kwenta.
Walang kwentang umibig at maging tanga.

                           VII
O diba kay lupit, kay lupit mo oh pag ibig.
Kay lupit mong kumapit. Sa taong gipit, sa mga taong bulag o nag bubulag bulagan dahil sa pag paibig.
Ang tagal, ang tagal na panahon na aking ginugol para lang itatak sa isip ko na dapat kalimutan ko na ano man aking nadarama .
Inabot ako ng linggo, buwan, at taon para mawala lintik na kaba pag ika'y nakikita.

                             VIII
Ung lintik na kilig pag ikaw ay papalapit.
At traydor na hypothalamus na nagdudulot ng pamumula sa boung mukha pag ika'y nanjan na.
Oh diba! ang galing, ang galing mong  tutiming, kung kelan okay na.
Okay nako kahit nanjan ka.

                              IX
Ung kunti na lng kilig at kaba pag ika'y papalapit.
At tumigil na ang pumumula dulot ng ung presensya.
Naitago ko na, naitago kuna at kinalimutan ko na ang nararamdaman kung pag sinta.
Pag tinatanung nila ako ang sabi ko nakamoveon nako kahit hindi pa.

                               X
Ayaw ko na kasing maunkat, maunkat ang panahon at alala-ala sayo sinta. Sapagkat sating dalawa ako lang, ako lang naman ang may alam.
Ako lng namn ang nakaramdam.
Dahil manhid at tanga ka para di malaman na ako'y may nararamdaman.

                              XI
Pero heto ka, mantitrip at nakikisakay sa udyok ng tropa.
Hindi ko alam kung tanga ka, O sadyang gago ka lang talaga.
At pinag nag lalaruan ang aking nadarama.
Oo alam ko, na alam mo na ang aking tunay na nararamdaman.

                            XII
Alam mo na minsan kitang na gustuhan.
Pero sana hanggang dun na lamang. Sapagkat sawa na kong pagmasdan mukha mong iba ang inaabangan.
Matagal ko ng alam na hindi ako sya. At hindi ako makakapuyang sayo sinta.

At ako sayo'y walang pag asa kaya ngayon sana ikaw ay  makalimutan ko na.

spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon