CHAPTER 3:ACCIDENT
Nandito ako sa bahay nila Eri. Si tita?! Ganun pa din, walang kakupas kupas ang kulit . kanina kasi nun dumating ako
“Tanya. Buti naman bumisita kang bata ka.. nam-miss na kita ii. Naku.. wala pa ring kupas ang ganda mo.. ewan ko nga ba dun kay Nathan kung bakit hindi na lang ikaw ang niligawan. Di hamak naman ang lamang mo dun sa girlfriend niyang lagi na lang sakit sa ulo ni Nathan”
O diba bongga.boto sa kin si tita.. hahaha. Buti na nga lang umalis si Nathan
“kainis talaga iyong babaeng iyon.. grrr. Naku Tanya sarap itapon sa manila bay. Kung nakita mo lang kung gaano kafragile ni kuya tingnan” si eri habang sinusuntok ang human sized nitong teddy bear.
Ganto talaga itong babaeng to. Kapag naiinis ,, yung kawawang si Mr. FluffyFur ang pinagdidiskitahan. Ako naman nakikinig lang sa kanya. Alangan namang makisali pa ako sa ginagawa niya. Maawa naman kayo kay mr. fluffyfur. Bugbog sarado na nga kay sadistang Eri, dadagdag pa ko.
“Eri.Eri. ang kuya mo. Bilis.” Si tita habang kinakatok ng bonggang bongga ang pinto ng kwarto ni ERi
Nagkatinginan sila ni Eri. Then nagmadali na kaming lumabas.
“bakit mommy ?! ano ang nagyari kay kuya?” kabadong tanong ni Eri,pati ako kinakabahan na,, kasi si tita umiiyak na ii
“naaksidente daw.. on the way na ang daddy mo sa hospital. sumunod na tayo.. pinahanda ko na kay Carding ang kotse.”
WHAT?! OH NO! OH NO! God please, sana maayos lang si Nathan.
“panong nangyari yun mommy. Safe driver naman si kuya ah.”
“hindi ko di alam. Kaya nga puntahan na natin siya agad ii”
“tita. Sasama po ako” sabi ko.. gusto ko kasi talagang malaman ang lagay ni Nathan ii.
<SA HOSPITAL>
Ilang oras na din kaming naghihintay sa labas ng ER . nandito na rin si mama.. BFF din kasi sila ni tita parang kami lang ni Eri.
Sobrang tensed na ang mga tao dito.. si tita iyak ng iyak habang pinapakalma ni tito at ni mama.
Ako naman itong si Eri ang hinarap ko.. naiiyak na din kasi siya ii.. ngayon ko lang nakita ito ng ganito natatakot.
Naiiyak din naman ako ii.. kasi sobrang kinakabahan na ako para sa kalagayan ni Nathan.
Then lumabas na yung doctor from ER.
“kumusta na po ang anak ko?!”
“ahm.. kayo po ba ang mother ng pasyente. Ok napo siya ngayon..”
“oh God thank you” nasambit ni tita
“pero ang pinakanaapektuhan sa kanya is his eye. Masyado po kasing nadaming bubog ang tumama sa mata niya. I’m afraid na baka magresult iyon sa pagkabulag ng pasyente. Map-find-out lang natin yun sa oras na magising na siya”
Oh wait, mabubulag siya? No. marami pang pangarap si Nathan. Alam koi yon. Narinig ko kasi sa speech niya nung nakagraduate siya. Suma Cum Laude kasi siya.
Napayakap sakin si Eri. Si tita naman, patuloy pa din ang pag-iyak.
Pinayagan na kami ng doctor na bisitahin siya.
Nung nakita ko siya.. hindi ko na mapigilan ang luha ko.. naaawa ako sa kanya. Sobrang critical niya tingnan at this moment. Ang all-mighty na si Nathan ngayon ay nakahiga na parang walang lakas.
How I hate that Nancy! Dahil sa kanya kung bakit nandito si Nathan. Hindi sana maglalasing si Nathan ng sobra kung hindi lang nakipag-break ang witch na iyon.
**************************
A/N :ayan, ahahah
salamat ulit sa mga nakaabot sa chapter na to :)
bukas ko na lang ulit ip-post yung continuation :)
BINABASA MO ANG
Blind Heart
JugendliteraturMahal niya. Pero may mahal itong iba. But because of an accident, nagkaroon siyang chance para ipadama dito kung gaano niya ito kamahal. Magpapasalamat ba siya na naaksidente ito o hihilingin na lang niya na. “ SANA BUMALIK NA LANG TAYO SA TIME NA H...
